Chapter Thirty-five

390 25 6
                                    

Maurice

Sinamahan ako pauwi ngayon ni Stacy. If it's not for my mother who begged me to go home, mag sta-stay pa rin talaga ako sa lola ko. They don't mind it, mas gusto pa nga nila eh. Pero medyo nahihiya na rin ako sa kanila dahil ayaw kong makadagdag sa stress nila. When we got there, agad akong sinalubong ni mommy ng yakap. Binati rin ako ng mga kasama nito sa labas bago kami sabay sabay na pumasok. Naabutan ko si Mati na nakaupo sa dinning table, nakatingin lang ito sa pinggan niya at kahit saglit ay hindi ako binati nito. Hindi ko nalang pinansin at nag pokus nalang sa ina ko.

  Umalis si Dad papuntang Cebu dahil conference raw nito na laking pasalamat ko. Nais pa naman ni mommy na pagbatiin na kami kahit ang tigas ng bungo ng asawa niya. Sa kalagitnaan ng usapan ay hindi ko mapigilang ianunsyo ang balita patungkol sa amin ni Sarina. Hindi naman naging mahirap para kay mommy ang pagtanggap, si Stacy naman ay tumango lang, habang si Mati ay napaubo ng mahina.

  Alam kong pinuntahan nito si Sarina at nagsumbong ito patungkol sa plano ko. Hindi ko rin siya masisisi dahil alam ko kung gaano ito kanasaktan sa pinagsasabi ni Dad sa kanya. Pero ang hindi lang katanggap-tanggap ay ang pag akusa nitong ako ang nagsumbong. Kung kaya nang matapos na kami ay sinundan ko ito patungong kwarto niya.

  Nag lock kaagad ito kaya kinatok ko pa ng ilang minuto bagoa ko pinagbuksan. Without saying a word, pumasok ako at naupo sa higaan niya.

  "Get out of my room."

  I shook my head. "No. We have to talk about this."

  "Wala tayong dapat na pag-usapan. Out of my room now."

  "How about we start sa pagsumbong mo kay Sarina sa akin? Hmm? What was your motive sa pangunguna mo?" I asked, genuinely concerned what his answers are. Hindi na ako galit, naguguluhan lang. I kept it a secret kasi gusto kong paghandaan ang pag explain ko kay Sarina, but he beat me to it. Muntik pa tuloy kaming mag away ni Sarina because of it.

  "Get out."

  "No, Mati. It's time na you speak up and stop acting like a child. You are always throwing tantrums, doing things na makakapagpahamak sa'yo, tapos you always end up blaming me. So tell me bakit para maayos natin ito."

  "Wow! Ako pa ang nag aact na bata? Sino bang lumayas?" maangas niyang tanong.

  "I didn't. I just want to get as far away as possible sa ama natin."

  "Ohh, ganun, duwag. Akala ko ba gusto mong sumipsip sa kanya? Hindi ba nagsumbong ka sa kanya? Not satisfied pa rin?"

  Sa narinig ay nainis na rin ako. Ang tigas talaga ng bungo ng mga lalake sa pamilyang 'to. "How many times do I have to tell you na hindi nga ako ang nagsumbong, okay? Bakit ba galit na galit ka sa akin? Aren't we supposed to be a team?"

  Sarkastiko itong natawa. "Team? Tayo? Maurice, we can't be a team kasi sa una pa lang ikaw na ang nakikita ng tao! You are the smart one, the talented one, the one who has everything. Favorite ka ng lahat kasi ikaw naman ang perfect! Tapos si Sarina na nga lang ang natitira kong malapit na kaibigan, kinuha mo pa! I have nothing left! You took them all!"

  Tumayo ako at hinarap ito. "You are so wrong about that. I did not take anything from you. From the start alam mong pinaghihirapan ko ang mga bagay na siansabi mo ngayon. Also, si Sarina? You know I liked her ever since. Bakit ka ba nagagalit?"

Sa Ilalim Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon