Nagmamadaling bumaba ng hagdan ang dalagitang si Wendy habang inaayos ang pagkakalagay ng makapal na salamin sa mata. Ito ang unang araw niya sa bagong paaralang papasukan. And she can't afford to be late. Lakad-takbo ang kanyang ginawa hanggang makarating sa main door ng bahay.
"Wendy, bilisan mo! Kanina pa naghihintay 'yung school bus mo sa gate anak." Anang kanyang Yaya Tinay mula sa kusina.
"I'm coming Yaya." Sagot niyang medyo hinihingal na. Nagsisimula siyang gitawan ng mumunting butil ng pawis sa noo at sa ibaba ng kanyang ilong. Hinayaan niyang nakalugay ung pagkakulot kulot niyang buhok. Mamaya niya nalang ito itatali.
"Wendy, anak!" Narinig niyang tawag ulit ng kanyang yaya. Kunot-noo siyang lumingon para lang magulat dahil nasa likuran na niya ito.
"Ito 'yung lunch box mo. Pagagalitan ako ng mommy mo pag nalipasan ka ng gutom." Anitong nakahawak sa dibdib at hinihingal. She almost rolled her eyes. No wonder binansagan siyang modern Kirara ng mga kaklase niya sa Maynila dahil ang original Kirara katamtaman lang ang pangangatawan. Siya may katabaan.
"Yaya, I'm a big girl now. You don't have to prepare my lunch anymore? "Mahina niyang turan dito.
Pinandilatan siya nito ng mata sa pabirong paraan.
"Gusto mo bang pagalitan tayo pareho ng Mommy at Daddy mo?"
"Alright. Alright." Bumungisngis siya with matching hands-up. Kinuha niya mula dito ang lunchbox at kumaripas ng takbo palabas.
=======================
"Hi!" Bati sakanya ng isang babaing halos kasing edad lang niya at nakaupo sa right side niya.
"Hello!" Nahihiyang ganti niya na may alanganing ngiti sa labi.
"Bago ka ba dito? Tanong nito ulit habang nagsusuklay ng mahaba at makapal nitong buhok. Tumango siya. Kasalukuyan silang nakaupo sa loob ng classroom.
"Sinasabi ko nga ba eh!" Pumitik pa ito sa ere.
"Anyway, I'm Joyce." Pakilala nito sabay lahad ng kamay. Tinanggap niya ang kamay nito.
"I'm Wendy Vegafria." Aniya.
"Your surname sounds familiar. Are you from the big house?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.
"Yes. No. I mean I dunno." Nalilitong sagot niya dito. She knew their house was big. However, she wasn't sure if its the only huge house in town.
"Don't be silly." She said amused. "Madalas kasi ako dumaan sa may arko papasok sa bakuran ninyo. I loved seeing tall coconut tress in your backyard. One morning, may nakita akong babae na nakaputi at nakasabog ang buhok. You can't imagined how afraid I was. I ran as fast as I could you know. Only to find out now that it might be you."
They both burst into laughter.
She remembered it when she woke up the next day after they arrived. Nasanay siyang gumising ng maaga at tumunganga sa harap ng hardin ng kanyang mommy. Gusto niya ng pang umagang hangin na dumadampi sa kanyang malulusog na pisngi. Ibang-iba ang simoy niyon kumpara sa hangin sa Maynila.
"Bat nga pala kayo lumipat dito?" Walang anumang tanong nito. Pakiramdam niya binabalatan siya ng buhay sa paraan ng mga pagtatanong nito.
"My Mom got sick. Bilin ng doctor na dapat sariwa ang hanging nalalanghap niya. That's why we decided to go back here kahit kalagitnaan na ng taon. Good thing pinayagan pa akong magtransfer. " Paliwanag niya.
"Ahh..." Tumango-tango ito.
"Okay lang sayo?" Joyce asked her again.
"Of course." She answered shortly.
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
RomanceGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...