†THKB 3: The Underworld

4.8K 129 13
                                        

†††
CHAPTER 3: THE UNDERWORLD

"Patayin mo nga 'yang phone mo! Magigising si Carq!"

"E 'di mabuti. Dalawang araw na siyang walang malay."

"Conrado, patayin mo na 'yan bago ikaw ang patayin ko."

Maputi.

Nakakasilaw.

Unti-unting bumalik ang kanyang kamalayan. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang magulong boses ng kanyang mga kaibigan-may nag-aaway, may nagtatawanan, at may walang tigil sa pang-aasar.

"Bakit ba ang high blood mo, sis? Hindi naman kita pinapakialaman. Nanonood lang naman ako."

"Cony, hindi kita masisisi kung bakit naiinis si Miles. Kung gusto mong manood ng porno, mag-earphones ka."

Kasabay ng sermon ni Joica ang malakas na halakhak ni Girley.

Mabigat pa ang kanyang mga talukap. Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit pinilit pa rin niyang imulat ang mga mata.

"What? Eh hindi pa ako nadidiligan ngayon, kaya nanonood muna ako."

Dahan-dahan niyang ibinaling ang ulo sa kanan. Doon niya nakita si Cony na komportableng nakaupo sa silya habang taas-kilay na nakatingin sa mga kasama.

"Of all places, dito ka pa talaga nanood?" sita ni Joica.

"Kung gusto mo talagang madiligan, nandito naman ako. Hindi lang dilig, ready to harvest pa."

"Ew! Talong ang hanap ko, hindi tahong."

Hindi niya napigilang mapangiti. Mahina siyang natawa, ngunit sapat iyon upang mapansin ni Miles.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Gising na si Carq!"

Agad na nagsilapitan ang kanyang mga kaibigan.

"Thank God! Nagising ka na rin," ani ni Joica habang halatang relieved.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Nahihilo ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Miles.

Mahina siyang umiling.

"Bakit ako nandito?" paos niyang tanong. "A-Ano bang nangyari?"

"Hindi mo ba maalala?" tanong ni Girley.

Napapikit siya habang pilit inaalala ang mga huling nangyari.

The last thing she remembered was walking toward her car. Naghihintay si Jordin sa bahay nila dahil may date sila nang gabing iyon.

Pero bago pa siya makarating sa sasakyan, may narinig siyang malakas na sigaw.

Paglingon niya...

Isang rumaragasang truck ang halos sumalpok sa kanya.

Akala niya, iyon na ang katapusan.

Pero may isang taong biglang sumagip sa kanya.

At ang tanging malinaw niyang naaalala...

ang snake tattoo sa leeg nito.

"Y-Yung lalaki..." mahina niyang sambit. "Nasaan siya? Siya ang nagligtas sa'kin."

Nagkatinginan ang apat.

"Feeling ko siya 'yung tinutukoy ng taxi driver," sabi ni Cony. "Ayon sa kanya, may isang lalaki raw na buhat ka nang ihatid sa taxi. Siya rin ang nakiusap na dalhin ka agad dito sa ospital."

"Anong itsura niya?"

"Unfortunately, hindi na raw niya maalala. Masyadong mabilis daw ang nangyari. Basta pinara lang siya, isinakay ka sa backseat, tapos umalis na rin agad 'yung lalaki."

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon