Chapter Eleven

511 30 12
                                    

Sarina

Kahit kailan talaga bwesit 'yang kapatid ni Mati. One moment aakalain kong nasapian na ito ng kabaitan, the next naman ay biglang lumilitaw ang demonyita niyang sarili. Nakakabanas! Kaya ito, kahit tatlong araw na ang nagdaan ay hindi ko pa rin malimutan ang kanyang pinagsasabi. Pake ba niya kung hindi ako hundred percent sure? Bakit? Alam niya ba kung bakit? Kainis siya ah. Pagkatapos ng talunan namin sa tambayan hindi na ako nakisakay sa kanya, baka kasi ihulog ko lang siya sa kanyang scooter. Si Reece na ang naki-ride sa kanya habang ako naman ay sumama kina Sheen at Earl sa sasakyan ng bakla.

"Hoy!"

Napadpad ang atensyon ko sa kaibigan kong busy sa kakarampa aa harap. Nasa loob kami ng classroom at nag-eensayo para sa Ms. and Mr. Nutrition na 'yun. Isa pa 'tong contest na ito. Kung kailan papalapit na ang contest, saka naman ako nagdadalawang isip sa pagpatuloy.

"Mati, sa tingin mo kakayanin natin?" hindi ko mapigilang itanong.

Mabilis niya akong nilingon at nilapitan. "Lou, kailan pa natin hindi kinakaya ang mga bagay? Syempre!"

"Baka jino-joke time mo lang ako. Seryoso, kinakabahan ako sa pinasok natin."

Nanlambot naman ang kanyang ekspresyon. "Lou, huwag mo nga idown 'yang sarili mo. Magaling ka at magaling ako, patunayan natin 'yun."

Ngumuso nalang ako dahil kahit anong pilit ko na tanggapin ang mga salitang binitawan ng kaibigan ko, hirap ko itong isapuso. "Sige."

Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong pinulot ni Mati ang bag ko pati na rin sa kanya. Sinukbit niya ang dalawa at binigyan ako ng ngiti. "Tara, kailangan mo atang i-cheer up."

"Saan mo naman ako dadalhin?" tanong ko habang sumusunod sa kanya.

Nilingon niya ako saglit bago siya sumagot, "Ililibre kita. May pera ako eh."

"Wow naman! Minsan talaga ang swerte ko sa'yo, kahit bwesit 'yang kapatid mo," hindi ko mapigilang sabihin.

Natigil naman ito sa pagbaba sa hagdanan at takang tumingin sa akin. "Bakit mo na naman sinali si Mau? Nag-away na naman ba kayo?"

"H-ha? Hindi! Nababad-trip lang ako sa pagmumukha niya," mabilis kong sagot. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang patungkol sa pagsama ko kay Maurice at kina Earl.

Natawa naman ito ng malakas. "Gago, anong ginawa ng pagmumukha niya? Tsaka, hoy! Kambal ko 'yun, magkamukha kami."

Umiling lang ako. Totoo na may hawig silang dalawa. Para itong girl version ni Maurice, pero mas malapad lang ang balikat at mas chubby ang cheek. Si Maurice kasi, kahit ang sarap hambalusan, perfect jawline at body. Nakakainis na nakaka-liwanag tignan.

"Alam mo, huwag na natin pag-usapan 'yun. Nasisira lang ang araw ko sa kanya," sagot ko at nagpatuloy na sa pagbaba.

Sumunod naman ito at inakbayan pa ako. "Naguguluhan talaga ako sa inyong dalawa. Minsan nagkakasundo kayo, tapos bigla nalang may away. Hindi ko kayo gets. Mas malala pa kayo sa aso't pusa eh."

"At mas lalo kong hindi gets 'yang kapatid mo. Para siyang lecture natin sa Math, Science, at English, ang hirap intindihin."

Nakasalubong namin ang iba naming kaklase na binigyan kami ng malapad na ngiti pababa. May iba rin na nakatingin kay Mati, dahil nga andami niyang fangirls. "Hoy, kinalimutan mo 'yung Filipino, hindi rin natin gets 'yun."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon