Chapter Twenty-five

542 44 11
                                    

Maurice

Maaga akong pumapasok para magkaroon ako ng oras sa pagbabasa, madalas ay dinadaanan ko rin ang library para tignan kung ano ang mga bago nilang dating na libro. Ngayon, habang naglalakad ako papunta sa room ay nakasalubong ko ang isa sa subject teacher namin. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyayare ngayon sa school. Isa na roon ang issue kay ma'am. Nabalitaan ko lang ito last week dahil sa usapan sa section ng aming group chat. I don't have a problem with her, in fact, I admire how she teaches dahil hindi ito kagaya ng ilan sa mga guro namin dito. She's not only sharing her knowledge, but she's doing her best to make us understand all of it.

  I smile as her eyes met mine. “Good morning, ma'am,” magalang kong bati sa kanya.

  Her usual hair that has oil in it is free from her usual ponytail style. Nakalugay ito at hindi rin siya nakasuot ng kanyang reading glass. “Magandang umaga rin, Maurice,” bati niya at binigyan ako ng ngiti.

  I can't help but feel sorry for what is happening to her ngayon. I personally hate it when people mock others dahil sa tamang ginawa nito. She doesn't deserve the hate she is getting ngayon, but my classmates are cry babies kaya wala rin akong magagawa. I don't have any remote control to shut their brains and let them rest forever.

  “Papunta ka na po ba sa room n'yo, ma'am?” tanong ko at pinukol ng tingin ang dala niyang  libro, laptop, at ang isang water jug.

  “Oo, kaka-report ko lang sa teachers room. Ikaw ba? Ang aga mo naman dito, Maurice,” sagot niya habang sinasabayan ko itong maglakad.

  I offered her my help sa pagbuhat ng libro na hindi niya naman tinanggihan. “Ahh, gusto ko po kasing daanan ang library at magbasa-basa muna bago ang klase.”

  Tumango ito at napadpad naman ang tingin niya sa librong nakasipit sa braso ko. Napangiti ito. “Kay Schwab?”

  Napangiti ako ng malapad at tumango. “Opo! Kaka-start ko lang ng story ni Addie, I'm on part one, chapter five.”

  “Ahh. Mga time na nasa Villion pa lang siya, right?”

  “Opo!” sagot ko. Hindi ko mapigilan na ma-excite dahil ngayon lang ako nakatagpo ng taong interesado rin sa binabasa ko.

  “Hindi ko pa 'yan natatapos, medyo busy kasi ako ngayon. Pero nasa part two na ako,” sagot nito at sabay naming tinapak ang mga paa namin sa building.

  “Kailan mo po sinimulan basahin ito, ma'am?”

  “Last last month, Maurice. Matagal na kasing nakatambak sa to read list ko 'yang The Invisible Life of Addie LaRue. Pero tinapos ko pa ang Midnight Library eh.”

  Mas napalapad naman ang ngiti ko. “Wow! Ang sakto pala sa akin. Pagkatapos ko kasi sa libro na ito, babasahin ko rin ang The Midnight, ma'am.”

  Nakarating na kami sa fourth floor, ang floor ng room ni ma'am. Sinamahan ko ito hanggang sa marating namin ang kanyang desk at doon ko inilapag ang libro.

  “Thank you, Maurice.”

  “Walang ano man, Ma'am Wesley. Kapag po may new books kayong na discover, recommend n'yo ah,” I said, stepping back para umalis.

  Binigyan niya ako ng malaking ngiti at tumango. “Okay! Thank you ulit, ah? Enjoy ka sa pagbabasa. Maybe if may free time tayo pwede nating pag-usapan ang libro?”

  Tumango ako at kumaway. “Sure, ma'am. Bye!”

  Nang nakalabas ako ay malapad ang ngiti kong bumaba para maglakad papunta sa room ko. I think my admiration towards ma'am just increased! She's really cool. Nang makapasok ako sa room, bigla ko naman naalala si Sarina. Which doubled my smile. Nag-usap kami kagabi though chat, inaya niya akong lumabas mamaya pagkatapos ng klase para daw sa hinanda niyang date. I don't know what her plan is, basta I can't wait to spend time with her. Habang wala pang masyadong tao ay inilabas ko muna ang phone ko para i-chat ito, alam ko kasi na sasabay siya kay Mati, which means may malalate na naman.

Maurice: Hey! Good morning, Lou. Are you on your way to school?

  I pressed send and ilang minuto pa ang lumipas bago ito nag-reply.

CrushMo: HELLLOOO MAURICEEEEE 😊 MAGANDANG UMAGAAAAA!!! ✨🎇 PAPUNTA NA KAMI NI MATI, NASA SASAKYAN NA👍👍🚗🛣️

  My lips parted in both amusement and irritation sa babaeng kausap ko. I want to tell her that the emoji she used after the sparkling one is not the sun, but rather a fireworks, pero I don't want her to get all annoyed at me na naman sa pagdidikta ko raw. Sinasanay ko na rin ang sarili ko sa kanyang reply na palaging naka capitalize with emoji, wala na akong magagawa eh. I have to accept her for who she really is. Kahit na it's annoying.

  Hindi na ako sumagot sa kanya at tinago na ang phone ko para magbasa. After an hour, our first subject teacher started her class. It was math, one of the subjects I enjoy. Time flew quicker than I realized. Now, it's time para kitain ko si Sarina sa ground floor. She'll wait for me daw at pinauna na ang kapatid ko para magka-alone time kami mamaya. The thought of spending time with her alone makes me blush. Medyo hindi pa rin kasi ako makapaniwala na gusto niya rin ako eh. But I'm happy to finally get her attention. Ang tagal ko rin inasam.

  “Maurice!”

  My head snap at her direction, she's standing a few feet from me, her bag hanging low on her left shoulder. Her hair is tied up in a bun, her uniform present, and she's wearing a pair of rubber shoes to match it.

  “Nasira na naman ba ang black shoes mo?” tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

  Nagtaas kilay ito at tinaas ang kanyang isang paa. “Ahh, dahil ba dito? Hindi naman. Iniwan ko sa bahay kasi ang sakit sa paa ng black shoes. Mas comfortable ako dito. Tignan mo, makakatakbo,” she said, and surprised me when she jump from her place to mine.

  “Diba?” nakangiti niyang wika.

  Kumunot lang ang noo ko. “Okay? And by the way, tumalon ka at hindi tumakbo.”

  She rolled her eyes and took a few steps ahead. “Sus, pareho lang 'yun, ginamit ang paa.”

  “If you say so, Fausteo. Saan mo ba ako ida-date?” I asked, stepping closer sa kinatatayuan niya.

  Nahihiya itong ngumiti habang sinisimulan na ang kanyang paglalakad, ako ay nakasunod sa tabi niya. “Ano... Sana huwag mo akong i-uncrush ah. Kasi hindi ako maalam sa mga date. Alam mo naman, diba?”

  I pressed my lips to stop myself from grinning. Ang cute niya kasi. “Bakit? Ano ba ang plano mo?”

  Kinamot nito ang kanyang batok at ngumisi. “Date sa restaurant ni papa.”

  My eyebrow raise in amusement. “Talaga? Sa restaurant ng papa mo ako dadalhin?”

  “Oo, wala kasi siya eh. Huwag ka na marami tanong kasi nahihiya ako lalo sa'yo, tara na!” ani nito sabay hila sa akin.

  Napangisi lang ako dahil hinawakan niya na ngayon ang kamay ko habang naglalakad kami. Nahihiya daw pero kung makahawak naman sa akin wagas. We stayed holding each others hand hanggang sa makasakay kami sa tricycle. Nang marating namin ang restaurant ay pumwesto kami sa pinakadulo, kung saan nakahanda na ang pang-dalawang taong meal.

  I smile as I took the seat. “Wow. Hindi naman halata na pinaghandaan mo ah.”

  Namula ang mukha niya at binigyan ako ng mahinang tango. “Slight. Nakakapressure kaya kapag ikaw ang kasama.”

  “Oh? Talaga? And why is that, Lou?”

  She turn her head to look at the table. “Kasi ikaw si Maurice.”

  I smile at her shyness. Hindi ko tuloy mapigilan na abutin ang kanyang pisnge para kurutin. “Ang cute mo talaga. And don't be pressured, I'm also as nervous as you are kasi ikaw si Sarina.”

 

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon