Wendy don't know what came to her para magalit nang husto kay Revin that night. Oo nainsulto siya at nagalit. Pero mas nagalit siya kasi nagmukha siyang tanga kinabukasan nang tanungin ng magulang kung nasaan ang asawa niya.
"May emergency daw kasi ulit sa site Mommy, kaya umalis po nang madaling araw si Revin." Palusot niya habang nag-aalmusal sila nang umagang iyon. She is praying silently na sana hindi mahalata ng magulang na nag-away sila kagabi ng lalaki at hindi niya inaasahang iiwanan siya nito.
"Kawawa naman ang batang iyon. Masyadong malaki ang iniwang responsibilidad sa kanya ng pamilya." Miranda said with sympathy.
"Why, Jess didn't informed me? Dapat dalawa kami ang humaharap sa mga biglaang problema sa site." His Dad. Muntikan na siyang mabilaukan sa narinig. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. Fuck you Revin! Hiyaw niya sa isipan.
"Dad, alam niya po kasing pagod kayo kagabi kaya naisipan niyang huwag nalang kayong gisingin." Mahinahon niyang sagot. Diyos ko naman! Sana kagatin na ng mga ito ang alibi niya or else wala na siyang mukhang maihaharap pa sa mga ito.Tiningnan siya ng ama, hindi ito kumbinsido sa sagot niya.
"May problema ba kayo ng asawa mo Gwendolynne? Eduardo asked, his tone alarming.
"W-wala naman po Daddy. We both agreed to give this marriage a chance. We're really trying to make this work." Diyos na maawain, parang hindi na niya malunok ang mga kinakain niya dahil sa mga kasinungalingang nagmumula sa bibig niya. Nagkandautal narin siya sa nerbyos na baka mahalata ng magulang na hindi siya nagsasabi ng totoo.
"We're really hoping this marriage will work. You both deserve to be happy."
"We giving our best shot, Dad." She later smiled at him.
"Problems are just spices to relationships my dear. Lahat ng mga iyon nagpapatibay sa samahan ng mag-asawa as long as you both taking it in positive side." Miranda gave her words.
"I'll bear that in mind Mommy." Sagot niya sa kawalan na ng sasabihin sa mga ito.
Pagkatapos nang almusal nagpaalam narin siya sa magulang para umuwi sa Tagaytay. Nagulat pa siya nang makita ang puting Lexus at ang driver ni Revin na naghihintay sa kanya sa labas ng kanilang bahay.
"Magandang umaga po "Ma'am." Bati ng driver.
"Magandang umaga din po Manong Ted. Bakit po kayo nandito?"
"Pinadala po ako dito ni Sir Jess. Sunduin ko daw po kayo at ihatid sa Tagaytay." Magalang na sagot nito sa tanong niya.
"Nandito naman po ang sasakyan ko. Sana hindi na po kayo nag-abala." Napakamot ito sa ulo.
"Bilin po kasi ni Sir Jess Ma'am. Ako po malalagot doon kapag hindi ko kayo sinundo at hinatid." Tumingin ito sa paligid niya. "Wala na po kayong dala Ma'am?"
"Wala na po Manong." Pinagbuksan siya nito nang pinto. Tahimik siyang sumakay. Hindi narin nagsalita pa si Manong Ted at mataman itong nagmamaneho. Saglit siyang natigilan. Malamang istrikto ang lalaki sa mga nagtatrabaho dito kaya parang nangingilag dito maging ang personal driver nito.
Nakarating siya ng Tagaytay makalipas ang ilang oras. Mabuti at hindi pa masyadong matraffic sa Edsa. Nadatnan niyang nagti-trim ng mga halaman sa loob ng bakuran si Tata Selmo. Ngumiti ito nang makita siya.
"Magandang umaga Tata." Bati niya dito.
"Hinatid ka ba ng asawa mo Wendy?" Tanong nito na inayos ang mga naipong dahon ng mga halaman.
"H-ho? Hindi po. Bakit po Tata Selmo?"
"Maagang umalis iyon kanina. Sabi niya siya ang susundo sayo."
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
RomanceGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...