Chapter Forty-Two

80 6 0
                                    

Sarina

Nakangiti ako habang naglalakad pauwi sa amin. Pagkatapos ng visit namin sa hospital ay hinatid na kami isa-isa ng saksakyan nina Earl. Sa kanto lamang ako bumaba dahil ayaw ko na mahirapan sila sa pag-liko. Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa bahay, ngunit bago pa ako makarating sa gate namin ay may napansin na akong sasakyan na naka-garahe sa harap nito. Hindi ito pamilyar kaya nagtataka ako kung kanino ito.

  Nang makapasok ako sa loob ay agad naman akong natigilan, halos lumabas ang kaluluwa ko sa nakita ko. Nakaupo ngayon sa sofa kasama ni Ate Wen at Papa ang walang iba kung hindi ang nanay ko.

  "M-mama?" Nanginginig ang boses ko nang tawagin ko ito.

  Agad naman napadpad ang tingin nila sa akin. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni mama at agad itong tumayo at sa sobrang bilis ng pangyayare ay napagtanto ko nalang na nakayakap na ito sa akin.

  "Oh my gosh, Sarina! Anak!" Mahigpit niya akong niyakap. "You're taller in person than in pictures. I miss you," umiiyak nitong saad habang nakayakap pa rin sa akin.

  Napatingin ako sa gawi ni Tita Wen at ni Papa, nakangiti si Tita Wen sa akin habang si Papa naman namumugto ang mga mata.

  Ilang segundo niya pa akong niyakap bago ako nito binitawan at tsaka hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

  Matagal ko na 'tong pangarap. Ang mayakap ang mama ko at ang marinig muli ang kanyang tinig. Sa sobrang tagal ay hindi ko na rin maalala kung ano ang dapat kong maramdaman sa panahon na matupad na nga ito. Nakatayo lang ako, parang tanga na tumutulo ang luha habang nakatingin sa aking ina. Mas maputi ito kumpara sa memoryang naalala ko, may kaliitan din pero maganda talaga ito. Hindi maipagkakaila kung kanino namin namana ni Sandra ang aming ganda. Dapat masaya ako eh, dapat nagtatalon ako dito sa tuwa kasi pagkatapos ng lahat, nandito na ulit ang ina ko. Pero parang may kakaiba akong naramdaman, 'yung tipong kilala mo nga at mahal mo ito but it feels different now. Siguro dahil na rin sa tagal na hindi kami nagkita.

  "The minute I heard sa receptionist namin na may bumisita sa office ko, hinahanap ako at sinabi raw nito na kilala ka niya—si Maurice daw, agad kong inayos ang lahat ng dapat ayusin ko at nag book ako ng flight para puntahan kayo dito ng kapatid mo. Sobrang tagal ko na gustong umuwi, anak, believe me. Miss na miss ko na kayo ni Sandra," umiiyak nitong tugon habang hawak-hawak pa rin ang pisnge ko.

  Napalunok ako. Lahat ng sinabi nito ay naglaho, ang tanging narinig ko lang ay ang pangalan ni Maurice. "Ano pong sinabi ninyo? Si Maurice?"

  Tumango ito. "Si Maurice. Nagpunta siya sa office ko. I think it was weeks ago," sagot nito.

  "Weeks ago, you mean Thursday ng umaga?" kinakabahan kong tanong.

  Naguguluhan man, tumango ito sa akin.

  At doon ko na realize kung ano ang nangyare. Kung bakit nandoon si Maurice, about sa surprise. Napatakip ako sa aking bibig at napaiyak.

  "S-si Maurice, naaksidente siya pagkatapos niyang magpunta sainyo," nanginginig kong tugon. Napatayo naman sina papa at si Ate Wen.

  "Sarina, huminga ka," malambing na tugon ni Ate Wen habang papalapit sa akin. "Wala kang kasalanan."

  Nanginginig ang tuhod ko kaya nang makalapit ito sa gawi namin ni mama ay agad ko siyang niyakap. "Ate Wen, naaksidente si Maurice dahil sa akin. Pumunta siya roon dahil sa akin. Ako ang dahilan ate, ako ang dahilan bakit siya nandoon."

  Hinimas-himas nito ang likod ko at tsaka ginabayan ako papunta sa sofa. "Shh, it's okay Sarina. It's okay. Okay na si Maurice. Wala kang kasalanan, iha."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon