Chapter One

3K 61 9
                                    

Sarina

Kung sinabihan lang sana ako ng kaibigan ko na hindi kami magkikita ngayon, hindi sana ako tumatakbo para habulin ang malapit na magsimulang flag ceremony sa school. Kasama ang iba pang nahuling estudyante, naghihingalo kami habang nakikilinya sa kung saang section or grade man kami nakasumpon. Number one rule kasi sa school ang mag-attend ng flag ceremony. Kapag hindi ka nakaabot, automatic na hindi ka na papapasukin—unless may letter with pirma ng parents or guardian. Tuwing monday lang naman ito kaya konting sakripisyo lang.

  Matapos ang mahahabang speech ng mga teacher na hindi ko pinakinggan, agad akong tumakbo para hanapin ang kaibigan ko. May masasapak talaga ako. Malayo man sa kinatatayuan ko, kilalang-kilala ko na ang tindig at likod niya. Naglalakad ito mag-isa na halatang lutang pa. Tumakbo ako ng mabilis at biglang sumampa sa likuran niya, kung saan nag-resulta sa pagkatumba naming dalawa.

  “Aray!” Mabilis itong tumayo at umikot para tignan ako. “Gago ka talaga, Sarina!” inis niyang tugon habang tinutulungan rin akong tumayo.

   Nakatingin lang sa amin ang ibang istudyante. May mga natatawa at may ibang nahiya pa na matawa, pero hindi namin ito pinukulan ng atensyon.

  Nang makatayo, agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya. “Bakit ba hindi ka nagpaalam na hindi ka pala sasabay sa lakad ko? Muntik tuloy ako malate!”

  “Kasalanan ko ba kung hindi ka nagbabasa ng chat ko?”

  Ngumiwi lang ako sa kanya at inayos na ang palda kong may mga alikabok dahil sa pagkatumba. Ayaw ko kasing sabihin sa kanya na nakalimutan ko na namang e-charge ito. “Edi ako na may kasalanan. Alam mo na ba kung ano ang section natin?”

   Tumango siya at kinapkap ang cellphone niya sa bulsa at inilabas ito. May pinindot muna ito bago inilapit sa mukha ko. “Ito, Mauritius de Lazano at Sarina Lou Fausteo, section five.”

   Napangiti ako sa narinig. Ang laki ng improvement namin, hindi na section six. Section six kasi ang pinakamababa sa lahat. Nasa lowest na kami simula pa lang noong grade seven, ngayon lang ata nagalaw. Salamat, Lord!

  Ibinalik niya ang kanyang cellphone at inakbayan ako para igiya sa paglalakad. “New rank na tayo sa section. Siguradong magiging proud si Patrick sa atin.”

  Agad naman akong napatigil sa pag mention niya sa kaibigan naming pumanaw noong grade 8 kami. Nagkasakit ito sa puso at naging komplikado ang kanyang lagay kaya hindi agad naagapan at maaga siyang namaalam. “Oo nga. I'm sure manlilibre 'yun dahil umusad na tayo sa wakas,” sabat ko, at ngumiti ng mapait.

  Dalawang taon na ang nakalipas pero masakit pa rin sa amin ang nangyare. Parang kahapon lang kasama pa namin siyang nakikipagkulitan.

  Mabilis kaming nakarating sa panibagong classroom namin. Nasa fourth floor ito at napapagitnaan ng section four and six. Sa isang malaking building, dalawang grades ang nagsasalo. Seven and eight, nasa kabilang building. Habang ang nine and ten, na grado namin ngayon, ay sa kinatatayuan ko ngayon.

  Mabilis kaming pumasok ni Mati at pumwesto sa likuran. Marami kaming kaibigan at kakilala sa section na ito kaya noong nakita nila kami ay agad kaming nilapitan para makipag-chikahan.

  Talo pa ng silid ang ingay ng isang stadium na may concert. May mga kaklase akong nagsisigawan habang naglalaro sa kanilang selpon, may mga nagtatawanan, may mga nagsasayaw sa tiktok version ng mga kanta, at may ibang naglilibot na para bang nangangampanya.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon