IF I DIE NOW

26 2 0
                                    

"What is your ideal girl or boy?"

Pinaikot ni Matt bote. He's one of my trusted friends. Unexpectedly, tumapat sa 'kin ang bote.

"So... bro, what is your ideal girl?" He smirked and looked at the girl beside me— Draily, my closest girl best friend.

I bit my lower lip. Napakamot pa ako sa likod ng batok ko bago ako sumagot, "Thoughtful..."

Napapalakpak si Trix sa hangin habang nagpipigil ng ngiti. He is also my friend at kumbaga sa barkada, siya 'yong happy pill namin na kahit magmukha na siyang tanga sa paningin ng lahat, it doesn't matter as long as may napapasaysa siyang tao.

"Pa'nong thoughtful ba?" aniya niya, umaaktong kinikilig.

Mahina akong napatawa.   "Someone who will always reminds me to eat at the right time and..."

"And?" Draily repeated.

Binigyan naman ako ng mapang-asar na tingin ng dalawang gunggong.

"Taong magpapaalala sa 'kin na uminom ng gamot ko sa tamang oras."

"Ano'ng gamot?" tanong ni Trix. "Gamot sa utak?" Humalakhak siya.

"Gamot sa pag-ibig ata!" suporta pa ni Matt.

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Then I've decided to tell them about my condition. I know that I shouldn't hide this from them. 

"Guys." My voice gotten serious. "I'm dying..."

Natigilan sila sa pagtawa at saglit na nagkatitigan bago ako tiningnan, punong-puno ng pagtataka.

"Puta bro, kailangan mo ngang uminom ng gamot." Muling tumawa si Trix ngunit pilit sa pagkakataong 'to. "May sakit ka nga sa utak."

"Alam namin na hindi ka lang papatay. Dahil matagal ka nang patay na patay kay Rai!" biro niya. Nagawa pa niyang tumayo at nagsayaw-sayaw sa sabay apir kay Trix.

"I'm serious... I'm dying." Nginitian ko sila. "And maybe a year or months from now, I'm saying good bye."

Tuluyan na silang natuod sa kanilang kinatatayuan at hindi makapagsalita dahil sa sinabi ko. Nakaramdam na lang ako ng isang kamay na humawak sa 'king braso at pilit pinaharap sa kaniya.

"Saldy, we won't blame you if didn't tell us sooner," she uttered, laced with deep concern. "But I hope it's not too late for me to be your ideal girl."

"Rai..."

"I want to be more than that. Not just someone who will remind you to take your medicine but someone who will be your cure." She held my hand and looked directly to my eyes. "Saldy, I want you to fight, continue living and be with us 'till we get older."

"Bro." Naramdaman ko na rin ang kamay ng dalawang mokong sa aking likod. "Magiging best man ka pa sa kasal ko, 'di ba?"

"Irereto mo pa ako sa kapatid mo," dagdag pa ni Trix.

Napangiti na lamang ako dahil sa aking narinig. Unti-unting lumapit si Rai sa 'kin at kinulong ako sa mainit niyang yakap.

"Magpapakasal pa tayo."

"Oy! Ano 'yon?! Narinig ko 'yon!"

Yumakap ako pabalik sa kaniya. "So, it's a yes?"

"Yes? Hindi mo nga ako nililigawan e."

Mahina akong napatawa. Kumalas akong sa yakap namin at madahang hinawakan ang kaniyang mukha. "Kapag ba tinanong kita ngayon, magye-yes ka?"

"Kahit hindi mo akong tanungin, I'll say yes. Kahit ilang taon man ang lumipas, hindi magbabago ang sagot ko."

"So... Miss Draily Ramos, can you be my girlfriend?"

Hinawakan niya ang kamay kong nasa kaniyang pisngi. "Yes..."

Isang ngiti ang sumilay sa aking bibig. Napatingin ako sa dalawang mokong, binigyan sila ng tingin na nangungusap. Nang ma-realize nila ang sinasabi ng ekspresyon ko, pareho silang napangisi.

"Rai, don't get mad." Kumunot ang noo niya. "It's a prank! Wala akong sakit!"

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon