Chapter 9: The Wedding

1.2K 29 0
                                    

Author's Note:

I would like to dedicate this chapter to @mailee nah, thank you so much for reading kahit alam kong busy ka sa work...hehehe...it means a lot to me. You always take care. Tatandaan mong andito lang ako para sayo. Naks! ang drama ko na naman! harhar!....sana magustuhan mo ito...

Love yah!

=================

"Don't give me that trick Mr. de Cordova. Your charm doesn't affect me." Mariing niyang sagot dito.

"Oh, that hurts!" Anito at umaktong nasaktan. Napahawak pa ito sa dibdib.

"Now, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa araw ng kasal na ang muli nating pagkikita?" She asked saka tinabig ang kamay nito sa pisngi niya. Lumakad siya palayo mula dito saka naupo sa single settee na naroon.

"Haven't I arrived just in time?" Bumalik na naman ang pagiging arogante nito.

"Wala akong pakialam kung ano man ang nakita mo. Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin." Aniyang tumayo saka binuksan ang pintuan ng  kanyang suite.

Si Revin ay nanatiling nakatitig sa kanya. Wari'y tinatantiya ang mga sinabi niya.

"Get out!" Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na para malaman ng lalaking ito na ayaw na niyang makipag-usap pa.

He chuckled.

"I wonder kung ganyan din ang trato mo sa mga lalaking pumapasok sa suite mo noong nasa America ka pa?" Naniningkit ang mga matang balik-tanong nito. 

"It's none of your business Mr. de Cordova." Matigas niyang sagot. Hindi na niya kayang makipagpalitan pa ng mga masasakit na salita dito. Umalis siya sa pintuan saka tinulak palabas ang lalaki. 

"Goodnight Mr. de Cordova!" Turan niya saka malakas na kinabig pasara ang pinto.

Hinintay niya ang mga patutsada nito mula sa labas ng kanyang suite pero tahimik lang ang paligid. Marahang isinandal niya ang likod sa pinto. Ilang sandali pa,nakarinig siya ng mga yabag papalayo.

*

*

 "Hi Lindy, I'm so sorry for what happened earlier." Wendy narrated as soon Lindy picked up her phone. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang hotel suite habang nginangatngat niya ang kaliwang hintuturo. Naging habit na niya ito lalo na kapag nate-tense siya. 

"Oh really?" Hindi makapaniwala niyang tanong pagkatapos marinig ang sinabi ng kausap.

"Thank you so much. Alright, I'll just wait for mycopy then. Yes. that's all for now.Bye." Ibinaba na niya ang telepono.

Nahahapong naupo siya sa gilid ng kama. Tinawagan niya ang agent kung kailangan ba niyang magretake ng scene dahil sa nangyari kanina. Laking pasasalamat niya ng sinabi nitong maganda ang kuha kanina sa dagat bago pa siya binuhat ni Revin mula sa tubig. Muling nag-init ang mukha niya ng maalala ang eksena sa suite niya ilang oras palang ang nakakalipas.

Ugh! Agad siyang napaupo sa kama. Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito. Saglit siyang napatigil sa pag-iisip ng mag-ring ang kanyang cellphone.

Unknown number ang tumatawag sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga. Sino ang tumatawag sa pribadong number niya? Hindi ba dapat kay Alice muna dadaan ang mga client calls niya?

"Hello." Aniya sa napipilitang tinig.

"Call Mom now!" Iyon lang at nawala na ang nasa kabilang linya.What the heck?

Bittersweet REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon