POTCHI

24 3 0
                                    

Sa pagitan nang pagtatagpo,
Ng matinding apoy at yelo,
Tanong sa sarili'y paano,
Yayakapin ka hanggang dulo?

Itinanong sayo, “Anong kulay ng potchi?”
Sagot mo nama’y rosas at puti.
Panibagong tanong sayo’y ibinahagi,
“Alam mo ba ang ibig sabihan nito?”

Pumintig iyong andap ng ilaw,
Magkahalong pagtataka ng ika'y mapukaw,
Pinilit kumapit na siya mo ring pagbitaw,
Di nakatiis, tano’y ano raw?

Mundong hinahaluan ng lamig,
Hinagkan pati aking bibig.
Mga oras na yaon puso'y lumigalig,
'Di alam ang ipapantig.

Hamog ang nagturo sa akin,
Hanapin ang daa't alamin,
Upang sayo’y masabi rin,
Sa pamamagitan nitong tulang sinalin.

Ibabalik ko ang una,
Apoy at yelo kanina,
Kulay puti'y yelo ang tadhana,
Apoy nama'y sa rosas na porcelana.

Nakukuha mo ba?
Kasi ako'y nakuha mo na.
Tayo'y dalawang elementong pinana,
Komplikadong laan ng phenomena.

- xx -

Walk To MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon