KAHIT KUNWARI MAN LANG

15 0 0
                                    

kahit kunwari man lang, sana sinabing ayokong kaibigan lang.

                         _______________

“I’m on my way to heaven,” I uttered on the phone. Then I heard her laugh.

How I wish I can be the reason of those  laugh and smile forever.

“Gonna hang up. You wouldn’t like it if I got into accident,” biro ko pa bago pinatay ang linya ng tawag.

I held the steering wheel tightly. Umigting ang panga ko at nilingon ang mga bagahe ko sa likod pati na rin ang plane ricket ko.

I sighed. “This is for us…”

I drove my car to their house. The wind pushed on the car to no avail. Minutes after, I arrived and the first I did was to go to her room.

Nakita ko siya sa harap ng kaniyang vanity table, masayang nakangiti. I should be happy for her, pero hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nanlulumo sa mga ngiti na ‘yon.

“Art! Na’ndyan ka na pala!” Binaba niya ang hawak-hawak niyang kwintas at sinenyasan ang nag-aayos sa kaniya na sandaling umalis. “Come here, help me.”

Mabibigat na paa kong tinungo ang direksyon niya. “Bukod sa damit mong fit sa ‘yo, marami mong bilbil at flat mong hinahanap, ano pong kailangan mo?”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Sa dami mong pupurihin, ‘yong ka-sexyhan ko pa talaga.”

We both laugh together. And I wish that I can brought her to other world with those laughter.

“You’re beyond beautiful…” I whispered at her back as I sat down behind her. “The wedding dress suits you very well...” I tried my best not to cracked my voice.

Mula sa salamin na nasa aming unahan, nakita ko siyang ngumiti. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin dahil ayaw kong makita niya ang nararamdaman ko ngayon.

“I have something for you.” Kinuha ko ang kwintas na nasa bulsa ko. “Don’t wear that.” I held her hand, the one holding the necklace. “Precious girl like you deserves a diamond worth more than anything.”

‘A diamond that could stay with you even If I’m gone,’ pagpapatuloy ko sa aking isipan.

Madahan kong kinabit sa kaniyang leeg ang kwintas na aking regalo. Nahirapan pa akong ikabit ito dahil pakiramdam ko, oras na lumapat ‘to… kailangan ko na siyang bitawan.

Napalunok ako. “Cy—”

“The wedding will start, Cyril!” Natigilan ako dahil biglang pumasok ang kaniyang make-up artist.

Napatayo ako sa aking pagkakaupo.

“After wedding na lang ulit kayo mag-usap ha,” dagdag pa nito bago hinila sa labas ang bestfriend ko.

No… there’s no after wedding…

Mabilis ko silang sinundan. Nang makita ko siyang papasok sa sasakyan na maghahatid sa kaniya sa simbahan, mahigpit kong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinatak siya papasok sa kotse ko.

“Art!” sigaw niya pero ‘di ko siya pinansin at pinagana na ‘agad ang makina ng aking sasakyan. “Art, ano ba? Ano’ng eksena ‘to?”

I looked at her slowly. “Hayaan mong ako ang maghatid sa ‘yo sa dulo… papunta sa taong mahal mo.”

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa byahe kami ay tuloy ang ngawa niya sa akin. Nakita ko rin na sinusundan kami ng pamilya niya.

They might be thinking I’m running away with the bride. Damn! If only I can do that, ginawa ko na ngayon. I’m willing to cross the underworld if that’s the only place no could find us.

“Art!” Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho. “Art…” biglang huminahon ang kaniyang boses kaya napalingon ako sa kaniya. “Ano ‘to? Bakit? Bakit ang dami mong gamit? And this.” Kinuha niya ang plane ticket ko. “The hell! Will explain to me what is happening?!”

“You don’t have to kno—”

“I deserve to know! Ano, aalis ka? At ngayon talaga? On my wedding day?” She sarcastically laugh. “Art, sagutin mo ako!”

“Nagmamaneho ako,” diin ko.

“Then stop the car!” Hindi ko siya pinakinggan. “Tangina, sabing itigil mo!”

Inagaw niya sa ‘kin ang manubela at mabilis na niliko ang sasakyan sa tabi. I have no choice but to stop.

“Now, tell me.”

“Mahuhuli ka na sa kasal—”

“Just answer my question! Ano, iiwan mo ako? Bakit ‘di mo sinabi—”

“Oo!” I cut her off. “I’m leaving, Cy…”

“Why—”

“Because I can’t watch you marrying a man that isn’t me…”

There… I said it.

“Art…”

Mabilis kong hinatak ang kaniyang kamay at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilang maluha.

“I’m leaving, Cy… And perhaps one day…” My voice was cracking. “We’ll meet again as characters in different story…”

“Art…” I heard her sobbing.

“And maybe we’ll share a lifetime then…”

Narinig ko ang pag-click ng pinto ng sasakyan ko, hudyat na nagbukas ito. The next thing happened, I wasn’t holding her anymore. Kinuha na siya sa akin ng pamilya niya. Naramdaman ko pa ang mahigpit niyang kapit sa kamay ko pero hindi niya rin nakayanang panlabanan ang tadhana.

Bumuhos ang luha ko. Pinagsusuntok ko ang manubela ng sasakyan ko.

I love her… but she love someone else…

Tuloy ang plano. I headed to the airport and as our cars drove separate ways, I know that it’s gonna be the end.

You know what’s the saddest love? It is the love that never happened. Sana kahit minsan, kahit kunwari man lang, sana sinabing ayokong kaibigan lang.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon