chapter19: i resign

17 2 0
                                    

Tutok ang mata ng gwardiya kay bobby habang ito ay naninigarilyo
"Manong guard, relax kalang di ako aalis dito". Anas ni bobby.
Tumango lang ang gwardiya.
"Ako ang co-manager restaurant na ito pero parang mas sinusunod mo yang babae na yan manong guard?" Tanong ni bobby na may pagka iritable.
"Pasensiya na sir, kayo nga po co-manager kaso gf ni boss si maam baka po mapatalsik ako.pasensiya na po talaga..kayo man po lumagay sa katayuan ko..madami po akong anak na papakainin ayaw ko po mawalan ng trabaho,pasensiya na ser".paliwanag ng guwardiya.
Hindi umimik si bobby,naisip nya kawawa naman ang guwardiya naiipit sa sitwasyon dahil lamang sa kaunting di pagkakaunawaan. Muli siyang nag sindi ng sigarilyo.inisip niya ang halik na iginawad kay lilac..unti unti niyang napag tatanto na mali ang ginawa niya sa dalaga,pakiramdam niya tuloy ay bakla nga siya sa ginawa niyang pag kilos sa dalaga.
"Ano ka ba bobby,masyado kasing mainit ang ulo mo...dapat nag isip ka pa ng mas maganda pang paraan." Anas niya sa sarili.
Pumasok naman si lilac sa banyo upang maghilamos ng mukha. Hinugasan niya ang labi at kinuskos ng maiigi.
"Dapat lang iyon sa bastos na lalaking iyon.humanda siya pag dating ni zack isusumbong ko siya dahil sa kabastusan niya sakin hmf!".bulong nito sa sarili.
Pag labas ni lilac sa banyo ay siya namang dating ni zack.iika ikang sumunod si bobby at umupo sila sa office ni zack.
CLOSED DOOR MEETING NG TATLO.
Walang imikan ang tatlo.parehong nakatitig si zack at lilac kay bobby.
"Okey...okey... im guilty".pag basag ni bobby sa katahimikan.
"Mabuti't umamin ka yan ang napala mo buti nga saiyo."
"Pero,pinahiya niya ako at pinag bintangan agad agad.... meron bang magnanakaw na may lakas loob na pumasok pa sa ninakawan niya para lang ipaalam na magnanakaw siya?". Tanong ni bobby.
"Kanina ko lang nakita ang kaha de yero at Cctv camera what do you expect? Magpa confetti ako para iyo?"
((I was tryin to explain pero kung ano ano na ang sinabi mo.))sigaw ni bobby.
(( at Sino kaya ang malakas na tumawa at unang nang insulto?)) Sigaw din ni lilac.
((Pero di mo na sana ako binayagan)).
((Kung hindi ka nanghalik di mangyayari yun))sigaw naman ni lilac
Isang malakas na tunog ang nagpatahimik sa bangayan ni lilac at bobby.inihagis kasi ni zack ang baso sa sulok ng kwarto natamaan ng ilang pirasong bubog ang kamay nito. Ibinaligtad ni zack ang bangko at kuyom ang palad na sinuntok ang pader. Madami ang dugong umagos dahil sa bumaon pa ang tibong nasa kamay niya.agad na lumapit si lilac at umiyak na nag alala.
"Baby,stopped it.dumudugo na ang kamay mo please.sorry na".hikbi ni lilac.
Namumutlang nakatingin si zack.kinuha ni bobby ang nakataob na bangko at pinaupo si zack. Kumuha ito ng medicine box at inabot kay lilac ang benda at gamot para sa sugat ni zack at lumabas ito para kumuha ng tubig na maiinom si zack.
Pagbalik ay agad na pinainom kay zack para humupa ang nararamdaman nito.
Matapos malinis at bendahan ang kamay ni zack ay wala silang imikang tatlo.
"Look, i am sorry guys. Its my fault."pambasag ni bobby sa katahimikan.
Unti unting pumatak ang luha sa mga mata ni zack.
Habag na habag si lilac sa kanyang kasintahan.ngayon lang niya nakitang umiyak at sobrang nalungkot si zack.
"Im sorry baby.. may pagkakamali din siguro ako."anas ni lilac.
"Sana ito na ang una't huling pangyayari na ganito. Hindi maganda sa business ang bangayan ng bangayan..matatanda na tayo pare pareho.. saka ayaw ko kayo sisihin parehas dahil may mga punto ang bawat isa sa inyo. Nagkataon lang siguro na mabilis ang pangyayari kaya hindi naipaliwanag ng maayos. Tigilan niyo na ang pagseselos sa bawat isa nahihirapan na kasi akong magbalanse sa inyo." Sabi ni zack.
"para sa kapanatagan ng lahat at para na din sa nagawa kong kasalanan,ako nalang aalis zack. I'll pass my resignation later and i think si lilac is the best para pumalit sa position ko,wag mo na akong pigilan zack its my decision and ito lang ang magagawa kong tama sa ngayon sa nagawa kong pagkakamali, i rendered 50 days para maitrained si lilac sa position na ipapasa ko.please wag na kayo humindi."sabi ni bobby.
Napabugtong hininga si zack at tumango nalang ito kay bobby. Iniabot ni bobby ang kanyang kamay kay lilac bilang pakikipag ayos sa dalaga.
"Im sorry lilac sa nagawa ko.pasensiya na."paghingi ng paumanhin ni bobby.
"Pasensiya ka na din kung nasaktan kita bobby." Humingi din ng paumanhin habang nakipag kamay kay bobby.
"Ok. Lets take a break.sarado muna natin itong restau ng 3 days tulungan niyo akong i message ang mga empleyado at magpa cancel ng delivery.sabihin nyo sa empleyado na may surprice outing tayo bukas sa malapit lang na beach resort dito. Tutal 6 months na tayong successful sa business i think we need to unwind pare parehas.paki sabihan na din si manong guard sa labas na pag usapan nilang 2 kung sino ang gusto.sumama sa outing at kung sino magbabantay dito. Lets fix this problem para masaya na tayong lahat ok?".
"Okey!!!".sabay na sagot ni lilac at bobby.
Bahagyang ngumiti si zack at biglang napangiwi.ramdam niya kasi ang kanyang sugat sa kamay. Lumapit si lilac at hinalikan ang benda ng kamay ni zack.
"Masakit ba baby?wag mo munang galawin kasi.."pag aalala ni lilac.
Hinagkan ni lilac sa pisngi at pinahid ang mga matang kanina ay umiyak.
"Ako din pahingi ng yelo please.masakit pa yagbols ko" request ni bobby.
Nagkatinginan sila parepareho at
Sabay sabay na nagtawanan.

Mga Pusong HibangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon