MY LOVE DEATH

81 16 7
                                    

November 1, 2018

¤¤¤

Mag-isa akong pumunta sa sementeryo para dalawin ang aking pumanaw na ina, isang taon na ang nakakalipas. Sinisindihan ko ngayon ang posporong aking binili doon sa labas, at hindi ko alam kung anong masamang espirito ang meron dito dahil ayaw nitong lumingas o di kaya nama'y mahahanginan ito kapag nasindihan ko na.

"Ano ba 'yan! Mauubos na 'tong hinayupak na posporong 'to hindi pa ako nakapagsindi ng kandila," naiinis kong sabi. "Isa pa! Isang-isa pa!"

Muli, aking madahan na sinubukang paganahin ang posporo, at natuwa ako dahil nagawa ko ito. Dahan-dahan ko itong nilapit sa isa sa mga kandilang aking binili. "Dahan-daha--" halos tumigil nanaman ang mundo ko dahil namatay nanaman ang sindi nito. "Ay anak ng!"

Isang malakas na hangin ang dumaan na naging sanhi ng pagkapatay nito kasabay nito ang biglaang pagtalon ng puso ko dahil sa aking nakita.

"Holy!" mapanlalag panga kong sabi. Sino ba namang hindi mabibigla sa biglaang pagdating ng isang hindi mailarawang tao. Napakaputi niya! Ops! Hindi ito multo. Kundi, isa itong napakagwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw!

"Need help?" tanong niya. Ang gwapo ng boses n'ya! Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Mariin kong tiningnan ang mukha niya, mula sa mapupungay at itim na mga mata, matangos na ilong, maninipis at mapupulang labi, at magandang pangangatawan.

"Miss?" tawag nito kaya agad na akong bumalik sa huwisyo ko.

"Ahh, oo eh," sagot ko. "Kanina ko pa kasi 'tong sinisindihan kaso laging namamatay eh," dugtong ko pa.

"Let me," sabi niya at inabot ang posporong aking hawak-hawak. Pinagmasdan ko siya habang sinisindihan niya ang tatlong kandilang aking dala-dala. Napakadali lamang niyon sa kaniya.

Kinuha niya ang aking kamay na siya namang aking kinagulat. Dito ay kaniyang inilagay at binalik ang posporong kaniyang kinuha.

"There," nakangiti nitong sabi na mas lalong nagpadagdag sa kaniyang kagwapuhan.

"T-thank you," nauutal kong sabi.

Inabot niya sa akin ang isang kandila at sabay namin itong itinirik sa puntod ng aking yumaong ina.

Nay, ang lalaki bang ito ang papasko n'yo sa 'kin?

Nang natapos na namin ilagay ang mga kandila, ang lalaking tumulong sa akin ay nagpaalam na.

"Nice to meet you, pretty girl," nakangiti niyang sabi. Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Nilahad niya ang kamay niya at ganoon din ang ginawa ko.

"Nice to meet you too," nakangiti kong tugon at ginantihan din siya ng ngiti. Tumalikod na siya at nagsimula ng umalis.

Wait saglit! Meron pa akong hindi natatanong sa kaniya!

"Saglit!" sigaw ko at hinabol siya, nakakapagtaka man, bigla na lamang siyang nawala at di malaman kung saan nagpunta. "Itatanong ko pa naman sana ang pangalan niya," malungkot kong sabi.

Napatingin-tingin ako sa paligid dahil sa mga nagbubulungang tao.

"Sinong tinatawag niya?"

"Sinong kausap niya?"

"Hala! Nababaliw na ata ang babaeng 'yan!"

Rinig kong bulungan nila. Nagtaka naman ako dahil sa mga sinasabi nila pero mas pinili ko na lamang iyong hindi pansinin. Umalis na lamang ako at napagdisisyonan na umuwi na lamang. Hanggang sa napatigil ako sa isang malabahay na himlayan. Tanaw ko rito mula sa labas ang isang pamilyar na larawan ng lalaki. Nanindig ang aking mga balahibo kasabay ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I'm Ian Piedragoza."

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon