†TDKB 39: Abduct

1.1K 32 0
                                    

† † †
CHAPTER 39: ABDUCT


The wagon carriage jerks slightly as they cross a rough road. Carquirelle was awakened by this motion as the small light fled through the small hole in the roof cloth.

Inalala nya ang mga nangyari kagabi. Lumaki ang kaniyang mga mata nang matandaang dinakip pala silang dalawa ni Jude.

Biglang may gumalaw sa kanyang braso. Hagkan niya ang bata habang ito'y mahimbing na natutulog.

"Gisingin mo ang batang iyan. Malapit na tayo." Maawtoridad na sabi ng lalaking dumukot sakanila.

Marahan naman nyang tinapik ang pisngi nito. "Jude wake up."

Unti-unti naman nitong minulat ang mga mata. Her eyes glinted with relief and hugs her tightly. "Ate Clementeen."

She gently stroke her hair. "Are you okay? May masakit ba sayo?"

Umiling naman ito at saka dumapo ang mga mata sa lalaking nagbabantay sa bukana ng bagon na ito. Nakatingin lang ito sakanila ng walang ano mang emosyon sa mukha.

Jude suddenly hide her face under her arms. "I'm scared ate."

"Don't worry i'll protect you. Hindi kita iiwan." pagpapakalma nya sa bata.

Wala siyang ideya kung ilang oras na ba silang nakasakay dito o kung na saang lugar na ba sila. Ang pader at bubong nito ay natatakpan ng tela. Maging ang labasan o pinto ng bagon.

Base sa liwanag na umaalpas sa maliit na butas sa tela, masasabi nyang kakasapit lang ng umaga. Dahil hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.

Ang tanging ingay na maririnig lang ay ang mga paa ng kabayo at gulong ng bagon. Medyo malubak ang daan kaya umuuga ito.

"Makinig kayong dalawa." litanya ng lalaki. "Pagkapasok natin sa lagusan, kailangan nyong umakto nang normal. Kapag tinanong kayo, ang tanging sasabihin nyo ay kayo ay mga ligaw na nais nyong manirahan sa mundong ito. Kami na ang bahala sa iba. Naiintindihan ba ako?"

"Paano kung tumutol kami?"

Then suddenly he pulled a knife inside his pocket. "Kung hindi ibabaon ko sa lalamunan niyo ito."

Carquirelle move backwards as she covered Jude with her body. Pinatigas nya ang tingin at hindi pinahalatang natatakot. Pinatatag nya ang loob. "At pagkatapos?"

"Ititikom nyo ang inyong bibig hanggang sa makarating tayo sa boss namin."

Nakinig nalang ang dalaga. She won't risk their lives disobeying this man. Wala siyang hawak na armas laban dito. At bukod pa ron, may kasama siyang bata. Mahihirapan talaga silang makatakas sa mga kamay nito.

The wagon stopped. Unang bumaba ang lalaki saka sila sinenyasan na sumunod din. Hawak nya sa mga kamay ang bata habang sila'y humahakbang papalabas.

The sun and wind touches their skin. She scanned the surroundings and observed few people were being taken away with their cuffs on.

"Lakad!" Sabay hila sa braso nito.

They came to a halt in front of the wide and large iron gate. It burst open, making a loud vibrating noise.

"Ate nasaan tayo?" fear crossed her face.

"Hindi ko rin alam." she pressed her small hand. "Don't leave my side, okay?"

Tumango ang bata.

May mga nakabantay na animo'y militar sa tarangkahan nito. Nakipagsaludo ang lalaki sakanila o di kaya ay tumango.

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon