"Ehem..." Wendy said to emphasize her presence.
Hindi niya napigil ang sariling lapitan ang asawa na kasalukuyang lumalandi sa babaing nasa harapan niya ngayon. She ran her eyes to the woman with so much distaste. Masyadong itong maputi, halos wala ng dugo sa katawan. Masyado din itong mapayat na sa wari niya'y mahipan lang ng hangin ay liliparin na. Lakas makapanlait ng peg! Nagmukha siyang maliit kumpara dito sa malapitan.
Pumuno sa ilong niya ang matamis na pabango nito. Yuck! Wendy almost puke. But she couldn't deny the fact that the woman has a nice pair of legs!
"Aren't you going to introduce me to your visitor sweetheart?" Malambing niyang sabi sa asawa sabay hilig sa balikat nito.
Lumipad ang nanlalaking mga mata ng babae sa direksyon niya. She later smiled at her. Ngiting nang-uuyam. Matalim itong tumitig sa kanya. Wendy even smiled back kahit gustong-gusto na niya itong sakalin.
Narinig niyang tumikhim muna ang asawa bago nagsalita.
"Well, Candice meet Wendy, my wife." Walang anumang pagpapakilala sakanya ng asawa niya. His arms automatically snaked around her waist.
Halos magdiwang siya ng makita ang reaksyon ng babaing kaharap. Nanlilisik ang mga mata nitong muling tumitig sakanya.
"Wifey, this woman here is my friend." Muntikan na niyang taasan ng kilay ang sinabi ng magaling niyang asawa.Ganito na pala ang magkaibigan ngayon? Halos magyakapan na kung mag-usap?
"Oh, hi there!" Wendy gave her sweetest smile ever. Hinaplos-haplos niya ang braso ng asawa mula sa kanyang beywang showing how passionate and caring she is.
Hindi na maipinta ang mukha ng kaharap niyang babae. Nanlaki din ang butas ng ilong nito sa marahas na paghinga. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka walang lingod-likod na nagmartsa ito palabas ng reception area.
"Why I can sense jealousy here." Revin said trying to control his laughter. Aba, pinigil mo pang matawa ha pero yumugyog naman ang mga balikat.
Wendy arched her eyebrows.
"Ah! Don't flatter yourself too much Mister. Isinalba ko lang naman ang reputasyon ko sa harap ng maraming tao higit sa lahat sa harap ng mga magulang natin!" Padaskol niyang sagot dito.
"Can't you bear in mind our Rule No. 2? Or atleast wait till we're out of our parents sight!." Aniyang humarap dito. Pinukol niya ito ng nakakamatay na tingin.
"Uh-Oh! Don't blame me. Blame them." Aniyong itinaas ang dalawang kamay at aliw na aliw siyang tiningnan. Mukha itong batang pilyo na nasukol sa kapilyuhang ginawa.
"Conceited!" She grimaced. Tinalikuran niya ito at nagsimulang maglakad pabalik sa kumpol ng mga bisita nila.
Humalakhak ito ng malakas.
"Hey, wifey!" Natatawang tawag nito.
Tumigil siya sa paglakad. Nilingon niya ito saka pinameywangan.
"Hoy Mister! Huwag ka nga masyadong feeling dyan!" Naniningkit ang matang sita niya dito. Makatawag ng wifey wagas akala mo naman bukal sa loob.
Ngingiti-ngiti itong humabol sa kanya saka nito ipinulupot ang braso sa kanyang beywang. Wendy held her breath. She felt a sudden strike of electricity towards her veins.
"L-let go of me." Nag-aalangan niyang sabi. Mahina lang pagkakasabi niya sa takot na baka may makarinig sa kanilang dalawa.
"Shhh..... Be still." Revin answered through her ears. He slowly bite her earlobe. Wendy shuddered.
BINABASA MO ANG
Bittersweet REVENGE
RomanceGwendolynne Vegafria aka Wendy for short. The campus new transferee from the city. Pero hindi kagaya ng mga galing sa siyudad. She is the geek type girl version from today's era. Nagrarayot sa kakulutan 'yung kanyang buhok. Makapal ang salaming nasa...