PAGOD NA

31 1 1
                                    

"Ugh!"

Damn.

Damn.

Damn!

"Down!" sigaw ni Coach ng tumunog ang timer, hudyat na nag-0:0 na ang time.

Kusa na lang bumagsak sa sahig ang katawan ko. The heat was strong enough to weaken my body even more. Due to the non-stop sequence of training, my body seemed to give up at any moment.

After the fifty round jogging, sampung sprint naman ang aming ginawa. Nagtungo rin kami sa mga jumping obstacle na talagang halos ikamatay ko na. We also enhanced our flexibility. Then mga techniques at ngayon pampalakas ng katawan ang ginagawa namin.

"Ayaw ko na," nanghihinang bulong ni Fatry, nakahiga at hinahabol ang kaniyang hininga. "Pagod na ako!"

"Ang—" Ramdam ko rin ang mabibigat na paghinga ko. "Taba mo kasi."

Nagawa ko pang magbiro habang ako'y nakahiga. Pero totoo naming mataba siya, sobrang laki ba naman ng hita't binti niya, isama mo pa 'yong tiyan niyang umaalog kapag nagjo-jogging kami.

"Epal mo, bro."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinulit ang ilang minutong break.

Speaking of break.

My mood suddenly shifted when I remembered the scene last night. Bigla napalitan ang pagod ko ng lungkot. Until now, I'm questioning myself kung tama ba ang ginawa ko.

Me and my girlfriend just broke up last night. I need some time and space for myself— to find myself.

For the past three years, it was her. Napapagod na akong pagnag-aaway kami sa kahit ano, ako pa rin ang mali. Napagod na akong palaging ako ang uunawa, susuyo at magso-sorry. Mahal ko siya pero napagod na ako na siya palagi ang nasusunod. Nakakapagod na palagi ko siyang sinusoportahan sa mga gusto niya pero never niya akong sinuportahan. And it's more than that.

Biglang nag-echo sa tainga ko ang huling salitang binitawan ko sa kaniya, "Mahal kita pero pagod na ako..."

"So kapag pagod ka na, titigil ka na?" Tumigil sa 'ming unahan si Coach. "Kapag pagod na ayawan na?"

Nagkatitigan kami ni Fat. Pareho kaming nakatikom ng bibig dahil mukhang narinig niya ang sinabi nito.

"Hindi porke pagod ka na ay susuko ka na. Kung hindi ka mapapagod, hindi mo matututunang magtiis at lumaban. Ang pagod, parte 'yan, saka pa lang magsisimula ang lahat kapag naramdaman mo ang hirap."

Then it hit me.

Hindi sagot ang pagsuko sa salitang 'pagod na' dahil hindi ka mapapagod sa bagay o sa taong mahal mo. And just like in a relationship, if you truly love someone, you'll never get tired loving her or him. Kahit ga'no man kahirap, hindi ka magsasawa. Kapag mahal mo, handa kang magtiis.

Pero sabi nga, lahat ng bagay may limitasyon. Tao lang tayo, napapagod. Hindi rin madali para sa 'kin 'to. Pero kasi, ang hirap pagpakirandam mo, ikaw lang ang mag-isang lumalaban.

And I guess, it's not a wrong decision to choose yourself over someone else, because you can't give someone the pure and whole love they deserve, if you can't give it to yourself first.

Hindi porket napagod ako ay itatapon ko na ang lahat. I have no regret because I know to myself that I gave her everything. Hanggang sa huli, minahal ko siya ng tama.

I never and I will never stop loving her. Pero ngayon, mas maganda muna siguro na mahalin ko muna ang sarili ko— buoin at hanapin ko muna kung sino ako. Beside by the end of the day, if we're really meant for each other, pipiliin at pipiliin pa rin naming makasama ang isa't isa.

At sana kapag okay na, pwede pa.

Kapag ayos na, sana ako pa rin. 

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon