Chapter Thirty-four

379 17 6
                                    

Sarina

Hawak-kamay kaming naglakad sa baybayin. Maya-maya ay sunset na at alam kong kailangan ko na rin umuwi. Hindi naman habang buhay pwede kong takasan ang ama ko. Kagabi pa sila tawag nang tawag ni Ate Wendy, pero napagsabihan na rin naman sila ni Ma'am Wesley, na kapatid pala ni Ate Wendy na nakitulog ako kina Maurice.

  Medyo nahihiya na natutuwa pa rin ako sa pag amin ko kay Maurice patungkol sa pagmamahal ko dito. Hindi ko kasi mapigilan, parang takot na ako na baka bukas ay hindi ko na masambit ito. Totoo ang nararamdaman ko kay Maurice, hindi lang simpleng atraksyon ito. Masyado na akong nahulog sa kanya. At hindi lang dahil sa maganda ito, matalino, kung hindi pati na rin sa kabutihan nito at sa kanyang walang sawang pasensya sa akin. From the start, pinakita na nito kung gaano ako ka importante sa kanya kahit minsan ay tinataboy ko ito. Sa katunayan mas red flag pa nga ata ako dito eh.

  "What are you thinking about?"

  Naglipat tingin ako dito. "Wala. Ikaw."

  "Wala raw pero ako. Ikaw talaga, Fausteo."

  Natawa ako ng mahina. Siguro kung wala ito ngayon sa tabi ko baka nabaliw na ako. Sobrang na appreciate ko talaga ang ginawa niya. One of the sweetest things na naman na ginawa nito sa akin. "Alam mo, minsan lang ako magsasabi nito ha para hindi mabawasan angas ko pero ang swerte ko sa'yo."

  "Shut up, dami mong alam," pabirong sagot nito.

  "Pero seryoso... ako sa'yo," banat ko dito.

  Natawa ito at mahinang pinisil ang kamay kong hawak niya. "Dami mong alam."

  "Thank you, Maurice. Swerte ko naman sa girlfriend ko."

  "Shush let's enjoy the sunset, mamaya ka na magpakilig."

  At sinunod ko ito. Nawala pansamantala ang inis na nararamdaman ko sa ama at ina ko. Napalitan ito ng saya at contentment sa nangyayare ngayon. Kung pwede lang sana na ganito nalang kami habang buhay.

  Matapos ang moment sa beach ay nagpahatid na ako dito. Sa una ay nag-alala pa itong baka mapano ako, ngunit nangako akong tatawag sa kanya matapos kong makipag usap sa ama ko. Pagkapasok ay tumambad sa akin si Papa at Ate Wen na nakaupo sa sala, parehong nag-aalala ang mga mukha. Naunang tumakbo para yumakap sa akin sina Tisoy at ang kapatid ko, sumunod naman si Ate Wen na binigyan ko ng tipid na ngiti. Despite everything, grateful ako kay Ate Wen dahil sa mga ginawa niya for us.

  "Mabuti naman umuwi ka na. Nag-alala kami sa'yo."

  "Ayos lang ako, Ate Wen. Salamat sa pag-aalala pero kailangan ko lang talaga makalayo pansamantala," paliwanag ko dito.

  Tumango ito. "Naiintindihan kita." Pagkatapos ay lumingon ito sa ama ko at nagkaroon ang dalawa ng tahimik na pag-uusap sa mata. Mabilis na tumango si Papa at nag-excuse naman si Ate Wen papuntang kusina.

   "Anak... Sarina..."

  Dahil ayaw ko na rin naman palakihin pa ang pangyayare, mas minabuti ko nalang maupo at maging direkta. "Pa, galit ako sa'yo."

  Tumikim muna ito bago sumagot. "Naiintindihan ko. May karapatan kayong magalit sa akin ng kapatid mo, tatanggapin ko kahit gaano pa 'yan kabigat dahil hindi makatarungan ang ginawa ko."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon