TCPMTG// 104

73 2 0
                                    

Ice POV

''Tulong!!"

Natigilan ako matapos marinig ang boses na 'yon. Agad kong binaril ang kalaban na nasa aking harapan saka ko binalingan ng tingin si Shon. Napatango naman siya sa akin saka sumunod.

Tinakbo namin ang madilim na bahagi ng underworld kung saan ko narinig ang boses na iyon.

''Narinig ko kanina ang boses ni Kristof sa earpiece. He's asking for back-up." Paliwanag ni Shon na agad ko naman tinanguhan.

Ilan sandali pa ay nakita ko na si Kristof kasama nito ang isang babae. Hinihingal ang dalawa dahil sa pagod sa pakikipaglaban.

Napatingin ako sa mga dalaga na nakaupo sa sahig. Tsk, they're all useless.

''Red!" Napatingin ako kay Kristof matapos n'yang tawagin ang code name ko. Ngunit agad na nabaling ang aking paningin sa kapatid nito na nakatitg sa akin. Animo'y inaalam ang aking pagkatao.

''Sino kayo?!" Tanong sa amin ng apat na kalaban.


''Wrong question." Sabi ko saka inilabas ang dalawang baril. Itinutok ko iyon sa mga kalaban.
''Sino gustong mauna?" Bored na tanong ko sa kanila. Nakita ko na napa-atras ang isa sa kanila kaya agad kong itinutok ang baril sa lalaki.

''F*ck! Sh*t!" Sigaw nito matapos kong barilin ang kanyang paa. ''Hayop kayo!" Dagdag pa nito. Napayuko naman ako at tinitigan ito sa kanyang mga mata.

''Matagal na." Ngumisi ako matapos sabihin iyon sa kanya. Ipinasok ko ang baril sa kanyang bunganga saka ngumisi.

''Huwag!" Napatingin ako dun sa babaeng nakatitig sa akin kanina. Nakikita ko ang awa sa kanyang mukha. Kaya maslalong lumawak ang ngisi sa aking labi.

''You pitty him?" Tanong ko sa babae. Umiling naman ito sa akin saka dahan-dahang tumayo. ''Then what?" Tanong ko ulit sa dalaga. Lumapit ito sa akin at tumayo sa aking harapan.

''Hindi mo kailangan pumatay ng tao para lang mailigtas kami." Sagot nito saka tumalikod sa akin at hinarap ang natitirang kalaban.

Nanlaki ang aking mga mata matapos nitong sipain ang ilong ng dalawang kalaban. Dahilan para magdugo ang ilong ng dalawa at mawalan sila ng balanse.

''Shania, give me your shoes." Utos nito sa kaibigan. Hinagis naman nung babae ang sapatos nito. Nasalo naman iyon ng dalaga at malakas na pinukpok ang nuo nung mga kalaban dahilan para mawalan ng malay ang mga ito.

''Good night, parasites." Ani nito saka tumayo at nakangiting humarap sa akin. ''Ang galing ko di ba!" Sabi pa nito saka lumapit at ini-angat nito ang dalawang kamay para makipag-high five sa akin. Napatitig naman ako sa kanya saka ngumisi.

Hindi naman ako nakipag-high five sa kanya. Napatingin ako kay Kristof. ''Ilabas mo na sila." Utos ko rito na agad naman n'yang tinanguhan. ''Samahan mo sila Kyle." Baling ko kay Shon na agad naman lumapit sa mga babae.

Nauna na akong umalis. Kailangan ko pa'ng hanapin ang babaeng iyon. Tinahak ko ang daan papunta sa pinakailalim ng underworld. Dito ginaganap ang labanan sa pagitan ng dalawang gang. Tahimik ang paligid ni isang kaluskos ay wala akong marinig. Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa boxing ring.


''Hinahanap mo ba ako?" Tanong ng isang babae. Iginala ko ang aking paningin sa madilim na bahagi ng ring. ''Tama nga si O'lus, mahusay sa pakikipaglaban ang gang ninyo." Ani nito saka lumitaw sa aking harapan.

''Who are you?" Tanong ko ulit sa kanya. Napatitig naman siya sa akin pagkatapos ay ngumisi ito.


''Hindi mo na kailangan pa'ng malaman kung sino ako." Sabi nito pagkatapos ay hinugot nito ang kanyang sandata na nakaipit sa kanyang likuran. Napatingin ako sa kanyang hawak. It's Kunai, a kind of weapon usually used by ninja.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon