I'M SAKURA BUT I'M NOT

152 20 8
                                    


More than 150 have been injured and at least 6 have died after the said Earthquake here in Hokkaido Japan with the magnitude of 6.7

¤¤¤

"Sakura ~ Sakura ~ Sakura," mahinang pagtawag ng isang boses ng babae sa aking ngalan. Parati ko itong naririnig at hindi ko alam kung saan ba ito nanggagaling o kung sino man ang nasa likod ng mga boses na iyon.

Bumangon na ako sa aking kama at agad na dumiretso sa kusina upang kumain ng umagahan.

"Oka-san (Mother), kayo po ba ang laging tumatawag sa akin kapag gabi o 'di kaya naman ay kapag natutulog ako?" tanong ko agad nang makaupo ako pero agad naman s'yang umiling. "Otosan? (Father)" sunod kong tanong pero same respond din ang natanggap ko.

Kung hindi sila, e sino? Kami lang naman ang nandito sa bahay. "Si ate Akari po?"

Sabay silang napalingon sa direksyon ko na may halong pagtataka.

Did I say something wrong?

"Ano ba 'yang sinasabi mo?" nakakunot na noong sabi ni papa.

"Bakit ho?" tugon ko naman na nagsisimula na ring magtaka.

"Akari ano ba? Naku, gutom lang 'yan, kumain na nga tayo," sabi naman ni mama na medyo natatawa.

Naguguluhan ako, tinawag ako ni mama na Akari? Pero. . .

"Bakit mo ba hinahanap ang sarili mo? At tinawag mo pang ate? Maybe, you just really miss your sister, Sakura," nakangiting wika ni papa. Ngayon, ako naman ang naguguluhan.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

"Ikaw si Akari," nang sabihin iyon ni mama ay parang bumagal ang huling salitang binitawan nya.

Ako si... Akari? Hindi! Ako si. . .

"Sakura, ako si Sakura."

"You just miss your sister."

"Bakit, nasaan po ba si S-sakura?" tanong ko kahit medyo nag-alinlangan akong bigkasin ang pangalan ko.

"Hindi mo ba natatandaan? Your sister died, dahil sa nangyaring lindol dito sa Japan, your sister, Sakura."

What the?! What did my mom said? My sister died? I died? Pero paanong ramdam kong buhay na buhay ako ngayon? Ano bang nangyayari?

"But I'm alive ma, it's me, Sakura? Hindi nyo ba nakikita? Buhay ako? Buhay na buhay!" nanginginig kong sabi.

Please ma, please pa.

"Ano bang nangyayari sa 'yo Akari? Me and your dad know, na sobrang naapektuhan ka sa nangyari sa kapatid mo, you almost give your life to her gamit ang sinabi mong pagpapalit ng kaluluwa, pero pinigilan ka lang namin, tapos ngayon nagkakaganyan ka na? 'Wag namang ganyan anak!" pasigaw na sabi ni mama habang may namumuong luha sa kan'yang mga mata.

Anong sabi ni mama? Pagpapalit ng kaluluwa?

Isa lang ang nakikita kong paraan upang malaman kung ano ba talagang nangyayari. Dali-dali akong pumasok sa kwurto at tumingin sa salamin.

"Akari," bulong ko. "Ate Akari?" naiiyak kong wika habang hawak ang kanyang mukha na ngayon ay pagmamay-ari ko na.

Hindi maari! Hindi pwede!

Bumagsak ang aking katawan sa sahig dahil sa bigat na nararamdaman ko.

Bakit n'ya 'yun ginawa?

¤¤¤

"Ate Akari, paglaki ko, pupunta ako ng Japan, ay hindi, pupunta tayo ng Japan kasama sina mama!" masayang masaya kong wika.

"Bakit naman Japan?" nagtatakang tanong ni ate Akari.

"Para makita ko na 'yung sinasabi nina mama na Cherry Blossom! Gano'n sa pangalan ko, Sakura," tugon ko na may nakaguhit na ngiti sa aking mga labi.

"Gusto ko rin 'yun! Pero baka matanda na tayo hindi pa rin natin nakikita ang Cherry Blossom," malungkot na wika ni ate Akari.

"Kapit lang ate, malay mo manalo tayo sa lotto? O di kaya naman lumago negosyo natin? O di kaya--"

"Oo na, oo na! Basta kung mawala man ako, sana ikaw ang maging mata ko para makita ang mga ito," wika ni ate, sabay yakap sa akin. "Gagawin ko ang lahat para makita mo ang pangarap mo."

¤¤¤

Pagbabalik ala-ala ko noong mga bata pa kami ni ate, noong mga panahong, kasama pa namin ang totoong siya.

Tumulo ang aking luha. Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit tumulo ang aking luha, siguro dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni ate Akari sa akin.

Buwan ng Abril, ito ang buwan kung saan ang mga puno ng Cherry Blossom ay namumulaklak, because this island has the coldest climate in Japan near the of April. Nakatayo ako sa ilalim ng makulay at napakaganda nitong mga dahon at nilalasap ang napakalamig na paligid.

"Kung sana ate, nandito ka," wika ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Bakit? Bakit mo ginawa 'yun? Diba sabay tayong pupunta rito? Diba ito ang pangarap natin? Pero bakit mo ginawa 'yun?"

"Dahil mahal kita, Sakura, and I will be always be your light, Akari," isang boses ng babae ang umagaw ng atensyon ko.

"Ate Akari!" sigaw ko at agad siyang niyakap. Masaya ako, masaya akong makita sya muli.

Umiyak ako, umiyak ako ng umiyak sa mga bisig nya. Ayaw ko syang bitawan dahil natatakot akong ... pagginawa ko iyon ay hindi ko na sya muling makikita.

"Masaya ako, Sakura," bulong niya sa akin. Sa mga oras na ito, ramdam na ramdam ko sa sarili ko na ako si Sakura, ang kaniyang nakababatang kapatid-- ang totoong ako.

"Ate Akari, ayaw ko, hindi ito sa akin, at hindi iyan para sa 'yo! Ako dapat ang mawawala! Hindi ikaw, ate, 'wag, please," pagmamakaawa ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Simula ngayon, Sakura, ikaw, ay magiging ako, at lagi mong tatandaan na lagi lamang akong nasa tabi mo. Alagaan mo ako at ang sarili mo," masaya niyang wika at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. "I will always be your light, Akari."

Then the next thing happened, unti-unti na syang nawala sa paningin ko.

Simula ngayon, habang buhay ako magiging isang taong hindi naman ako. . .

"I'm Sakura, but I'm not."

- xx -


TRIVIA ❤ Did you know. . .

• A cherry blossom is a flower of several trees of genus Prunus, particularly the Japanese cherry, Prunus serrulata, which is called SAKURA after the Japanese.

• Akari means light or brightness in Japan.

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon