Chapter 15: Wendy

1.1K 21 0
                                    

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Buong akala niya tulog na ang lalaki. Nagbingi-bingihan siya. Tulog nga daw kasi siya so dapat hindi siya naaapektuhan ng mga sinasabi nito kahit pa nga gusto niyang humarap dito. Muli siyang pumikit at pinilit na makatulog. Pero paano ba siya makakatulog kung ang kamay ng asawa niya ay kung saan saan na nakakarating as if exploring and leaving wondrous feeling on her skin? She felt his hand from the swell of her breast down the lenght of her waist up to the side of her thigh. Her breathing hitched. My God! Bigla gusto niyang kombulsyunin sa sobrang init ng pakiramdam niya. Lalo niyang ipinikit ng mariin ang mga mata. She heard him groan as if in pain kasabay noon ang pagkatanggal ng braso nitong nakapulupot sa kanya. Tumayo ito mula sa kama at naglakad. A few seconds later, she heard the opening and closing of the door. Saka lamang siya nagmulat ng mata at huminga.

Tinanghali siya ng gising kinabukasan. Agad niyang kinapa kung may katabi siya. Wala. Nagmulat siya ng mata at umupo sa kama. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog kagabi. Naghintay siya kung sakaling babalik si Revin sa kwarto pero mukhang hindi kung pagbabasehan ang gusot ng bedsheet sa higaan nito. Wala na rin ang marka ng ulo nito sa unan. Malamang hindi ito natulog sa master's bedroom. Saan kaya natulog iyon?

Pagkatapos niyang maghilamos at magmumog ay bumaba siya para mag-almusal. Inabutan niya si Nanay Andrea na naghahanda ng umuusok na tsokolate. 

"Magandang umaga po Nana." Bati niya dito.

"Magandang umaga din sa iyo hija." Ngumiti ito sa kanya.

"Hindi na kita pinagising kay Chai. Bilin ni Jess na hayaan ka munang matulog."

Bigla siyang namula sa paraan ng pananalita nito. Para kasing napagod siya sa kung anumang ginawa niya or nila ng asawa niya kagabi. Eh, napuyat nga naman siya pero hindi dahil may ginawa sila. Napuyat siya kakahintay sa asawa niyang hindi naman ata bumalik. At hindi niya alam kung nasaan ito ng mga sandaling iyon.

"Nagbyahe siya pabalik ng Maynila kaninang madaling araw. May emergency daw sa opisina at hindi pwedeng ipagsawalang bahala." Nana Andrea anwered her unspoken question. Bigla siyang nakaramdam ng pagkainis at pagkadismaya. Basta nalang siya nitong iniwan nang walang pasabi. Pilit niyang tinago ang pagkadismayang nararamdaman niya. Kung para saan? Hindi niya alam.

Tumango-tango siya.

"Gaano nyo ka kilala si Revin, Nana?" Tanong niya. Tiningnan siya nito sa paraang, "ikaw ang asawa, ikaw ang dapat mas nakakakilala sa kanya."

"Si Jess? Sus, parang anak ko narin iyon. Ang masasabi ko, isang napakabait na bata nun." 

Wow! Mabait palang maituring iyong lalaking makapang-insulto sa kanya ay akala mo wala ng bukas. And there was this feeling towards Nana na hindi niya matukoy. Ngumingiti ito sa kanya pero halata niyang aloof at hesitant at the same time. 

"Hindi nyo po ba ako gusto para kay Revin?" She asked frankly. Nakita niyang nagulat ito sa tanong niya.

"Wala naman akong karapatan para magmando kung sino ang pakakasalan niya. Nagulat lang siguro ako na bigla nalang mag-uuwi ng asawa si Jess dito." Mahinahon na sagot ng matanda sa kanya.

"Tapusin mo na ang pagkain mo. Tawagin mo si Chai kung may iba ka pang kailangan." Sabi nito saka siya iniwan sa lamesa matapos ihanda ang mga kakainin niya.

Pagkatapos niyang mag-almusal ay kaagad siyang bumalik sa masters bedroom at mabilis na naligo. Kasalukuyan siyang nagbu-blow dry ng buhok niya ng marinig ang ring ng cellphone niya. Si Alice ang tumatawag. 

"Yes Alice?" Tanong niya. 

"Ms. Lynne?" Halata sa boses nito na masaya ito.

"Why? What is it?"

Bittersweet REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon