WHY GOD

18 1 0
                                    

Why God
Do we feel so alone?
Every single day
Fighting through the pain
Hoping there is hope?

                           ___________

"Lo, bakit kahit ano'ng iwas mo sa sakit, masasaktan at masasaktan ka pa rin?" I asked my Lolo. He was with me, sipping his favorite kape barako. "Walang option 'Lo, ipaglaban ko man o hindi, masasaktan pa rin ako."

All of sudden, it just pop up in my mind. Siguro kasi lately, kahit anong iwas ko na hindi masaktan, hindi masagutan... kusa siyang lumalapit sa akin. Sabi nila, gano'n naman daw talaga kapag nagmamahal ka. Pero bakit?

Binaba muna ni Lolo ang dyaryong binabasa niya bago nagsalita, "Naalala mo pa ba no'ng bata ka? 'Yong nahulog ka sa palayan dahil d'yan sa pagiging barako mo."

Natawa naman ako nang unti-unti 'yong maalala.

---

"Aray 'Lo, ang sakit!" inda ko.

"Oo, ang sakit din sa tenga ng sigaw mong bata ka," sabi ni Lolo habang kinakatutuli ang tainga niya gamit ang hinliliit niya.

"'Wag n'yo nang lagyan!"

"Pag 'di 'yan nilagyan ng lunas, hindi 'yan 'agad gagaling. Magkakapeklat pa 'yan."

No'ng bata ako, tatanga-tanga ako. There was this moment na nahulog ako sa palayan-- sa putikan, dahil halos katabihan lang 'to ng ricemill namin. Walang kahit na sangga ang bawat gilid kaya habang nagba-bike ako, sa sobrang bilis ng pagtatakbo ko, pagliko, dire-diretso akong nahulog sa palayan.

"Bakit ka kasi nahulog?" tanong ni Lolo.

"Kasi nga 'Lo, ayaw ko namang bitawan 'yong bike ko. Kapag binitawan ko 'yon, tumalon ako tapos 'yon lang hayaan kong mahulog do'n sa palayan, edi masasaktan pa rin ako. Kaya pinili ko na lang na hawakan. Kahit ano namang piliin ko, masasaktan pa rin ako."

---

"Raine, parang pagkahulog mo lang 'yan sa bike." Ngumiti si Lolo.

"Po?"

"Kapag pinili mong panghawakan ang isang bagay na hindi dapat ipaglaban, sa huli masasaktan ka. Kapag pinili mo namang bumitaw, masasaktan ka pa rin. Ang parehong
pagpipiliin ay may kaakibat na sakit. Kahit ano mang piliin, masasaktan at masasaktan ka pa rin. Pero alam mo kung ano 'yong pagkakaiba nila?"

Umiling ako.

"Kapag pinili mong bimitaw ng mas maaaga, sabihin nating dahil alam mong hindi na pwede, hindi na tama, o dahil nakikita mo na sa dulo ang panganib at kahihinatnan
na magdudulot sa 'yo ng mas malubhang sugat, masasaktan ka pero hindi gano'n kalubha."

Muling uminom si Lolo ng kape niya. "Pero kapag pinili mong panghawakan ang bagay na alam mo ang dulo na walang kasiguraduhan, masasaktan ka higit pa sa kahit
anong tarak ng ilang sandata."

Unti-unti kong naiintindihan ang lahat.

"Huwag mo nang subukang ipaglaban ang isang relasyon na habang nasa gitna kayo ng labanan, pinipili mong saluhin ang lahat ng sakit at sa huli, tapos o hindi ang laban,
ikaw lang ang masasawi."

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon