7:13

54 11 2
                                    


"Mabuti't nakarating ka!" sigaw ng aking best friend na si Grazielle habang hawak-hawak ang isang baso ng wine na kaniyang iniinom.

"Oo naman! Birthday kaya ng best friend ko!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

I can't let it happened na pati ang huling pagkakataong makasama sila ay hahadlangan ng isang bagay na lubha kong kinasusuklaman.

"Asus! Ayos ka na ba? Sabi kasi ni tita hindi daw ayos ang pakiramdam mo!" sigaw niya muli at bahagyang lumapit sa akin upang mas magkarinigan kami.

It's Grazielle's birthday at napagdisisyonan niyang magpaparty dito sa kanilang bahay. Makulay ang paligid at nangingibabaw ang malakas na tunog ng mga music na pinatutugtog ngayon. Napakalakas ng sound system, 'yung tipong makiramdam mo ay masisira na ang eardrums mo. Ito din ang dahilan kung bakit kami nagsisigawan ni Graz, upang magkarinigan sa kabila ng napakaingay na paligid.

"Syempre! Malakas kaya ako, daig ko pa si wonder woman diba!" pamumuri ko sa sarili ko habang nakangiti.

"As always!" At sabay kaming tumawang dalawa.

We meet our other friends. Magkakasama sila sa isang pabilog na couch at masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Nahagip ng aking mata si Ace. Limingon din siya sa gawi namin at sabay kaming napangiti sa isa't isa.

We approach them at hindi maipinta ang kanilang mga mukha nang makita ako.

"Hey wonder woman! Ba't ka nandito?"

"We thought hindi ka makakaputa."

"Ayos ka na ba?"

Sabay-sabay nilang wika kaya napatawa naman ako at pati rin sila. I answer their questions at isang tugon ang kinilang sinabi. . .

"Ahh," sabay-sabay nilang sabi.

We didn't waste any time. Masaya kaming nagkwentuhan at nagtawanan kasabay ng masiglang tunog na nililikha ng sound system. Since then, ganito na kami, hindi na namin namalayan na unti-unti nang nabuo ang samahan na ito, and I will never regret this, 'yung mga kasama ko sila, because this is one of my treasure.

Mula sa masiglang tunog, unti-unti itong napalitan ng madahan at romantic na kanta. Ang mga kalalakihan ay unti-unting inilahad ang kanilang mga kamay sa mga babaeng naririto upang yayain sa isang sayaw.

"Can I?" mahina niyang sabi na sapat lamang upang kami ang makarinig. Nakangiti akong tumango sa kaniya at tinanggap ang kamay niyang nakalahad. Nang makarating sa gitna, hinawakan niya ang aking bewang  at akin namang pinatong ang  kamay ko sa kaniyang batok.

Unti-unting gumalaw ang kaniyang mga paa at madiing tumingin sa aking mga mata. Sumabay ako sa bawat galaw niya habang hindi pinuputol ang aming tingin.

The song is really good. It's so calm, pero hindi ko ba alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit habang prinoproseso sa aking isipan ang nais iparating ng kanta.

Before it's too late,
I'll take a step away~

"I love you," mapantunaw niyang wika habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

I didn't respond. I also want to say that words to him, pero alam kong magiging mas mahirap.

"Ace," tawag ko sa kaniyang pangalan at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kaniya. "I want to break up with you."

Napatigil siya. Kumunot ang kaniyang noo at mababakas ang pagkalito sa mga nangyayari. Mahirap, mahirap bitawan ang mga salitang iyon sa taong nagmahal sa 'yo ng sobra, sa taong nagbigay sa akin ng dahilan upang magpatuloy na mabuhay. Pero. . . kailangan ko 'tong gawin, bago mahuli ang lahat, ayaw ko siyang masaktan.

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon