TAKOT

13 1 0
                                    

been inspired by our Dula sa Filipino


"Hindi ka ba natatakot?"

"Takot? Natatakot, saan?"

"Na mabuhay, na maghintay nang buong buhay subalit kailan man, hindi dumating ang iyong hinihintay?"

Magkaibang mundo ngunit pareho,
Pinipilit hanapin ngunit malabo.
Walang oras angking lugar na ito,
Para sa 'ting pilit na pinagtatagpo.

Naghihintay sa oras, lahat naman tayo,
Pagkat taglay mo ang imposibleng totoo.
Ako'y takot na matagpuan ang hinahanap kaysa makatagpo,
Ng ikaw na hindi man lamang humihinto.

Iyon marahil ang nagtulak sa akin,
Piliin ang pagdurusa't angkinin.
Sa katahimikang sinusubukang paaminin,
Alam kong ang tinig ko ay kailangang tapusin.

Aking nakita ang hindi hinahanap,
Ngunit ang hinahanap ay hindi nasagap.
Oras na upang ipikit ang mga mata,
Kaysa mulat na pagtagpuin na hindi naman makikita.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon