Chapter Five

724 34 20
                                    

Sarina

Simple fall out lang ang nangyare sa amin ni Mati. Nagkabati naman kaagad kami nang magkita kami sa school, siya ang naunang nag-sorry. Umamin din siya na may isa raw siyang nakilalang kaibigan noong nakaraang linggo na nagturo sa kanya patungkol sa sigarilyo kaya niya ito sinubukan. Pero nangako naman siya na hindi niya na ito uulitin kaya agad ko na siyang pinatawad.

Maaga kami ngayong nakapila sa harap ng stage dahil July na at opening na ng Nutrition Month. May feeding programs para sa mga students na malnourished, may mga contests din kagaya ng poster at slogan making, quiz bee, at marami pang iba. Pero every year, ang pinakainaabangan namin sa July ay ang ginagawang contest para Fitness and Health Dance Competition. Kada-seksyon sa lahat ng grades, from seven to twelve, ay dapat na magperform. First clash ay by grades muna. Kukuha sila ng top two from each grades para isabong sa finals. For the final clash, lahat ng grades ay magkakalaban at mag-aagawan sa tatlong spot ng winner. Pero simula noong napasok si Maurice sa dance club, noong eight grade, naging hawak na nila ang top spot. Palagi silang nananalo dahil sa stunts at steps nila, plus points na rin siguro na andoon si Maurice at 'yung isang best dancer dito sa school na si Alberto.

"Feel mo makakasali tayo ngayon sa spot?" mahinang tanong ni Mati.

Nagkibit-balikat lang ako habang tinitignan ang kapatid niya sa stage. "Ewan, siguro yes, siguro no."

Hindi ko pa rin maiwala sa isip ang pag-uusap namin malapit sa simbahan. Hindi ko naman kasi sinasadya na sabihin sa kanya ang mga 'yun, pero napuno lang ako eh. Nakakatawa rin talaga siya kapag inaasar na. Nagsimula ang asar patungkol sa crush niya noong summer before ang fourth grade. Nasa bahay kami noon nila Mati at kasama rin namin si Patrick, naglalaro ng lego sa game room. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ay pumasok si Maurice para kunin ang kanyang doll set sa cabinet, naalala ko na tinignan niya pa ako ng matalim noong nagkasalubong ang mata namin. Nang lumakad siya palabas ay may nahulog na maliit na notebook sa kanyang mini-bag, mabilis itong kinuha ni Mati bago pa siya makapalag. At dahil naintriga siya, mabilis niya itong binasa sa harap namin. Patungkol ang laman ng notebook sa akin. Yes. Nakatatak pa rin ngayon sa isip ko ang mga salita doon.

Sarina is so very pretty. Her eyes is very pretty. Her nose is very pretty. Her hair is very pretty. I feel happy and joy and I smile because she is always at our house. The television said I have a crush on her. I think yes it's true.

Pero matapos iyong basahin ni Mati, tumakbo palabas si Maurice at umiyak sa mommy niya. Ako naman ay tinukso nila Patrick at Mati na sinabayan ko lang. Masaya kasi ako noon dahil tinawag niya akong maganda. The whole summer, hindi na nawala sa isip naming tatlo ang pag-tukso kay Maurice. Natigil lang ito noong fourth grade dahil nga sa pagbagsak namin ni Mati. Mas dumoble ang kanyang pagsusuplada sa amin, hanggang sa hindi niya na kami masyadong kinikibo. Alam ko naman na wala lang 'yung mga sinabi niya sa sulat noon dahil alam kong nagbago na ang kanyang pananaw ngayon.

Napagtigil ako sa pag-iisip nang hilain ako ni Mati papunta sa field. "Excited na ako sa practice! May gala na naman!"

Inagaw ko ang braso ko sa kanyang kamay sabay himas dito. "Ang bigat ng kamay mo! Tsaka akala ko ba ayaw mo sa gala?"

"Hindi naman sa ayaw ko, hindi ko lang talaga gustong lumabas ng maraming beses. Pero okay lang ako sa gala kasama ang mga kaklase natin. Masaya silang kasama eh."

"Ikaw bahala. Ano pala ang sinabi kanina ng guro sa stage?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ako nakikinig, at never ata tayong nakikinig."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon