Chapter Thirty-two

369 26 3
                                    

Sarina

Tahimik akong naglalakad pauwi. Hindi pa rin pumapasok si Mati tatlong araw na, hindi ko rin ito sinubukang tawagan. Nag-aalala man ay lamang pa rin ang inis ko sa nangyareng sagutan namin. Ang immature kasi kahit kailan! Nakakainis. Kay Maurice naman, sinubukan niya akong tawagan pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Tuwing nakikita ko naman itong papalapit ay mabilis akong tumatakbo papalayo. Alam ko naman na hindi ito ang solusyon pero hindi pa rin ako mapalagay sa nalaman kong plano nito.

  Mababaw man sa tingin ng iba, pero takot na takot ulit akong maiwan. Dala nga ito ng trauma sa ina kong bigla nalang lumisan sa amin ng walang paalam. Simula noong araw na namaalam ito, nahirapan na uli akong maniwala sa pangako na babalik sila.

  Pagka-uwi sa bahay ay si papa agad ang sumalubong sa akin. Binati ko ito at maglalakad na sana ako paalis nang bigla ako nitong tinawag pabalik.

  "Sarina? Anak? Pwede ba kitang makausap?"

  Nagtaas kilay ako bago lumapit sa kinauupuan niya at tumabi. "Hmm?"

  "Ilang araw ko na napapansing wala kang gana. Anong meron?"

  Napa-iling ako. Ayaw kong idamay pa si Papa sa problema ko dahil alam kong masaya ito ngayon at alam kong busy din siya sa kanyang campaign. "Wala po. Ayos lang ako. Pagod lang ito sa school."

  "Alam mo, hindi naman sa chismoso ako... pero narinig ko kasi kayo ni Maurice noong nakaraang gabi."

  Agad na lumaki ang mata ko at natingin dito ng deretso. "Po?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

  "Uhm, narinig ko ang pinag-usapan ninyo. Hindi ko naman sadya dahil magsasara lang sana ako ng pinto pero napalakas kasi ang boses ninyo kaya napakinggan ko."

  Napakurap lang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ano nga ba ang reaksyon niya? Hindi pa niya alam na ganito ako. Paano kung hindi niya ako tanggap?

  Pero parang nababasa nito ang isipan ko dahil agad itong nagsalita, "Bago ang lahat, alam mo namang mahal kita, hindi ba?"

  Napatango ako ng mahina at hindi ko na namalayan na napatulo ang luha ko. "Papa... "

  Ngumiti ito at hinila ako para sa isang yakap. "Mahal kita, anak. Alam mo namang susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. At alam mo rin na tanggap kita kahit ano ka pa. "

  Mas lalo lang akong napaiyak. Hindi ko alam kung dala ba ito ng emosyong hindi ko nailabas simula noobg nagkita kami ni Maurice, o dahil sa tuwa na marinig na walang nagbago.

  "Shhh. Okay lang 'yan," malambing na wika ng ama ko.

  Niyakap niya lang ako hanggang sa matigil na ang iyak ko. Ilang minuto pa ay kumawala na ako para magsalita. "Ang swerte swerte ko po sa inyo. "

  Napangiti ito, ngunit pansin kong hindi umabot sa kanyang mga mata. "Mas maswerte ako sa inyo." Natahimik ito saglit bago ulit nagsalita. "Anak, alam kong masakit ungkatin ang nangyare noon... matagal din na hindi natin ito pinag-usapan. Pero..."

  Alam ko na saan patungo itong usapan. Simula nang matanggap ko na hindi na babalik ang ina ko ay hindi na kami nag-usap patungkol dito. Kahit ang kapatid ko ay hindi na rin nagtanong. Hindi na rin ako nag usisa bakit nangyare ang lahat, dala na siguro ng inis sa hindi nito natupad na pangako ng ina ko.

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon