† † †
CHAPTER 9: NEW HOME
Carquirelle was awakened by the sunlight beaming across her eyes. She adjusted her sight to have a clear view of her surroundings. Sinuri nya muna ang paligid at agad na nagsalubong ang kilay nang mapansing hindi pamilyar ang kwarto na tinulugan nya.She was in a spacious room with a large bed. Mixed with a gold and white ambience.
She sat up and draw herself to the window. Tinignan niya ang kapaligiran sa labas at agad namangha sa gandang taglay nito.
Pinapalibutan ito ng luntiang kalupaan at mga sari-saring magagandang bulaklak. Right in the middle, there was a pond with bushes that looked like a fence in each corner. Namataan niya ang ilang tao sa ibaba na naggugupit ng halaman.
"Where am I?" she mumbled. Inalala niya ang mga nangyari kagabi bago siya napadpad dito.
It was all fresh in her mind. Tandang-tanda pa niya kung paano sya lokohin ng dalawang importanteng tao sa buhay niya. She never knew that she was deceived by them for a long time. Hindi niya inakala na magagawa siyang pagtaksilan ng lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya nang sobra.
Parehas lang siya sa mga lalaking manloloko! Tapos sa kapatid pa niya? Ang kakapal ng mukha nila!
Isang katok ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Sumunod ang boses sa kabila nito. "Kamahalan gising na ba kayo?"
Ano raw? Kamahalan?
"Pasok." Dahan-dahan namang bumukas ang pinto.
Nakatungong bumungad ang sa tingin niyang tagapaglingkod or servant dito base sa suot niya. She wore a black long dress with a white apron on top. Nakapusod ang buhok nito habang ang mga kamay nito ay magkadaop.
"Nais ko lang na ipabatid sainyo na hinihintay na kayo ng Mahal na hari upang mag-agahan."
"Mahal na hari?"
Ang tinutukoy ba nito ay ang misteryosong doktor na nagligtas sa kapatid niya.
Wait, he's a king? Akala niya doktor ito? Nananaginip ba siya or prank lang to?
"Hindi po ito panaginip kamahalan." sagot nito. Di nya napansin na nasabi niya ang nasa isip niya.
"Teka, bakit ba kamahalan ang tawag mo sakin? At paano ako napadpad dito?" Naguguluhan nyang tanong.
BINABASA MO ANG
THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]
FantasyAfter her parents passed away, she took on the responsibility of looking after her younger sister. She was able to balance her duties as a business owner and author in order to provide a better life for them. However, her life was turned upside dow...