chapter 27: identity crisis

14 2 0
                                    

"Dahil sa trauma po at pagkakauntog niya sa corner ng matigas na bagay kaya medyo nagkaroon siya ng amnesia...pero wag po kayong mag alala hindi aabutin ng isang buwan ay mababalik din naman ang alaala niya ang kailangan lang po ay healthy diet, good for her brain, Eat fruits, vegetables and whole grains. Choose low-fat protein sources, such as fish, beans and skinless poultry.by the way pwede naman po siyang ilabas basta complete po yung mga requirements and papers para sa paglabas nya." Anas ng doktor.
"Ganun po ba dok.sige po,iuuwi na namin siya."dagling sagot ng ina ni zack.
"Ganun po ba, sige po kayo pong bahala".anas ng doktor.
"Nadinig mo deniella lalabas na tayo".nakangiting sabi ng ina.
"Mabuti naman mommy at inip na inip na ako dito."sagot naman ni zack.
Inasikaso na nila ang mga gamit at dumiretso sa bahay nina zack pag bukas nila ng pintuan ay naruruon ang ilang empleyado ni zack at ang kanyang besshy na si bless.
((Welcome home sir zacccckkkk)) pambungad ng mga empleyado.
Laking tuwa ni zack sa surpresang kanyang natanggap.
"Aba may pa surpresa pa ha,thank you thank you sa inyo".nakangiting anas ni zack.
Nagkwentuhan sila ng kung ano ano nag tawanan ng araw na iyon .naililihis lang ang kwentuhan sa kanyang pagkaka disgrasya dahil ang pagkakaalam ng mga empleyado ay naaksidente si zack sa isang sasakyan.wala din silang alam na ang tinatawag nilang sir ay isa palang mam.
"Eh sir, salamat po pala at di niyo parin kami pinababayaan kahit pandemiya. Salamat po sa paayuda malaking tulong po iyon sa family namin".pasasalamat ng isa.
"Ha? Ahhhh...oo naman kayo pa ba?".sabay tingin si zack sa ina dahil wala siyang matandaan na ginawa niya habang pandemic.
Ngumiti at kumindat lamang ang kanyang ina habang nag sasandok ng nakahandang pagkain.
"Umasa po kayo sir na magsusumikap po kami at gagalingan po namin sa work dahil maasahan po at inaasahan po talaga namin ang company niyo sir,di pinahintulutan ni god ang mawala sa mundo ang isang magaling na amo kagaya mo...thank you po uli" sabi naman ng isa pa.
Matapos kumain ay nag siuwian na ang lahat ng bisita ni zack. Naiwang nagliligpit sina bless at ilang kamag anak pa ni zack.
"Mommy, saan nga pala ang room ko?" Tanong ni zack.
"Nak dyan sa bandang kaliwa yung kulay baby yellow."sagot ng ina.
Dahang dahan na pumasok si zack sa kanyang kwarto.hinipo niya ang mga gamit dito.wala na ang larawan nila ni lilac na nakalagay sa divider. Naupo siya sa bangko at napabugtong hininga. Bagong buhay nanaman ang kanyang tatahakin, ngunit sa pagkakataong ito wala si bobby o si lilac sa kanyang tabi.unti unting pumatak ang kanyang luha,bahagyang kumirot ang sugat sa kanyang dibdib. Tumayo siya sa pagkakaupo at inilatag ang katawan sa kama.nasa isip niya si bobby. Bakit nagawa sa kanya na saksakin siya? Sa kabila ng maraming binigay na pagkakataon kay bobby ay ganito pa ang ginawa sa kanya ng dating asawa?. Maaaring magpatawad siya pero hindi niya ito malilimot  lalo na ang masaklap nilang istorya. Biglang sumagi sa isip niya si lilac.
"Kamusta kana kaya mahal ko? Galit ka pa ba? Mahal mo pa ba ako? Mahal na mahal kita lilac." Sa isip ni zack.
Paulit ulit niya naiisip si lilac,ang mga masasayang lambingan nila, kung paano napatibok ni lilac ang kanyang puso.nakatulugan na niya ang pag balik sa alaalang iyon.
Isang panaginip:
"Lilac sandali, wag mo naman akong iwan baby!" Tawag ni zack. Sabay hawak sa kamay nito
"Leave me alone zack, sabay wasiwas sa kamay ni zack.hindi ko kayang mabuhay at magmahal ng isang kagaya mo!"sagot ni lilac.
"Kagaya kong ano lilac?kagaya kong di tunay na lalaki ganun ba? Isang lesbiana ha?."tanong ni zack.
"Oo,kagaya mo!!! Sa tingin mo pag minahal kita sa ganyang kalagayan ay walang mangungutya sa atin? Tingnan mo ang paligid mo zack lahat sila nakatingin sa atin, mga naghihintay na gawin natin ang mali. Mang iinsulto at mag aalipusta!"
"Tama ka lilac!..magagawa nga nila iyon sa atin...bakit magagawa din ba nila ang mahalin ka ng habang buhay? Ang pasayahin ka na hindi nabibili ng pera o bagay? Natural aalipustahin tayo,...kasi hindi naman tayo perpekto gaya ng espikulasyon nila...pero tao tayong nagmamahal na imperfectly perfect. Kung kukutyain ka nila,hayaan mo. Dahil tayo ang may relasyon dito hindi sila...bakit ka papaapekto sila ba ang mahal mo? At di ako?.sila ba ang karelasyon mo at hindi tayo? Ipinaglalaban ko lilac ang pagmamahal ko hindi ang pamimintas nila pero kung sa ganyan mo lang titingnan ang paligid at mababaw ang pananaw mo, marahil nga siguro ay hindi ko na dapat ipaglaban pa ang pag mamahal ko saiyo. Hahayaan ko nalang na mas maging masaya sila dahil naging successful sila na paghiwalayin tayo. At ako?,habang buhay nalang mangungulila saiyo, ako na minahal mo  pero mas pinili ang sasabihin lang nga mga tao. Sige lilac, suko na ako. Nakikipaglaban pala ako sa pag ibig na sa una palang ay isinuko na ako.
Lumakad pahakbang papalayo si zack subalit yumakap sa bandang likuran si lilac.
"Patawarin mo ako mahal,natatakot lang kasi ako na pag pinaglaban kita at makahanap ka bigla ng iba ay bitiwan mo din ako. Natatakot akong pagtawanan kung sakaling magkamali ako sa aking desisyon. Bago lang ako sa ganitong sitwasyon kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin sa mga bagay na ngayon ko palang nararanasan at mararanasan pa.natatakot na kutyain, pero tila ba mas nakakatakot atang iwan ng pinakamamahal niya kaysa bumangon sa mga pagkakamali,pwede bang hayaan mo muna ako makapag isip isip zack? Mahal naman kita pero wag muna natin madaliin ang mga bagay bagay dahil kailangan ko hanapin ang sarili ko bago ko lubusang yakapin ang mundong ibinibigay mo para sa atin."
"Hindi ako nagmamadali mahal, ang importante sa ngayon ay malaman ko lang na mahal mo ako,papanghawakan ko ang pagmamahal mo.sasalubungin natin ang bukas ng walang halong takot at pangamba,maghihintay ako mahal,maghihintay ako."

Mga Pusong HibangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon