After 10 years.......
"What's this Mom? Dad?" Nagtatakang tanong ni Wendy sa magulang habang hawak hawak niya ang mga dokumento sa kamay.
"What you've read there is exactly what it is Princess." Malumanay na sagot ng ama. Hindi nagbago ang endearment nito sakanya at maging ang kanyang ina sa kabila ng paglipas ng panahon. Yes. Time moves so fast. It's been ten long years since she last stepped her foot on her mother's hometown. Hangga't maaari ay ayaw na niyang alalahanin ang mga nangyari sa nakalipas na sampung taon. Pero paano niya gagawin iyon kung ang lahat ng tinatamasa niya ngayon ay nag-ugat sa mga pagbabagong ginawa niya para sa sarili sa nakalipas na mga taon.
"This is insane!" Hindi maipinta ang mukha niya. She is currently reading her parents legal agreement with regards to her being an heiress. Hindi niya maintindihan bakit may agreement na pinabasa ang mga ito sakanya? Nakasaad sa papeles na iyon na maililipat lamang ang mana niya sa kanyang pangalan kapag nakapag-asawa siya bago ang kanyang 26th birthday. Hindi siya ang mamimili ng mapapangasawa niya but her parents. She couldn't believe it! Kelan pa nagsimulang magmanipula ng buhay ang mga magulang niya. And we're not talking about other's lives here but hers.
"It's for your own good hija." Mahinahong sabat ng kanyang ina.
Tiningnan niya ito sa paraang hindi makapaniwala. Sa kabila ng mga taon, maganda padin ito. Nakapusod pataas ang alon-alon nitong buhok. Fine lines visible on her forehead pero hindi iyon kabawasan sa taglay nitong personalidad.
"Mom, you’re forcing me to settle down? How could this do any good to me? Worse, I'm not gonna choose someone I wanna spend my life with. Oh God! To think we're not even Chinese!" Tumaas ng bahagya ang boses niya. Hindi na siya magugulat sa mga ganitong eksena kung may dugong Chinese na nanalaytay sa ugat niya dahil typical na iyon. Pero wala nga eh! Pure Filipino ang pinanggalingan niyang angkan so that made her a pure Filipina too.
"Gwendolynne! How could you talked to your mother that way!" Dumagundong ang boses ng kanyang ama sa buong kabahayan.
Bigla siyang natilihan. Nagyuko siya ng ulo. She knew she reached her limit. Her Dad seldom called her in her complete name only if she did something beyond reasonable action. Masyado siyang nagpapadala sa init ng kanyang ulo. She traveled straight from New York to Philippines only to be welcomed by these papers. Now, tell her how she would cope up.
"I'm sorry Mom, Dad. My head aches, jetlag probably. I want to rest." Nahahapong sabi niya na hinilot ang sentido. Kumikirot na iyon pati ang kanyang mga mata.
"Okay, go ahead. Let's talk again tomorrow." Her Dad answered instead of her Mom.
"Think about our proposal young lady. Sana hindi mauwi sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan namin ng Mommy mo para sa iyo. Read the papers again. Then let's settle this first thing in the morning." Anang ama. Wala itong kangiti-ngiti sa mga labi. Napaseryoso nito which she find odd. Nakilala niya ang ama bilang masayahin. Madalas itong nakangiti kahit pa may mga problema ang pamilya nila.
Tinanguan niya ang ama.
Muli niyang tiningnan ang ina sa kinauupuan nito. Nakakaunawa itong tumango sakanya. Sinenyasan niya ang personal assistant niyang sumunod. Tumalima ito. Agad nitong binitbit ang shoulder bag niya. Nagpatiuna na siyang lumakad paakyat sa pangalawang palapag ng bahay.
Pagkatapos ituro sa assistant niya ang magiging silid nito ay dumiretso na rin siya sa kanyang silid. Iginala niya ang paningin sa dati niyang kwarto. Wala masyadong nagbago doon maliban sa kobrekama niya. Nawala na ang mga disney cartoon characters niyang bedsheet. Napalitan na iyon ng plain pale pink color. Her parents made sure na malinis ang buong silid niya. Oh how she missed her bed! Humilata siya. Maya- maya dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa bedside table at nag-dial ng numero. Hindi pa nakatatlong ring at agad na may sumagot sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
RomanceGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...