DON'T FORGET TO BREATHE

10 0 0
                                    

I'm saying goodbye
To people and to places
That make me less than I can be
Don't care if I'm really me

                    ____________________

“Ang buhay ay weather-weather lang!” huling sambit ni kuya Kim.

Kilalang-kilala talaga ang mga katagang ‘yon. Sigurado ako, lahat narinig na ‘yon. Lahat naiintindihan ang kahulugan no’n. Miski ako, malinaw sa ‘kin.

Ang buhay natin ay parang panahon, lumilipas at pabago-bago. Hindi na nanatili sa iisang p'westo. Hindi na nanatili kung ano s’ya ngayon. Pero para sa ‘kin, ang buhay ay parang laro ng piring-piringan, kung sa’n nakapikit ang mga mata mo, tinatakluban ng dilim habang pilit mong sinusubukang ipanalo ang laro.

Nalaro mo na rin ba ‘to?

Naaalala ko pa kung pa’no ako pinagtulungan ng mga tarantado kong kaklase para maging taya sa larong ‘yan.

______

“Kyndrix, ikaw ang taya!” Sabay-sabay silang nagtawanan.

Hindi ko na nagawang makapalag nang takluban nila ng panyo ang mata ko. Hinayaan ko na lang na kainin ako ng dilim.

“’Yong ilong mo, mapapango!” Muli silang nagtawanan kaya napatawa na rin ako.

Mayamaya pa, nakaramdam na lang ako ng pagkahilo dahil imbis na limang ikot lang ang gagawin ay ginawang sampu ng gago kong kaklase.

Hindi talaga mawawala ‘yong isa mong gagong kaklase. P’wede ring lahat sila.

Umikot ang mundo ko kaya nag-intay muna ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa sarili ko. Hinanap ko sila.

“Walang aalis sa pwesto, mamatay ng maaga!” banta ko.

Naranasan mo na rin bang maglakad sa dilim? ‘Yong wala kang makita, hindi mo alam kung na saan ka na nga ba o may dulo ba talaga ang nilalakaran mo.

Bigla akong may nahagip na ulo.

“Huli ka balbon! Magdasal ka na,” natatawa kong sambit habang binababoy ang mukha ng kaklase ko para hulaan kung sino siya. “Clyde! Si Clyde ‘to sigura—”

“Mali!” Bigla na lang tumakbo ang mokong na nahuli ko.

Pag-ako pinagloloko ng mga ‘to, aabangan ko ‘to sa gate mamayang uwian.

Ngayon, hindi ko na gustong maging taya. Kung anu-ano nang nahihilamos sa mukha ko at nahahawakan; walis tambo, bunot, basahin, trash can, at iba pang putangina.

“Ang dadaya n’yo!” Walang umimik. “Hoy!” Muli, walang tumugon.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, tinagtag ko ang panyong tumataklob sa mata ko. Natigilan na lang ako sa hangin nang wala akong makita miski isang tao sa kanila. Wala na sila. Iniwan na nila ako dito… mag-isa.

____

At the very young age, I learned to understand everything around me. I tried to know what’s its purpose. Kahit pag-ikot ng electric fan, pangungulangot ng tao, o kung ano mang maisip ko. At gano’n din sa larong piring-piringan.

Ang buhay ay parang laro, kung saan ikaw ang taya. Madilim at hindi mo alam kung na saang parte ka na ba talaga ng iyong buhay. Sa gitna ba? Nasa hangganan ka na ba? O baka, nagsisimula ka pa lang…

Sa madilim na landas na ‘to, hindi mo alam kung tama nga ba ang tinatahak mo. At ‘yong akala mong ‘yon na pala, pero ang totoo ay hindi pala… parang katulad lang ‘yan ng pag-aakala ko kay Clyde, pero hindi pala siya ang taong hinahanap ko.

Hindi patas ang laro. Maraming pagkakataon na maloloko ka. Maraming pagkakataon na paglalaruan ka.  Katulad na lamang ng panghihilamos na ginawa sa akin ng mga kaklase ko ng tambo at iba pang bagay.

At sa dulo ng larong ito, kapag napagtanto mo ang lahat, malalaman mo na hindi lahat mananatiling na’ndyan sa tabi mo. Lahat umaalis at tanging sarili mo lang ang matitira.

Now I am free from any blindfolds. As I see the light, I know I am ready to try this thing we call life... fight off all the negatives, the worries and the doubts and don't forget to breathe.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon