†THKB 2: Snake Tattoo

5.4K 156 13
                                        

† † †
CHAPTER 2: SNAKE TATTOO

Tulala lamang si Carquirelle habang nakasandal sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina.

Hindi niya alintana ang nakakabinging katahimikan sa paligid. Malayo ang kanyang isip.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga salitang binitiwan ng kanyang mga kaibigan tungkol kay Jordin.

Yes, he had been distant lately.

Mas malamig.

Mas tahimik.

Mas bihira na rin itong maglaan ng oras para sa kanya.

Pero sapat na ba iyon para sabihing may iba na ito?

Hindi.

Ayaw niyang maniwala agad.

May tiwala siya sa kanyang mga kaibigan at alam niyang wala silang dahilan para magsinungaling. Ngunit naniniwala rin siyang baka may ibang paliwanag ang lahat.

Maybe...

Maybe the girl just needed help.

Maybe she had nowhere else to stay, and Jordin was simply being a gentleman.

Hindi naman ibig sabihin na kapag pumasok ang dalawang tao sa isang motel ay may masama na agad na nangyari.

They could've just rested there...

Right?

Napahilot siya sa kanyang sentido.

Hindi na niya alam kung pinagtatanggol ba niya si Jordin...

O niloloko na lamang niya ang sarili.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto.

"Come in."

Agad na pumasok ang isa sa kanyang mga empleyado. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ma'am..." kinakabahan nitong panimula. "May customer pong nagwawala sa dining area. Si Hency po ang pinag-iinitan niya."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"What happened?"

"Kahit si Manager Ran po, hindi siya mapakalma. Binabastos na niya lahat ng sumusubok umawat."

Mariin siyang napapikit.

"Explain."

Huminga muna nang malalim ang empleyado bago nagsalita.

"May isang customer po kasing tahimik lang na kumakain. Gwapo po siya..." sandali itong natigilan bago bumalik sa seryoso nitong tono. "Tapos biglang may babaeng lumapit sa kanya at hindi siya tinigilan."

Habang ikinukuwento nito ang nangyari ay tahimik lamang na nakinig si Carquirelle.

"Hinahatid na po sana ni Hency ang order ng lalaki nang biglang masagi ng babae ang tray. Natapon po ang pagkain sa damit niya."

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon