†TDKB 33: ANGER

1.4K 38 1
                                    

† † †

CHAPTER 33:  ANGER

Tunay ngang ang lubos na kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan. Ang masaganang buhay ay may palaging balakid na paparating. Everything has an end. You never know what will happen in the future. Masyado siyang naging kampante. Nakalimutan niyang kahit saan ay may nakakabit na panganib.

Hindi niya alam kung paano siya rito nakarating sa isang madilim at malamig na lugar. Nagising na lang siya sa mahinang boses na umuusal ng salitang hindi nya maintindihan.

Bumangon mula siya sa pagkakahiga sa malamig na sementong sahig. Nag-aagaw ang liwanag at dilim na nanggaling sa maliit na rehas na bintana na siyang naging munting ilaw sa lugar.

Inobserbahan niya ang paligid. Nakita niya ang bakal na rehas sa kanyang kaliwa na kung saan nagkukulong sakanila. Hindi siya nag-iisa. Sa tapat nang bintana, nakaluhod ang isang babaeng nakaputing bistida. Nakapikit ito at magkadaop ang mga palad habang umuusal ng panalangin. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil ibang lenggwahe ang binibigkas niya.

Inalala niyang muli ang oras bago siya nawalan ng malay. Sa pagkakatanda niya, ngayon ang araw ng bridal shower nya at bachelor party ng binata. Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan nang may isang tagasilbi ang nagsabing ipinatatawag siya ni Heath.

Matapos niyang pumunta sa hardin ay nakita nga niya ang binata. Ngunit may ginawa ito na syang nagpawala sakanya ng malay. Pagkatapos nandito na siya sa lugar na ito.

Satotoo lang natatakot na siya sa nangyayari. She have no idea why she was here. Sana panaginip lang ito at kinabukasan gigising siya ng may ngiti sa labi dahil hindi ito totoong lahat.

If this is real, Heath would be so furious. He would go ballistic again if he didn't see her at his sight. Lubos itong mag-aalala sakanya kapag nalaman niyang nawawala siya.

Napansin niyang huminto na ang babae sa kanyang ginagawa. Mula sa pagkakaluhod ay sumalampak itong umupo. Habang nanatili ang likod nito sakanyang harapan.

She cleared her throat.

The girl just raise her head for her response. Tahimik lang ito sa kanyang kinalalagyan. “Ako nga pala si Carquirelle. Gusto ko sanang malaman kung na saan tayo?"

Hindi ito sumagot. Bumagsak ang kanyang balikat. Tinignan nyang muli ang bawat sulok ng selda at naghanap ng maaaring labasan. To her dismay, everything was tightly locked. No sign of place to escape.

“Hindi ko rin alam." biglang sagot ng babae. Nanatili siyang nakatalikod sakanya.“Ano ang iyong ginawa upang mapadpad ka rito?”

“Wala akong ideya. Basta pagkagising ko nalang nandito na ako.” then she hugged her knees. “Ano ba ang lugar na ito?”

“Kulungan ng mga inosenteng nilalang."

Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig. “Bakit sila nakakulong kung wala naman silang ginawang masama?”

“Dahil ang namamalakad dito ay masahol pa sa hayop. Ipinapatapon niya rito lahat ng mga taong nabayaran siya para gawin ito. May mga nilalang na may nabubulok na ugali na siyang handang maglabas ng salapi upang maitago ang kanilang mga baho at isisi nila ito sa iba."

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon