---
† † †
Carquielle ran as fast as she could - nearly stumbling in her haste. She bolted to the parking lot, jumped into her car, and drove off without hesitation.
Matapos niyang matanggap ang tawag mula sa mga pulis, agad siyang nagtungo sa pribadong ospital kung saan dinala ang kanyang kapatid.
"Is this Ms. Carnala's sister?"
"Yes, ako nga! Who is this? Bakit nasa'yo ang phone ng kapatid ko?"
"This is Chief Go. I'm sorry, ma'am, but your sister got caught in an accident... Her car unfortunately fell off a cliff."
Halos mabitawan niya ang cellphone. The words echoed in her ears - each syllable cutting deeper.
Her heart pounded as she gripped the steering wheel. The cold night air seeped through the half-open window, but the chill biting into her skin couldn't compare to the fear clawing at her chest.
"Ngayon lang namin na-recover ang sasakyan niya. Dinala namin siya sa Hirsch Medical Hospital. We will investigate the incident... and call you if there's any sign of infiltration."
Pagkababa ng tawag, patuloy ang pag-agos ng kanyang luha.
---
"Nurse! Nasaan ang room ni Carnala Deladia? I'm her sister!"
"She's in the ER. Second floor, dulo."
Wala siyang inaksayang segundo. Her heart pounded, each step heavier than the last.
Tuloy-tuloy siyang lakad-takbo sa kahabaan ng hallway, wala nang pakialam sa mga mata ng staff na nakatingin sa kanya. Pagdating niya sa Emergency Room, agad niyang sinubukang buksan ang pinto. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok, bumukas ito mula sa loob.
Napahinto siya, muntik nang mabangga ang lalaking kaharap niya. Sa puting surgical gown at mask na natatakpan ang kalahati ng mukha nito, halatang siya ang doktor na tumingin sa kanyang kapatid.
"What is your relation to Ms. Carnala Deladia?"
Nagtagpo ang kanilang mga mata - malamig at walang emosyon ang kanyang tingin. Tila bumagal ang oras at nawala ang lahat ng tunog sa paligid.
"Miss?"
Napasinghap siya at mabilis na bumalik sa reyalidad.
"A-Ako po ang kapatid ng pasyente... Kumusta na po siya?"
She was clinging to hope - kahit suntok pa sa buwan ito.
"I'm sorry to ruin your hopes, Ms. Deladia... but your sister suffered a severe brain fracture. Kritikal ang lagay niya ngayon."
Parang gumuho ang mundo niya sa narinig.
"Gawin niyo po ang lahat, Doc... Ayokong mawala ang kapatid ko."
The doctor's ash-gray eyes remained stoic.
"We will."
---
Alas-onse kwarenta y singko ng gabi. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng walang-malay nyang kapatid. Tanging naririnig lang ang banayad na tunog ng heart monitor. Napapalibutan si Carnala ng benda sa ulo, tubo sa bibig, at iba't ibang aparato.
Ang lahat ng pagod niya sa trabaho ay napalitan ng bigat sa kanyang dibdib.
"Kung pwede lang... ako na lang sana ang nakaratay dito."
Si Carnala na lang ang natitira niyang pamilya. Kaya hindi niya kayang mawala ito.
Naputol ang pag-iisip niya nang biglang bumilis ang tunog mula sa monitor.
Beep... Beep... Beep!
Nanginginig ang mga kamay ni Carquielle habang pinipisil ang malamig na palad ng kanyang kapatid.
"Kakayanin mo ito, Carnala... Wag mo akong iiwan, ha?"
She closed her eyes, fighting back the tears - but then, the beeping quickened.
Lalo syang nataranta at tumayo para tawagin ang doktor pero bago pa siya makarating sa pinto, biglang bumukas ito.
Pumasok ang doktor - wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha nito.
"Doc... my sister! Save her!"
Lumapit ito sa kama, tila sinusuri si Carnala. Pero imbes na pag-aalala, malamig ang boses nito.
"All people were born to die, Ms. Deladia."
"A-Ano?" Gulat nya sa narinig.
"You see... her body is slowly deteriorating. The scent of her soul is weakening. If I were you... I'll just accept the fact that she'll die sooner... or maybe... right now."
Napuno ng luha ang kanyang mga mata at nanikip ang bagang niya. Hindi niya napigilan ang sarili at malakas na sinampal ang lalaki.
"Ano bang klase kang doktor?! You should save lives, not tell people to give up! Doktor ka ba talaga?!"
Dahan-dahang tumalim ang tingin ng lalaki. Bahagyang kumibot ang panga nito at humigpit ang kamao ngunit nanatili itong kalmado.
"You want me to save your sister?"
Napalunok siya, ramdam ang kilabot sa boses nito.
"Fine. I'll extend her life... but what can you offer?"
"I can pay... Kahit magkano! Sabihin niyo lang kung magkano!"
Ngunit tumawa ito - isang malamig at mapang-uyam na halakhak.
"I don't accept money, Ms. Deladia."
Hindi niya namalayang nakakulong na siya sa pagitan ng magkabilang bisig nito.
"P-paano-"
Napalunok siya, naramdaman ang malamig na kamay nitong dahan-dahang gumapang sa kanyang pisngi.
"Souls are worth far more than money."
Beep... Beep... Beep!
Lalong bumilis ang tibok ng puso ng kapatid. Napalingon siya kay Carnala na nanginginig na sa kinahihigaan.
"Please... gagawin ko ang lahat... pagalingin mo lang siya. Nagmamakaawa ako."
A smirk slowly tugged at his lips.
"I will give her a chance to live... but there is one condition."
"A-Ano 'yon?"
Hinawakan nito ang kanyang baba, pilit na itinatapat ang tingin niya sa malamlam nitong mga mata.
"Be my bride."
BINABASA MO ANG
THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]
FantasyAfter losing her parents, Carquirelle devoted her life to caring for her younger sister - the only family she had left. Balancing the demands of running a business and writing novels, she worked tirelessly to secure a better future for them both. Bu...
![THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/223802796-64-k533279.jpg)