† † †
CHAPTER 40: BIDDING
Kung titignan sa harapan at loob ng warehouse aakalain mong simpleng lugar lang ito na ginawang club na pinupuntahan ng mga tao upang magsaya, uminom at mag-enjoy. Ngunit sa ilalim nito ay nakatago ang illegal na bentahan ng mga kaluluwang dinakip sa iba't bang lugar-sa loob man o labas ng mundo.Ang mga awtorisadong nakakapasok dito, bukod sa mga trabahador, ay mga taong may matataas na katayuan sa lipunan. Ang kanilang pakay ay kumuha ng alipin sa pamamagitan ng pagbili sakanila.
Magkaroon ng bidding auction mamayang gabi. Paniguradong magdadagsaan sa pagpunta ang mga kilalang mayayaman at iba pang honorable person.
May binigay sakaniya si Casimiro ng isang maliit at parisukat na device na may 60 seconds na nakalagay sa screen nito. Ayon sakanya ito raw ay bomba na binigay sakaniya ni Taimus-ang kaibigan nyang nagdala sakaniya rito.
Ang kailangan nyang gawin ay itapon ang bomba sa lugar na hindi maaapektuhan ang mga inosente. Mahirap ito gawin dahil hindi niya kabisado ang lugar.
This bomb will be used as a distraction. Casimiro have the key on his hand to escape in his cell. But he planned to get everyone to be freed from the warehouse. So it will be activated when the bidding starts. Nasa binata ang button para magsimulang umandar ito.
She must implant the bomb somewhere that will catch their attention. Kailangan niya itong gawin bago magsimula ang bidding.
Nagsisimulang dumilim na ang kalangitan. Palagay niya ay nasa ala sais na ng hapon. The bidding starts at 9:00 pm. Casimiro will detonate the bomb at that time. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan upang makalabas dito.
Napahinto siya sa pag-iisip nang may dumaang tagapagbantay. "Ginoo!"tawag nito.
Huminto ang lalaking may espada sa tagiliran nya at lumingon sakaniya. Maaari ba akong gumamit ng palikuran?"
Sandali siya nitong pinakatitigan. Kita sa mga mata ang pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sakanya. Ginawa niyang maamo ang mukha upang magpaawa rito. "Hindi ako tatakas pangako."
The guy averted his eyes which means she won. "Papayagan kita. Ngunit kapag sinubukan mong tumakas, kahit babae ka pa kaya kitang patayin."
Peke siyang ngumiti at saka tumango. Dinukot nito ang susi sa kaniyang bulsa. He unlocked the cell as she stood up. Mabilis naman siya nitong hinawakan sa braso at hinila papalabas ng selda.
Tahimik lang siyang naglalakad habang ineeksamin ang kapaligiran. Sa kahabaan ng bahaging ito ng piitan ng mga bilanggo may dalawang kawal na nagbabantay-isa sa unahan at likuran.
Pumihit sila sa kanan at bumungad sakanila ang malawak na hallway. Dumapo ang kaniyang mga mata sa kanang bahagi niya. May malaking double door dito. Naintriga siya rito kaya tinanong nya ang kawal.
"Ano ang silid na iyon?" tingin nya rito.
"D'yan gaganapin ang bidding mamaya."
May nabanggit kanina na dadalhin si Jude sa isang silid upang ayusan sya para mamayang gabi. Posible kayang tama ang nasa isip niya.
"Ang batang kasama ko kanina dadalhin ba sya roon?"
"Oo. Mamaya isasalang na siya upang ibenta sa mga mayayaman."
Na ikuyom niya ang kamao sa kabila ng nakagapos dito. "Pero masyado pa syang bata! Bakit hindi nalang ako? Ipalit nyo ako!"
"Hindi maaari. Mahigpit na binilin sa amin na huwag kang isama sa bidding dahil magiging pakinabang ka sa boss namin."
BINABASA MO ANG
THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]
FantasyAfter her parents passed away, she took on the responsibility of looking after her younger sister. She was able to balance her duties as a business owner and author in order to provide a better life for them. However, her life was turned upside dow...