Chapter 14: Wendy

966 27 1
                                    

Matagal siyang nagbabad sa tubig. Well, talaga namang matagal siya maligo lalo na kapag gusto niyang mag-isip. Ang sana'y maganda niyang umaga dahil sa masarap na pagkaing inihain sa harapan niya ng asawa niya ay nauwi sa pagkulo ng dugo niya dahil sa bulabog na tawag ng babaing yun. God! Gusto niya talagang magwala. Nakakatuyo ng utak ang mga nangyayari sa kanya at ang mga naramdaman nang marinig ang pangalan ng babaing iyon. She crossed her fingers in gritted teeth.

"Hey! Masyado ka nang matagal na nagbabad dyan. Baka mapulmonya ka." Narinig niyang sita ni Revin mula sa labas ng banyo. Kiber mo ba? Hindi pa pala ito umaalis sa masters bedroom. Hindi siya sumagot.

Maya- maya pa kinatok na siya nito.

"Wendy, come on. That's enough." 

Itinirik niya ang mga mata. Kahit papano gumaan ang pakiramdam niya. Still, hindi siya sumagot. 

"Papasukin na kita dyan pag hindi ka pa lumabas." 

Ugh! May sayad ba talaga ang lalaking ito? Di sana hinayaan nalang siya nitong umakyat at maligo ng matiwasay at sana ipinagpatuloy lang nito ang landian nila ng chararat na Ellen na yun. Wow! Chararat agad eh hindi pa naman niya nakikita.

"Isa.....dalawa.." Ay, ay..at nagbilang pa talaga. She rolled her eyes in exasperation. Naiinis siya lalo kasi nakikita niya ang sariling nagmamadaling magpunas ng basang katawan at magtapis ng tuwalya.

"What?!" She snapped opening the bathroom door. Nakataas na ang kanang kamay ni Revin na akmang kakatok ulit sa pintuan ng banyo anumang sandali.

"What took you so long?" He asked sabay taas at salubong ng kilay.

"Ay bakit bawal maligo nang matagal?" Tinaasan niya rin ito ng kilay. Humakbang siya palabas ng banyo pero hindi ito umalis sa harapan niya. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sinalubong niya din ito ng tingin at dahil di hamak na matangkad ito sakanya tumingala siya.

"Dadaan ako, pwede ba huwag kang paharang harang dyan?" She said as she tried another step forward. Still, he didn't move. She expelled a heavy breath.

"Okay, kung labag sa saligang batas ng bahay na ito at sa kamachuhan mo na sinasabihan ng pabalang ay naiintindihan ko." Sabi niya sa paraang bata ang kausap niya. She exhaled. "Makikiraan po." She said once more faking her polite attitude. Hindi parin ito nagsalita pero nakita na itong ngumiti bago tumagilid kaya nagkaroon ng espasyo para makadaan siya. Naputulan ata ng dila ito ngayon. 

"Anong ngiti-ngiti mo dyan?" Hindi niya maiwasang itanong kasi biglang umaliwalas ang mukha nito and swear, ngiting-ngiti talaga ang mokong.

"You."

"Bakit ako? Anong kinalaman ko sa pagkasira ng utak mo at nangingiti kang mag-isa? Wala namang nakakatawa sa sitwasyon natin ngayon at lalong walang nakakatawa sa mga pinagsasabi ko. Pasensiya na ha hindi kasi ako na-inform na maliban pala sa pagmomodel eh clown narin ako?" Nilagpasan niya ito at dumiretso sa walk-in closet niya ng mga underwear. Binuksan niya ang unang drawer at namili ng susuotin na undies. Narinig niya itong tumikhim. Ui, mukhang affected sa pamimili ng undies niya.

"Well, hindi ko alam na macho pala ang tingin mo sa akin. Coming from you it sound so divine." He said with trace of amusement in his voice.

Bigla siyang natigilan. Nabanggit niya bang macho ito? Pilit niyang nirewind sa isip niya kung may nasabi nga ba siyang ganun. 

"Why are you here Revin?' Tanong niya kesa alalahanin kung saang bahagi ng sentence niya ang salitang macho para sa lalaking ito.

Wala siyang narinig na sagot mula dito pero ramdam niya ang mabigat na mga titig nito mula sa likuran niya. Hinawakan niya ang pagkakabuhol ng tuwalya sa dibdib niya. Feeling niya kasi mahuhulog nalang ito sa sahig anumang sandali.

Bittersweet REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon