"Hi...How have you been?" Bati ni Jorex sa kanya nung makabawi mula sa pagkabigla. Kumikislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"H-hello. I'm doing great." She answered back. At hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang mautal at kabahan. Bakit pakiramdam niya may kasalanan siya dito na hindi niya matukoy. Ayyy....ewan! Medyo nagulat pa siya nung dumukwang ito at halikan siya sa pisngi. Naramdaman niyang uminit ang mukha niya sa ginawa nito.
"What are you doing here? Are you meeting someone?" Muling tanong nito at tiningnan ang pinanggalingan niya.
"Would you mind if I'll invite you to have lunch with me?" He asked as he glanced to his wristwatch. "Medyo late na nga coz it's already 1pm but nevertheless pwede pa namang ihabol and besides hindi pa ako kumakain. " He then smiled at her. Patay na...Paano niya ba ito tatanggihan?
"A-ano kasi kakatapos ko lang maglunch and palabas na nga sana ako kasi may naghihintay sa akin sa...sa labas. I'm sorry. I can't join you right now. Next time." Nakangiting tanggi niya. Naging ngiwi na nga yata ang ngiti niya. Nakita niyang biglang nawala ang kislap ng mata nito at yumuko. Awtomatikong tinago niya sa likod ang kamay niyang may wedding ring.
"How sad..-" Hindi na nito natapos ang sasabihin kasi biglang pumasok si Chai sa loob ng resto na pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Jorex.
"Ate Wendy...Okay na po ba kayo? Pinapasundo na po kayo sa akin ni Kuya Jess." Nilingon ko ang bata at nginitian.
"Susunod na ako Chai." She told her smiling.
"Jess? Who's Jess?" Nagtatanong ang mga matang baling nito sa kanya.
"I really have to go Jorex. Nice meeting you by the way." Nagmamadali niyang sabi sabay talikod at lumabas sa main door ng Italianis na hindi sinasagot ang tanong nito. Naalala niya hindi pala familiar sa mga ito ang pangalang Jess dahil mas kilala nilang magkakaibigan ang asawa niya sa pangalang Revin at hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat yun.
"What took you so long?" Salubong sa kanya ni Revin nang makarating siya sa harap ng puting Lexus nito. Nakasandal ito sa sasakyan at agad siyang pinagbuksan ng pinto.
"Medyo maraming tao sa ladies room." She answered na hindi ito tinitingnan sa mata. Shet na malagkit! Bakit ba siya nagsisinungaling sa asawa niya? At bakit sobrang guilty ang nararamdaman niya para kay Jorex? Wala naman siyang natandaang kasalanan dito. Nakita niya si Chai na tahimik na nakaupo at naglalaro sa cellphone nito.
Tuloh nagtatalo ngayon ang isip niya kung kailangan ba niyang banggitin sa asawa yung pagkikita nila ng kaibigan nito o hindi na? Alam kaya ni Jorex na kasal na sila ni Revin? Huli niya itong nakita nung nasa San Agustin siya and that was almost 3 months ago. Hindi rin ito nakapunta sa kasal nila.
Nagulat pa siya nung dumukwang si Revin sa side niya at ikinabit ang seatbelt niya.
"Thank you." She murmured. He just smiled and kissed her lips quickly.
"Are you okay?" Nagtatakang tanong pa nito. Sumulyap ito sa side niya. Tumango siya bilang sagot at tipid na ngumiti.
"You're so quiet. Hindi ako sanay na tahimik ka. Mas sanay akong madaldal ka."
"Sobra yata akong nabusog." Tumawa siya ng mahina. Nagkibit nalang ito ng balikat pero kinuha nito ang kamay niya at hinalikan.
They traveled back to Revin's office quietly. Kukunin lang daw nito ang ilang importanteng gamit at uuwi na sila.
"Mag-undertime ka?" She asked him laughing nung nasa elevator na sila paakyat sa office nito.
"Ayaw mo?"
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
RomanceGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...