MERCIFUL DEATH

31 6 3
                                    

---
"Do everything you want. Tie her and make sure na hindi siya makakatakas."

---

Napamulat ang aking mga mata dahil sa lamig na aking naramdaman mula sa tubig na binuhos sa akin para ako'y magising.

Same place, same dark place ang aking nakita matapos 'kong mawalan ng malay. Ang tanging naalala ko lamang ay may nagtangkang humampas ng ulo ko, at alam kong nangyari yoon dahil sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang bahagi ng ulo ko ngayon.

"Wake up," a familiar female voice said.

It's been a long time.

I did what she said at sinubukang paglabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa ulo ko ngunit hindi ko iyon magawa, masyadong masakit iyon upang mapaglabanan.

"Eat," she commanded.

This time, hindi ko iyon ginawa. I'm not a dog nor a cat para utos-utusan n'ya!

"Min, eat, please," utos niya ulit at alam kong nagpipigil na siya ng inis sa mga oras na ito. I knew her, very well. Hindi siya 'yung tipo ng tao na mahaba ang pasensya, kung ano man ang sabihin niya, you don't have a choice but to do it, kung ano man ang gusto niya ay gagawin niya at wala kang magagawa doon. She's such a brat and a rebel, but every person has a good side pa rin. For almost 20 years naming pagsasama, hindi ko maikakaila na napakabuti niyang kaibigan. We may be different from each other pero hindi ko inaakala na magiging malapit kami sa isa't isa, and, I never imagine and expected that we will also fall for the same guy.

"What is this all about, Arsha?" buong tapang kong tanong. She didn't respond, kaya inangat ko ang tingin ko at tumama iyon sa malalamig niyang mata.

"You are gone for almost a year. You didn't even dare to contact any of us who care about you," naluluha kong wika at diniinan ang salitang care. "You were nowhere to be found. I almost died thinking about you! I'm so worried about you like hell!" sigaw ko sa kaniya. "And we thought, you're dead."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Care." pag-uulit niya. "That won't happened kung sana hindi mo ako niloko," wika niya na may halong sakit.

"Arsha, hindi kita niloko! It was planned! I was black mailed by then!" pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Dahil ano?! Because you didn't want them to tell everyone that you cheated in order to pass the exam and be the cumlaude!" galit niyang tugon.

"Oo, inaamin ko, pero pinagsisihan ko na 'yon Arsha. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba? I can't lose my--"

"So you sacrifice our friendship!" pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Hindi ko lubusang maisip na kung sino pa 'yung taong pinagkatiwalaan mo ay siya pa ang sisira sa 'yo! Hindi ko inaakala na sa 'yo manggagaling ang mga salitang iyon!" galit na galit niyang wika at hindi nakatakas sa akin ang luhang pumatak sa kaniyang kaliwang mata.

"And that was also the day when Mavericks confessed his feelings to you," mapait siyang ngumiti matapos niyang sabihin iyon.

I don't know what to say. I cause many troubles, and even lose her trust. I remember that day and I saw Arsha was running away, na alam kong narinig niya ang lahat ng sinabi ko sa kaniya at nasaksihan niya ang lahat ng sinabi ni Mavericks sa akin. I can still remember that day because that day was also the day when Arsha got lost and nowhere to be found. Since that day, hindi ako matahimik. Hinanap namin siya ngunit hindi talaga namin siya mahanap then year passed, we thought she's dead.

It was all my fault. Alam kong nasaktan siya, at hindi ko man lang naisip ang maari niyang maramdaman at gawin bago ko binitawan ang mga salitang iyon. And yes, I love Mavericks and I also know that she loves him too.

"I'm s-sorry," iyon na lamang ang tanging nasagot ko sa kaniya at napatungo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. But, I can't deny na masaya ako, masaya akong makita ulit siya at malamang buhay siya. Ngunit alam kong nag-iba na ang lahat.

"I thought, it was me. I thought Mavericks likes, pero nagkamali pala ako," wika niya ulit. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong nasasaktan siya. "And congratulations, you two will now get married."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "How did you know?" takado kong tanong.

"I have an eye, everywhere, Min," nakakatakot niyang sabi na nagpatindig ng balahibo ko. "You need to pay me."

"Anything, just say it, Arsha," tanging naging tugon ko, after everything I've done, ano pa ba ang dapat kong itugon?

"Anything?" nakangisi niyang tanong.

Agad namang tumibok nang napakabilis ang puso ko. "A-anything."

"Death."

"W-what are you talking about?" nanginginig kong tanong. I never thought that anything will be such a dangerous and scariest thing.

At this moment, I cannot see nor feel the Arsha I met before since we were young. Alam kong may masama siyang side, ngunit hindi ko inaasahan na may mas hihigit pa roon.

She lean forward and whispers in my ear. "Don't worry, I will give you a merciful death."

Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nanginginig na rin ako dahil sa takot. "H-hindi magandang b-biro 'to Sha."

"Edi totohanin natin," nakakatakot niyang sabi. "Hindi nila malalaman ang pagkamatay mo, so you shouldn't be worried," ngumiti nanaman siya. "At, matutuloy pa rin naman ang kasal, but for the twist," sinandya niyang putulin ang sasabihin niya. "It's still you. . . but it's ME."

And with the blink of an eye, everything went black---

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon