PAGTATAKSIL

9 3 2
                                    

Ang paniniwalang pinaglalaban noon,
'Di sukat akalaing kinakalaban ngayon. Isang pagtataksil nga sa sariling layon,
Ipinagkanulong buhay, pagtakas sa kahapon.

Sa aki'y may nakapagsabi,
Pagtatantong tinarak noong dati,
Magiging tama yaong mali,
Depende kung paano dedepensahan ang napili.

Walang tiyak na katotohanan sa mundong puro salita,
Lahat ay may pinaglalaban hindi lamang iisa,
Ngayo'y tanggap kung paglalarawa'y alibugha,
Pagkat ito ang tiyak ko, walang mawawala,
Kung ipaglalaban ka nang walang sawa.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon