Author's Note:
Kung natatandaan po ninyo, kalagitnaan na po ng taon nagtransfer si Wendy sa Saint Augustine's so after ng ilang months, the most awaited JS Prom is finally approaching.
Aminin natin, noong mga panahon na iyon sobra din tayong excited para sa event na yan, di ba? hehe...:)
Well, magiging exciting din kaya ito para sa main lead natin?
Let us all find out!
=========================
Araw ng Lunes. Abala ang buong school campus ng Saint Augustine's. Ito ang linggo ng final exams para sa mga third year students. Nauna ng natapos ang mga fourth year dahil graduating na ang mga ito.
Pinagsalikop ni Wendy ang mga libro sa dalawang braso saka dinala sa dibdib. Hindi niya ininda ang bigat niyon. Hinipan niya ang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Kailangan niyang makita si Joyce. Absent ito ng ilang araw dahil nagkasakit. Sasabihin niya dito kung saan natapos ang lecture nila lalo na sa History. Maraming dates na dapat tandaan doon.
Nilagpasan niya ang mga kaklaseng kasalukuyang nagrereview. Pupunta siyang grandstand. Doon ang kaibigan niya naghihintay.
Nasa kalagitnaan na siya ng covered gym nang makita ang papalapit na bola mula sa mga second year students na naglalaro ng basketball. Umatras siya. Pero patuloy sa pagtalbog ang bola papunta sa direksyon niya. Nakakainis!
Hindi niya kayang pigilin iyon ng kamay niya. May hawak siyang mga libro. Umatras siya ng umatras habang hindi hinihiwalayan ng mata ang bolang patuloy sa pagtalbog papalapit sakanya. Kung minamalas ka nga naman! Isip niya habang umaatras hanggang sa maalog ang katawan niya ng biglang bumunggo ang likod niya sa matigas na bagay at bigla siyang nakaramdam ng malamig sa kanyang likuran. Bigla siyang humarap. Naniningkit na mga mata ang sumalubong sakanya. Lalo siyang kinabahan ng makilala ang nakabunggo niya.
"What the hell!" Sigaw nitong halos magpasabog sa eardrums niya.
"Nakita mo kung anu ang resulta ng paglalakad mong nakatalikod?! Bulyaw nito sakanya. Parang nagbubuga ng apoy ang mata nito sa matinding galit.
"I-I-I'm sorry Revin. Hindi ko sinasadya. Iniiwasan ko lang ang bolang papalapit sa akin." She said in shaky voice.
Basang-basa ng softdrinks ang puting polo shirt nito. Nagkulay-orange ang dati nitong puting polo. Kumalat din ang toppings ng pizza doon. Kaya pala biglang lumamig ang pakiramdam niya sa likod. Nabutas ang plastic ng softdrinks at natapon sa uniporme nito.
"Oh God. You're a walking disaster!" Paismid na turan nito at tinapunan ng tingin ang basang uniform.
"I'm really sorry. I didn't mean to-"
"Just shut up!" Agaw nito sa sasabihin niya.
Binaba niya sa semento ang mga libro saka kinuha ang panyo sa bulsa. Dinampian niya ng panyo ang basang polo nito. Hindi pa siya nangangalahati nang biglang tabigin nito ang kamay niya.
"What do you think you're doing?" Angil nito.
"Just trying to help." Aniya. Tinago niya ang panginginig ng kamay sa pamamagitan ng pagpasok ng mga kamay sa bulsa. Panay ang tahip ng dibdib niya.
"I don't need your help!" Anito at iniwan siyang nakatunganga doon. Sinundan niya na lamang ito ng tingin.
Pagkatapos ng exams ng araw na iyon ay nahahapong naupo sa ilalim ng Mahogany si Wendy habang hinihintay si Joyce. Kasalukuyang itong nasa meeting ng student council. Hindi nagtagal at nakita niya itong nakangiting papalapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
Storie d'amoreGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...