Hi everyone!
Huli man daw at magaling, HULI padin. :)
Just want to say na first time ko po itong ginawa kaya humihingi po ako ng pasensiya kung maraming typo ska grammar error. I'm trying to make my dream come true here, at iyon po ay ang makapagsulat kahit papano...:)
Sana po magustuhan niyo ang chapter na ito. It is more on crushes and infatuation. How typical! Medyo ewan lang ang conversation nila dito. hehe...
Thank u so much! :)
Happy Reading!
P.S.
Ang lahat po ng pagkakatulad sa pangalan ng tao, lugar, at pangyayari ay kathang isip lamang ng author.
Parental guidance is advised.
==============================
Araw ng Miyerkules. Maagang nagising si Wendy. Sponsor ng buong section nila ngayon para sa morning mass. She enrolled to a private Catholic School. At ang Kuraparoko ng simbahan ang siyang direktor ng buong paaralan. Isa sa mga obligasyon nila ang magsponsor sa misa mula sa pagline up ng mga church songs at maging sa mga readers. Nang araw na iyon, siya ang nakatoka para magbasa ng responsorial psalm.
"Bago ka umakyat sa pangalawang hagdan sa altar hintayin mo muna akong bumaba sa tabi mo at pagkatapos ay sabay tayong yuyuko sa harap ng altar." Mahina ngunit detalyadong turo sakanya ni Joyce. Halos dumikit na ang tenga niya sa bibig nito para marinig ng maayos ang sinasabi ng kaibigan. Ito kasi ang magbabasa ng first reading.
"Got it!" Kinakabahan niyang sagot. First time niyang magbabasa ng mga ganito sa simbahan. Oo nga at private din naman ang school na pinanggalingan niya sa Maynila pero wala silang ganito. Matapos ang first reading, tahimik siyang tumayo at naglakad papunta sa altar. Nagawa niya ng maayos ang bilin ng kaibigan. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng matapos ang kanyang pagbasa kahit na nagkandautal utal siya sa simula.
"Let's all walk in peace in the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit."She heard the priest said.
"Amen." They answered in chorus and made a sign of the cross. It was already seven o'clock in the morning.
Nagsimulang magtipa ng gitara ang kanilang religion teacher para sa final song. Unti-unting nagsipaglabasan ang mga estudyante sa simbahan at dumiretso sa school campus na katapat lang ng simbahan para sa flag ceremony.
"Dito ka na sa unahan ko tumayo girl." She heard her friend. Tumalima siya. Medyo may kaliitan siya kumpara dito. At syempre pa, pag maliit dapat nasa unahan ng pila. She looked at Joyce. Well, maganda ito. Maputi, makapal ang tuwid na tuwid na buhok at balingkinitan ang pangangatawan. Parang hindi laki sa probinsya. Malakas din ang karisma at self-esteem nito. Hindi kagaya niyang limitado lang ang mga taong nakakausap.
"Huli ka!" Panggugulat nito ng mapansing nakatitig siya dito.
"Bat ganyan ka makatingin sa akin? Crush mo ako no?" Pambubuska nito at humagikhik.
She turned her gaze at her with horror.
"Manahimik ka nga saka hindi ikaw ang crush ko." Kunot-noong bulong niya dito. She smiled on her last words. Kasalukuyang kumakanta ng Lupang Hinirang ang mga estudyante at maging ang mga kaklase nila. Nanlalaki ang mga matang hinigit siya nito paharap. Now they were facing each other.
"Ohmygod! Sino nga kasi iyong crush mo, sabihin mo na, dali! " Malalaki ang mga matang tanong nito saka paimpit na tumili.
Umiling-iling siya.
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
Roman d'amourGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...