Chapter Nineteen

532 29 11
                                    

Sarina

Halos hindi mapawi ang ngiti ko nang ihatid ako ni Maurice pauwi kahapon. Ewan ko ba, gusto ko sana maging low-key sa feelings ko pero para akong sinasabotahe ng sarili ko. Paano ba naman, bigla-bigla nalang itong nagbibitaw ng mga banatan sa kay Maurice.

Inaamin ko na may nararamdaman na talaga ako sa babaeng 'yun. Hindi ko nga alam bakit ako nahulog eh. Puro lang naman kami bangayan, pero parang ngayon nga ay natutuwa pa ako. At sa totoo lang, sobrang thankful ako sa kanya dahil sa mga itinuro niya sa akin. Mapa-math man ito o sa buhay.

Nag quiz kami sa math, at nagulat ang best friend ko nang maaga akong natapos ako at nagpasa. Magkalayo kasi ngayon ang upuan namin kaya hindi ko ito maturuan. Nang maglunch ay sabay kaming bumaba papunta sa canteen para doon kumain.

Habang nasa kalagitnaan ng field ay kinalabit ako nito. "Paano 'yun kanina sa Math? Ang bilis mo ah!"

"Wala. Nag-aral talaga ako. Tsaka nagpatulong din ako sa kapatid mo," sagot ko.

Ngumuso naman ito. "Kaya pala."

"Hindi pa rin ba kayo bati?" tanong ko. Napag-alaman ko kasi na pinagsabihan ito ni Maurice noong isang araw at si Mati naman ay nainis dahil ayaw niya pakialaman. Tapos mas lumala pa dahil napag-alaman ng parents ni Mati ang pag-cheat nito sa exam. Kaya ito ngayon ang kambal, hindi na naman nagpapansinan.

"Ayaw ko siya kausapin. Palagi niya lang naman pinapakita sa akin na mas magaling siya at hinding-hindi ko siya maaabot," sagot nito.

Napakunot naman ang noo ko. Ayaw kong may kampihan sa dalawa, pero alam ko kasi na hindi ganito ang gusto at pinapakita ni Maurice. Mali lang talaga ang pagkaintindi ni Mati. "Hindi naman sa ganun siguro, Mati. Alam mo naman na gusto lang ni Maurice na matuto na tayo kaya niya 'yun ginagawa. "

Natigil ito sa paglalakad para tignan ako. "Talaga? At kakampihan mo na siya ngayon? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

Napairap ako. "Baliw, wala akong kinakampihan. Ang gusto ko lang naman ay sabihin kung ano ang nakikita ko."

May bahid na inis na ang mukha niya nang sumagot. "Talaga ba, Sarina? Gaganyan ka na ngayon kasi tinuruan ka niya? Ano na ang susunod? Magiging katulad ka na rin ng kambal ko?"

"Hoy! Nagsasabi lang naman ako ng napapansin ko, bakit ka ba nagagalit?"

"Hindi, Sarina eh. Mas kinakampihan mo pa kasi ngayon ang kapatid ko. Alam mo naman kung gaano ako ka insecure sa kanya diba? Tapos ngayon, pati ikaw nasa side niya na," sabat niya.

"Wala akong side na kinakampihan, Mati. Uulitin ko, nagsasabi lang ako kasi 'yun ang napapansin ko."

Nagpakawala ito ng buntong hininga bago umiling. "Edi sige! Magsama nalang kayo. Ayos ba?" Mabilis itong tumalikod para umalis.

Ako naman ay naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung sadyang bad mood lang ba talaga siya o dinadamdam niya talaga ang nasabi ko. Ilang minuto pa ay nagpakawala ako ng hininga at napailing. Wala na naman akong kasama mag lunch. Nakanguso akong naglakad pabalik sa building namin at nang makalapit ako sa hagdanan ay may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito.

Nakatayo malapit sa pot ay si Maurice na nakabihis PE. Mabilis na nagtaas baba ang mata ko para tignan ang kabuuan niya. Grabe, ang ganda. Napagtanto ko naman agad ang ginawa ko kaya mabilis akong umiling at namula. "M-Maurice! Hi!" masyadong mataas ang boses kong bati.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon