Chapter Twenty-eight

441 32 10
                                    

Sarina

"Alam mo ba na may pasabog daw mamaya sa hapon si ma'am sa PE?" bulong ni Mati habang naglalakad kami papuntang canteen. Inaya ako nitong doon kumain dahil namiss na raw niya ang mga tingin ng may gusto sa kanya. Ang kapal talaga.

  "Saan mo naman nalaman?" tanong ko habang pinapasok sa bag ang hawak kong wallet.

  "Secret."

  "Ang dami mo talagang chismis. Baka may iba ka pang kinikimkim ah? Ilabas mo na 'yan."

  "Ito pa, hula ko magjowa na kayo."

  Nabigla ako sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Saan mo naman napulot 'yan? Baka mapagalitan ka sa pagchichismis sa amin ni Maurice ah!"

  "Uy, bakit alam mo kaagad na si Maurice? Wala naman akong binaggit."

  Inirapan ko ito. "Baliw ka ba? May kilala ka bang ibang nakakasama ko?"

  "So mag jowa na nga kayo? Magiging sister-in-law na kita?"

  Namula ang buong mukha ko sa sinabi nito. "Bwesit ka, Mati. Saan ka ba nagchichismis na baliw ka!"

  Ngumisi ito at naunang pumasok sa canteen. "Hula lang." Nang lumingon ito ay mas napangisi pa siya lalo. "Maurice!"

  Nanlaki ang mata ko at nilingon din ang tinawag niya. Ayun na nga, naglalakad papunta sa amin si Maurice. Grabe, ang ganda niya... "U-uy, Maurice."

  Nakangiti itong lumapit sa akin at halos himatayin naman ako nang tumabi siya sa akin. "Hello, Fausteo."

  "Inaya ko siyang sumama mag lunch sa table natin para naman may kasama siya," nakangising saad ng kambal nito.

  "Mabuti naman!" hindi ko mapigilan ang saya nang sagutin ko ito. Nagnakaw ako ng tingin sa katabi kong nakatutok na pala ang magagandang mata sa akin.

  Nakakakilig!

  Tinaasan ako ng kilay ni Mati. "Hindi halatang sobrang saya mo, noh?"

  "Heh, tigilan mo na nga ako."

  "Asus, namumula ka."

  Mabilis kong inabot ang braso nito para kurutin. "Baka ikaw ang papulahin ko diyan, Mauritius!"

  "Mati, stop teasing her," saway ng kapatid nito kaya napangisi ako.

  "Ayan, makinig ka sa kambal mo."

  Naupo kami sa bakanteng pwesto at doon isa-isa naming nilabas ang baon namin. Katabi ko si Maurice habang nasa harap naman namin ang kambal niyang nanunukso pa rin ang tingin. Hindi ko na ito pinansin at mas nagpokus nalang sa katabi ko.

  "Hi, kumusta naman ang binabasa mo?" tanong ko dito. Nang mag usap kasi kami kagabi ay nakwento niya na may bago raw siyang binabasa na libro.

  Inayos niya muna ang lalagyan ng kanyang kutsara bago tumingin sa akin. "The book was so good. Muntik na nga akong magpuyat dahil gusto kong tapusin eh."

  "Mabuti naman."

  "How about you? Did you win in your game last night?"

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon