WALKED THROUGH HELL

10 0 0
                                    


And I just wonder what it'd take to make you stay

                       _____________

I’m in the coffee shop, together with my special someone. I am looking at his handsome face, aesthetically pleasing to view or look at. Hindi ko mapigilan mapangiti at 'eto naman siya, seryosong nakatingin sa aking mga mata.

"What is it?" tanong ko at hinawakan ang kaniyang kamay habang hindi pa rin tinatanggal ang ngiti ko.

"Pein," bigkas n'ya sa pangalan ko.

I respond with a smile.

"I, I l-loved you," seryoso niyang sabi kaya mas lumawak ang ngiti ako, pero, hindi ko matago na parang may mali sa sinabi niya. "And, and I d-don't want to h-hurt you," nauutal niyang wika.

Pinilit kong hindi magsalita. Hindi ko alam, sa tingin ko ay kailangan ko itong mapakinggan, at parang may nagsasabi sa akin sa mga oras na ito na hindi ko magugustuhan ang anumang maririnig ko.

"And please forgive me," halos pabulong na niyang wika. "I'm sorry if I can't fulfill my promise to be with you. . . forever." Hindi nakatakas sa aking mga mata ang luhang pumatak sa kaliwa niyang mata.

Hindi ko magawang makapagsalita, pakiramdam ko'y nang hihina ako at walang nagtatakang lumabas na mga salita sa aking bibig.

"I'm sorry Pein, but I want to end this."

END, salitang aking narinig na nagpabitaw sa pagkakahawak ko sa kaniya.

Parang bagsak ng ulan ang ginawa kong pagbitaw sa mga kamay niya at hindi na rin nagpakundangang bumagsak ang aking mga luha.

“E-End what?”

“This relationship.”

Everything went black and the only thing I can see was his eyes. Gusto kong hanapin do’n ang kasanungalingang sinasabi niya. After all we've been through, g-ganito? Ganito ang magiging dulo ng lahat?

Inipon ko ang lahat ng lakas ko upang makapagsalita. "W-Why?"

"Pein…” sambit niya at hindi magawang tumingin sa aking mga mata. "Hindi na ako masaya. Hindi… Hindi na kita mahal.”

Gusto ko siyang sampalin! Gustong gusto ko siyang sampalin sa mga oras na ito para magising siya sa kahibangan niya! Para magising siya na ako lang ang una at huli niyang mamahalin! Pero, pero hindi ko magawa, masyadong masakit, pakiramdam ko'y nadudurog ang puso ko, nawawalan ako ng lakas.

"I'm sorry," he said at agad na tumayo.

Pinigilan ko siya. “May i-iba na ba?” Para akong nagmamakaawang bata dito.

“Walang iba, sadyang hindi na lang ikaw...”

Iyon ang huli niyang sinabi habang unti-unti niyang kinakalas ang aking kamay sa kaniyang mga kamay. At habang ginagawa niya ‘yon, hiling ko na sana magkaroon ako ng lakas na huwag bumitaw at manatiling nakakakapit sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumalikod.

"Falling in love with you is like heaven.” He waited for my words. “But I never thought that ending up with you will be like hell."

After my last word to him, agad na siyang naglakad at umalis hanggang sa hindi ko na siyang matanaw pa. Pakiramdam ko, unti-unti na ring naputol ang koneksyon naming dalawa. Habang palayo nang palayo ang mga hakbang niya, tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha.

Sapat na dahilan ba ‘yon para tuluyang bitawan ang lahat ng mayroon kami?

Maybe the saying was right, that if it's meant to be, God will let it be. And me and him? Maybe the two of us are not meant for each other… not meant to stay and be with each other together… forever. Siguro... may mga tao talagang pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana. . . hanggang sa huli.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon