Chapter 7: An Engagement to Remember :)

1.3K 39 1
                                    

****Dedication****

I would like to dedicate this chapter to my number one reader @itstoffy and  to Ms. Jo Anne Carasket (binuo ko daw tlga pangalan mo? Lol! dedication to kaya pagbigyan mo na! :) 

Pressure much mga comment niyo s'ken teh! Hahaha...

Happy Reading! :)

=========================

Wendy hurriedly went upstairs. Nagpupuyos sa galit ang kanyang dibdib. The nerve of that guy! He played with her feeling ten years ago. She can't let it happen again. Over her now slim and sexy body! She was pacing back and forth inside her room. She checked her cellphone. May limang miscalls at tatlong messages na naroon. Ang apat na miscalls ay nanggaling lahat kay Joyce pati ang tatlong messages. Tinatanong nito kung nakarating ba siya ng maayos. Ang isang number na nagmiscall ay hindi niya kilala. She ignored the unknown number.

Nagdial siya ng numero. Joyce answered on the first ring.

"Hi Joyce. I'm home." Aniyang ipinilig ang ulo. Tinanggal niya ang flats saka humilata ng pahalang sa kama. Hinayaan niyang sumabog ang buhok sa higaan. She felt exhausted.

"I'm glad to hear that." Sagot nito sa tinig na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Anyway, may alam ka bang waterfalls dito or kahit beach? A white sand beach actually." She asked out of nowhere.

Sandali itong natahimik mula sa kabilang linya na sa wari niya'y nag-iisip.

"Bakit? Anong gagawin mo sa falls or sa beach? May balak kang magswimming?" Maya-maya'y tanong nito na halatang pinipigil ang tawa.

"Hahaha...funny!" She answered a bit sarcastic.

Hindi iyon pinansin ng kaibigan at lalong tumawa. Nahawa siya sa tawa nito at ilang saglit pa'y nagmukha na silang baliw ng kakatawa ng walang katuturan.

"Seriously, I need the venue for my unfinish soap commercial. I'm planning to have it tape here." She explained after laughing.

"Then we can have Boracay, but wait....masyado ng crowded doon ngayon kasi malapit na ang summer. Why not pick  Palawan instead?" Joyce suggested.

Ting! Light bulb! Light bulb! 

Gusto niyang yakapin ang kaibigan sa sinabi nito. She heard a lot about Palawan. It was a real paradise as what they say but she never got the chance to visit the place. She will enjoy her taping this time for sure. 

"Akalain mong may talent ka din pala sa beach hunting?" She complimented Joyce.

"Hah! Ibahin mo'to. Ako pa! Saka para saan pa na nagtapos ako ng Tourism kung hindi ko alam ang mga ganyang lugar sistah!" Malanding pagmamalaki nito. 

Sabay silang humalakhak. She thanked her friend endlessly then cut the call. Pilit niyang isiniksik sa pinakadulong bahagi ng utak niya ang nangyari kaninang umaga sa coffee shop lalong higit ang lalaking nakasagutan niya sa labas ng ladies room. She looked at her wristwatch, pasado alas-sais na ng hapon. Tumayo siya at dumiretso sa bathroom. Nanlalagkit na ang pakiramdam niya. 

Wendy wore an orange shorts and white spaghetti top when she went downstairs. Nakalugay ang basa at lampas balikat niyang buhok. Sinapinan niya ang paa ng malalambot niyang tsinelas-pambahay na kulay puti din.

Inabutan niya ang inang masiglang nakikipag-usap sa telepono.

"Yes. It's settled then. Oh, you don't knew how happy I was too Serena." Anang ina sa kausap.

Nilingon siya nito ng maramdaman ang presensiya niya saka ngumiti. Tinanguan niya ito saka naupo sa malapit na single sofa. 

"Absolutely. We'll see you then. Bye!" Pagtatapos nito at ibinaba ang aparato. Tuluyan na itong humarap sa kanya.

Bittersweet REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon