Chapter Twenty-six

458 34 14
                                    

Sarina

Kahit isang oras na kaming kumakain, hindi pa rin nawawala ang kaba ko ngayon sa date namin. Dalawang beses niya na ata akong tinulungan na punasan ang gilid ng labi ko. Kung hindi pa 'yun sweet, ay aba! Pinaglagyan niya rin ng pagkain ang plato ko kasabay patikim sa mga sinusubukan niyang dessert.

Ngayon, inaabutan niya na ako ng tubig dahil hindi raw dapat ako nagpapasobra sa softdrinks pati na rin juice. Oh diba, may instant doctor na ako.

"Are you done?"

Nag-angat ako ng tingin. "Opo, ikaw ba?"

"Yes. I'm so full. Thank you for the food,"

Binigyan ko ito ng ngiti. "Thank you rin sa pag-payag." Tumayo ako ng bahagya sa kinauupuan ko. "Mabuti pa maglakad-lakad muna tayo para naman matunawan tayo ng maayos."

Hindi ito nagdalawang isip na tumango. "Sure. But magligpit muna tayo. Gusto ko rin pasalamatan ang nagluto eh," sagot nito.

Hindi na ako umangal at sumunod nalang sa kanya. Nagpunta kami sa kusina hawak-hawak ang mga pinagkainan namin at inilapag ito sa lababo, pagkatapos ay nagpunta kami sa kay Ate Resa na siyang nagluto para magpasalamat. Matapos naming gawin ito ay nagdesisyon na kaming lumabas at maglakad-lakad. Maaga pa naman at hindi pa lumulubog ang araw.

"So saan mo gusto pumunta?"

Nag-angat ako ng tingin sa kasama ko. "Ikaw ba? May gusto ka bang puntahan?"

"Kahit saan naman okay lang."

Nagpigil ngiti ako. "Ahh? Basta kasama mo lang ako ayos na? Ganon?"

"Pwede na rin."

Napairap ako sa kanya. Wala talaga itong ka-sweetan minsa. "Ewan ko sa'yo, Maurice."

Tumawa ito at mabilis na inabot ang kamay ko para hawakan. "Pahawak ah? Baka kasi tumakbo ka palayo eh."

Namula ako sa narinig, sabay bunggo sa siko nito. "Dami mong alam." Binabawi ko na pala, meron pala siyang sweetness! Nakakainis, nakakawala ng angas kapag kinikilig ako sa babaeng 'to.

"Alam mo? Hindi pa rin ako makapaniwalang gusto mo rin ako," wika nito.

"Ako nga itong hindi makapaniwala na gusto mo pa rin ako. Bakit mo nga ulit ako gusto? Akala ko ba masyado akong pasaway para sa'yo?"

Pinukol niya ako ng tingin at nagkibit-balikat. "Pasaway ka nga, pero gusto ko ako ang sasaway sa'yo."

Natawa ako ng malakas sa narinig. "Sana nag apply ka nalang bilang nanay, wala ako nun eh. Hindi ka naman nagsabing taga-saway lang pala gusto mong papel sa buhay ko."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hays, you're so full of shit, Sarina. Pero gusto pa rin kita."

Nainsulto ako sa sinagot nito, pero dahil si Maurice siya ay may free pass siya sa akin. "Alam ko. Shit ka rin naman, pero gusto rin kita."

Bahagya niya akong hinila papalapit sa kanya, kaya ngayon ay magkadikit na ang braso namin habang magkahawak kamay na naglalakad.

"Maurice, alam na ba ni Mati?"

Tumingin ito ng mabilis sa akin bago ako hinila ulit para lumakbay sa kabilang block. "I haven't told him yet. Alam mo naman ang kambal ko, he loves to tease me."

"True. Ako nga rin eh, hindi ko rin sinabi sa kanya dahil hindi na naman ako nun papatulugin ng ilang taon sa kakakulit."

Ngumiti ito. "I really admire your friendship, pero minsan you both are a pain in my ass."

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon