† † †
CHAPTER 4: TIRES
"Hindi mo ba gusto ang in-order ko sayo?" bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses ng kaniyang nobyo. Kanina pa pala siyang tulala at pagala-gala ang isip. Nakalimutan niyang nasa isang date ang dalawa.Jordin came by to her office and asked her on a date. Gusto nitong bumawi at ituloy ang naudlot nilang date dahil sa muntikan niyang pagkabangga.
"Yes, ofcourse. Bakit mo naman natanong?"
"Kanina mo pa kasi hindi ginagalaw ang pagkain mo. I sensed that there is something bothering you." sabay hawak sa mga kamay nito. "May masakit ba sa'yo? I told you to rest for the meantime dahil baka makaapekto sa katawan mo ang nangyari kahapon."
Umiling ito. "I'm fine Jordin, really fine. Nalulungkot lang siguro ako para sa anak ng congressman."
"You mean the death of Ariel Surf Legazpi?"
She nodded. "Feeling ko may kasalanan ako sa nangyari."
"If this is about the incident she caused to your restau, don't blame yourself. Wala kang kasalanan sa nangyari. She was long depressed and you don't need to feel guilty about it."
Hindi niya alam kung saan nalaman ng nobyo ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Ariel. Siguro nabanggit ito ng mga empleyado niya sakaniya.
She let out a heavy sigh at tumingin sa glass wall na kitang-kita ang mga tao't sasakyan na dumadaan. Once her eyes landed on a woman with a blond hair, she remembered what Girley told about her.
Mabilis niyang binalik ang paningin kay Jordin na ngayo'y pasubo na ng pagkain. "Naalala ko, may nakapagsabi sakin na nakita kang may kasamang babae one week ago. Is that true?"
Bigla naman itong nabulunan at agad na kinuha ang isang baso ng tubig. Wala pang ilang minuto nang mahimasmasan ito.Carquirelle noticed him and seemed uneasy for a moment. Then he cleared his throat. "Who told you that?"
"Hindi na 'yon importante. Now you answer my question. Totoo bang may kasama kang babae, blond ang buhok, suot ang jacket na regalo ko sayo at dinala mo sa motel?" I emphasized the last word-eyeing him.
He slightly gulped as she wait for his explanation. Tinago naman ng dalaga ang kaba sa maaaring sabihin nito sakaniya. Jordin has been honest with him since then. Kaya tatanggapin niya kung anong sabihin nito.
Huminga ito ng malalim. "Yes."
Bumagsak ang balikat niya. Tila tinusok ng libo-libong karayom ang puso niya. Ang marinig sa mismong bibig ng nobyo ang katotohanan ay mas masakit kaysa marinig sa sariling kaibigan.
Nagbaba siya ng tingin. She doesn't know what to say. Her mind was mentally blank. Ang hirap lang tanggapin na magagawa iyon ng mahal at pinagkakatiwalan mong tao.
"B-b-but nothing happened that night. I-I swear wala talaga." agap nito na mabilis kinuha ang mga kamay niya. "At isa pa, hindi ko 'yon magagawa sa sarili kong p-pinsan."
Nag-angat siya ng tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nakita niya ang pag-aalala at takot rito. "Pin...san?" mabagal niyang sambit.
"O-Oo. She's my cousin."
Mapakla siyang tumawa. "Pinsan, really?" sarcastic niyang tugon. "I know all your cousins Jordin. At lahat ng pinsan mo ay lalaki! Kung may pinsan ka mang babae ay sanggol pa, five months specifically!"
BINABASA MO ANG
THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]
FantasyAfter her parents passed away, she took on the responsibility of looking after her younger sister. She was able to balance her duties as a business owner and author in order to provide a better life for them. However, her life was turned upside dow...