I FAILED

58 15 4
                                    

Graduation day is one of the special day in everyone’s life. Ito ang araw na talagang pinakahihintay ng bawat isa, kung saan talagang pinaghahandaan at hindi pinalalampas. Ang araw na talagang makikita mo ang tunay na ngiting nakaguhit sa bawat labi ng lahat. Ito ‘yung araw na magkakaroon ng bunga ang lahat ng pinaghirapan mo. The day where you'll going to step your feet at the stage and will proudly face the world that you made it.

“Ano kayang magandang suotin sa graduation ng anak ko? Ito ba?” masayang sambit ni mama sa kapatid ko.

“Ma, bakit ba ang dami n’yong  nilabas na damit? ‘wag n’yong sabihing susuotin n’yong lahat ‘yan?”

“S’yempre hindi naman! Ano ka ba! Kaya nga ako namimili e, pero kasi kailangan iba-iba ang damit ko kapag aatend ako sa graduation n’yong apat.”

“Ma, hindi po ako aattend ng graduation ko.” Lahat sila ay natigilan dahil sa aking sinabi. Agad namang nabitawan ni mama ang hawak-hawak niyang damit at gulat na gulat na tumigin sa akin.

“Dito na lang po ako sa bahay,” wika ko sabay bigay ng mapait kong ngiti.

Nawala ang ngiting nakaguhit sa labi ni mama at madahang lumapit sa akin.

“Anong problema ‘nak?” tanong niya sa mababang pananalita at mababakas ang kaniyang pag-aalala.

“It’s just, I-I don’t feel like coming,” halos mapiyok kong sabi.

“Paano na ang mga awards mo? With Highest Honor ka anak! Valedictorian!”

Tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Sadness, iyang ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula, but I want to admit that it’s killing me. Hindi ko alam kung bakit. Diba dapat masaya ako dahil gra-gradute na ako? Diba dapat masaya ako dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaagaw ng posisyon ko?

Bakit ang pakiramdam ko’y wala lang? Diba dapat masaya ako dahil nakamit ko ulit ‘yung pinapangarap kong pinakamataas? Pero bakit ganoon, bakit pakiramdam ko wala namang nabago at nananatili pa rin akong nasa ibaba? Pakiramdam ko wala namang saysay ang lahat ng pinaghirapan ko.

“Ma, nakakapagod din pala,” lumuluhang sabi ko kay mama. “Niinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maramdaman ‘yung happiness na sinasabi ko noon.”

Unti-unting nagbalik ala-ala sa akin ang aking mga sinabi noon.

“Kapag ako naging With Highest Honor, ako na ang pinamasayang tao sa buong mundo!”

‘Yan ang pinagsigawan ko noon sa mundo, ‘yan ang tinatak ko sa utak ko pero ngayon, bakit parang iba ang nangyayari, ngayong naabot ko na, ngayong na nanatiling hawak-hawak ko at nasa mga palad ko, ngayon ko lang naramdaman na hindi naman ako masaya. Ngayon ko lang narealize na wala roon ang tinatawag nating kaligayahan.

Throughout my highschool years, wala akong ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. I admit that I missed so many things. I missed so many opportunities. . . and moments. I let go my dreams temporarily para makapagfocus sa pag-aaral na ito at para makasigurong hindi ako malalamangan, and now, I’m struggling because I don’t know kung saan ko ‘yun hahanapin muli.

I forgot the real meaning of life. I forgot the real purpose of life. I forgot life. I forgot myself. And the only thing that in my mind is my ambition, ang ambisyong maging mas nakakataas sa nakararami.

I started to be afraid of failure. I started to be afraid of judgment. I started to be afraid of mistakes. And my greatest fear? I started to be afraid that people will left me if I’m not good enough.

This isn’t me, ako ‘yung tipo ng taong walang pakialam sa kung ano ako. Ako ‘yung tipo ng taong masaya sa kung ano ako at kung ano ang narating ko. I don’t care about what others think, I am just me. Hindi ako ‘yung tipo ng taong tumitingin ng sa rankings. Ako ‘yung tipo ng taong hindi naghahangad na maging mataas. Hindi ako ‘yung tipo ng taong nagnanais ng atensyon. Pero bakit gan’on? Pakiramdam ko ay nagbago na ako. Pakiramdam ko hindi na ako ang . . . totoong ako.

“’Ma, bakit gan’on, nagagawa kong sagutan at intindihin ang mahihirap na tanong sa exams, recitation, quiz at sa iba pang bagay, pero bakit ganoon, mismong sarili ko at buhay ay hindi ko magawang maintindihan at hindi ko mabigyan ng sagot ang lahat ng mga katanungan sa isip ko. Bakit ang complicated? Ang hirap naman ‘ma!” Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha, umaasang sa pamamagitan nito ay maiibsan kahit papaano ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

“Nak,” tawag sa akin ni mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Masaya ka ba?” Dahil sa tanong ni mama, mas lalo akong napahagulhol.

Hindi ko rin alam ma, iba ang sinabi ng utak ko at iba rin naman ang sinasabi ng puso ko. Totoo nga, iba na talagang laban kapag isip at puso na ang pinag-uusapan.

“Just listen to your heart anak. Nandito lang kami para sa ‘yo. Hindi sa lahat ng oras, mahahanap mo ang sagot sa lahat ng bagay because some answers require time.”

Mama hug me tightly. “You’re going to attend your graduation day. You can’t missed this moment anak, I don’t want you to regret this thing as time passed by. Who knows, maybe happiness is waiting you there.” 

I hug her back. “Ma, You know what, I always want to be perfect, but. . . b-but I failed to make my life perfect.”

- xx -


Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon