TCPMTG// 112

70 2 0
                                    

Tylere POV

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa malamig na tubig na sinaboy nila sa akin. Nanghihina na ako at ang buong katawan ko ay masakit dala ng bugbog at sipa na natamo ko sa kanila.

''Ituloy niyo lang." Sabi ng isang lalaki na nakaupo sa isang silya. Madilim ang parteng iyon kaya hindi ko makita ang mukha nito tanging ang kulay puting slack lamang nito ang naaninag ko.

''A-Ano ba ang kasalanan k-ko sa inyo?...M-Mga gago kayo.." sabi ko habang sinusubukan tanggalin ang tali ko sa kamay.

''Isa lang naman ang kasalanan mo." Sabi ng lalaki kaya nangunot ang aking noo.

''Sabihin m-mo sa akin kung ano ang nagawa ko."

Natahimik ito saglit saka nakita kong pinagkrus nito ang binti saka muling humithit sa hawak nitong tabako.

''Nang dahil sa'yo nagulo ang tahimik na buhay ng anak ko." Sabi nito na maslalong ikinangunot ng aking noo. Naguguluhan ako sa sinabi niya, sino ba ang anak ng hayop na'to?

''H-Hindi kita maintindihan... At wala akong ginugulong buhay ng ibang tao maliban kay---" Natahimik ako at agad na naalala si Yuri. Inaamin ko, dahil sa akin nagulo ang tahimik na buhay ni Yuri. Nang dahil sa akin nakaramdam siya ng takot at pangamba. Nang dahil sa akin ay ilan beses din siyang napahamak at nadamay.

''Tama ka. Ginulo mo ang buhay ni Yuri.. ang buhay ng anak ko."

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Umawang din ang aking labi. Umiling ako ng umiling, naguguluhan talaga ako sa aking nalaman. Noong panahon kakikilala ko lang kay Yuri ay gumawa ako ng background check tungkol sa kanya. At ayon sa nakuha kong impormasyon ay matagal nang wala ang ama nito. Paanong nangyari na ang isa sa mga nasawi noon sampung taon na ang nakakaraan ay nandito at kaharap ko ngayon.

''I-Imposible! Isa ka sa mga nasawi noon hindi ba?!" Sigaw ko sa kanya habang inalala ang mga nangyari noon. ''Isa ka sa mga nasawi sa nangyaring aksidente noon."

Humalakhak ito na parang nababaliw pagkatapos ay tumahimik.''Mali ka hijo.. Ang lahat ng nasa balita sa telebisyon, sa radyo at sa newspaper ay planado haha!!"

''A-Anong ibig mong sabihin?!"

''Namatayan ka ng taong malapit sa'yo hindi ba?"

''May kinalaman ka ba do'n ha?! May kinalaman ka ba sa pagkasawi ng mga inosenteng tao?!" Agad akong sumuka ng dugo dahil sa malakas na pagsipa ng isa nitong tauhan sa aking sikmura.

''Hindi naman sila madadamay kung nanahimik na lang sana sila at hindi nakialam."

Lalong nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Anong ibig n'yang sabihin? ''Hindi kita maintindihan--"

''Tingin mo sasayangin ko ang oras ko para ipaliwanag sa'yo ang lahat." Sabi nito saka mahinang tinapik nito ang semento gamit ang kanyang tungkod dahilan para gumawa iyon ng ingay.

''Uno!" Narinig kong sigaw nito. Nakita ng aking mga mata ang isang lalaki na lumapit rito. ''Kill him." Narinig kong utos nito sa lalaki. Agad akong naalarma at pilit na kinakalas ang tali sa aking mga kamay. Sh*t! I can't accept the fact that this is the end of me. Not now, hindi pa nila nakakamit ang nararapat na hustisya.

Mula sa madilim na parte ay naaninag ko ang isang bulto at naglalakad ito papalapit sa akin. Huminto ang lalaki isang metro ang layo nito sa akin. ''You can't kill a villain like me." Bulong ko saka pilit pa rin kinakalas ang tali sa aking mga kamay. Nakatayo lamang ito sa aking harapan hanggang sa itinutok nito ang baril sa akin mukha.

''This is your last day, Reizon." The man said and he pulled the trigger. ''Tsk, I feel sorry for her. She will never forgive me once na nalaman niyang ako ang bumaril sa'yo." Bulong pa nito kaya napangisi naman ako.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon