TCPMTG// 51

345 7 0
                                    

YURI POV

"Ang tagal mo naman bunso"

"Hay naku ate wag ka ngang magalit dyan. Ikaw kaya pumila dun"

"Oh siya maupo kana at kumaen na tayo"

Umupo naman siya sa harapan ko. Ang rami naman niyang in-order. Meron kaming pizza with pasta at toasted bread with margarine on top tapos ice tea.

"Bunso baka naubos muna yung pera naten.."

"Hindi ah. May dala rin akong pera kkb tayo sa food. May sukli kapa dito ate ibibigay ko mamaya"

"Ganun ba. So ilan na lang ang natira kong pera?"

"250 pa ate yung natira sayo.. Kasi 259 lahat yang kinakaen mo. Buti nga kumuha ako sa ipon ko ng 300 eh "

TT^TT

Ano ba yan pulubi na naman ako ngayon. Wala na akong pera eh. Pamasahe na lang iyon. Sana meron isang tao ang magpasakay mamaya ng libre samen ni bunso.

Habang kumakaen ay biglang nagsalita si bunso.

"Ay ate nakita ko pala si- -

"SINO NAKITA MO?!"

Oops! Nalakasan ko ata? Panay na kasi ang lingon saken ng mga tao dito sa resto at nagbubulungan din sila. Lumingon naman ako sa kapatid ko na sinesenyasan akong umupo. Nagbow bow na lang ako at nag-peace sign. Nakakahiya ka talaga Yuri TT^TT

"Ate naman eh nakakahiya tuloy"

"Sorry.. hehe sino ba yung nakita mo?"
Pabulong na tanong ko sa kanya. Ibinaba naman niya yung tinidor niya at lumapit saken.

"Si ate Natty at ate Mina nakita ko sila"

"Oh saan mo sila nakita?"

"Nag groceries ata sila. Pero umalis din agad"

Sabi niya kaya tumango nalang ako. Siguro magluluto yung mga iyon.  Sinenyasan ko naman siya na umayos na ng pag-upo at kumaen na lang. Habang kumakaen ay biglang may kumalabit saken kaya napalingon ako sa taong iyon.

"Hmm bakit po?"

Tanong ko dun sa babaeng kaedad ko lang ata. Pamilyar siya saken pero di ko na maalala kung saan at kailan ko siya nakita. Basta pamilyar siya.

"Duh? If I know magka edad lang tayo"

Aba may pagkamataray pala ang peg ng isang to ah. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba kung mataray siya masmataray naman ako hmmp!

"Okay. By the way who are you?"

"Uh I forgot. I'm Melisa and you are?"

Aba palitan lang ng tanong ah. Ayos tong kausap nakakatalino. Tinignan ko naman si bunso at ayon kumakaen pa rin. Ang tagal naman kumaen ng isang to. Ako yung bread na lang yung kakainin ko. Pero dahil umeksena si ate na MAARTE slash MATARAY eh mamaya ko na lang kakainin iyon.

"I'm Yuri Ferri"

Nakangiting sabi ko sa kanya tsaka inabot yung kamay ko sa kanya para makipag-kamay. Nakita ko naman na biglang nagiba yung aura niya. Ano bang problema niya sa pangalan ko.

"Melisa bakit may problema ba?"

"Hmm nothing. By the way sino siya?"

Tanong niya habang tinitignan yung kapatid ko. Wag mong sabihin type mo yang kapatid ko. Bata pa yan mahiya ka sa edad mo haha..

"Younger brother ko si Yossef"

"Hi Yossef.. hindi halata na magkapatid kayo kasi ikaw gwapo eh itong ate mo ewan ko na lang"

Sabi pa niya. Eto namang si bunso ay natawa na lang. Aba iinsultuhin pa ako ng babaeng ito ah! Pasalamat siya nagtitimpi ako ngayon dahil ayaw ko ng mapahiya. Tama na yung isang beses. Magsasalita pa sana ako pero nagsalita naman na siya.

"By the way I have to go my boyfriend is waiting for me. "

"Okay bye"

Paalam ko sa kanya. Aba pasalamat siya nag goodbye pa ako sa kanya.  Di nga siya nakipag kamay saken eh. Arte talaga ng Melisa nayon.

"Bunso tapos kana?"

"Ah oo ate. Take out nalang naten yung toasted bread sayang kasi"

"Sige hingi ka ng bioplastic bag sa kanila"

Pagkaalis ni bunso ay napapalingon naman ako sa labas ng resto. Nadako ang paningin ko sa dalawang tao na nag-uusap sa labas. Teka sino yung kausap ni Melisa?
Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa lumingon yung lalake sa likuran niya kaya nalaman ko na kung sino yung boyfriend na sinasabi ni Melisa.

Si Mr. Prodigy ang boyfriend niya. Kaya naman pala sinasabi niya na WALA ako sa standards niya pagdating sa mga babae dahil may GIRL na pala siya. Ang saklap girls sobra.

TT^TT

"Uy ate tara na.. kanina pa kita tinatawag eh"

"Ah ganun ba bunso. Sorry may iniisip lang"

"Baka naman si Kuya Tylere yan ah.. Sabagay boto naman ako sa kanya kaysa dun sa una"

"Sira! Wala kami ni kuya Tylere mo"

"May sinabi ba ako na kayo? Hayst! Ate talaga oh bistado ka na niyan eh"

Hindi ko na lang siya pinansin. Nandito kami sa labas ng mall at naghihintay ng taxi. Hayst! Bakit ba walang taxi ngayon gusto ko na umuwi. T^T

"HI kuya Tylere"

Napalingon ako kay bunso ng banggitin niya yung pangalan ng lalakeng iyon. Nag smirk naman siya ng bigla ko siyang lingunin at wala naman si Tylere sa harapan namin. Kainis! Inaasar talaga ako ng kapatid kong to ha?!

Tinignan ko na lang siya ng masama. Hay isusumpa talaga kita bunso!

"Yossef.. what are you doing here? Oh Yuri you here also."

O____O

Shete sh*T! Boses ni Prodigy ito ah. OMmm to G!! Lumingon ako sa likuran ko. At ayon confirm nasa harapan namin si Tylere with ehem.. with Melissa.

"Hehe Oo namasyal lang"

"That's great! But how about your ghantt chart?"

=____=*

"Oo na! Di ko naman nakakalimutan iyon eh. And gusto ko lang magbonding kami ng kapatid ko. May masama ba dun?"

"Did I tell that? You are so paranoid. Melissa isasabay na naten sila"

Napatingin saken si Melissa at halatang ayaw niyang sumakay kami sa kotse ni Prodigy. Tsk! Para namang gusto kong sumakay sa kotse ng mayabang na lalakeng to! Please Melissa umayaw ka na lang kaysa yung makikipagplastikan ka lang samen.

"Yeah sure.. okay lang naman. Beside this is yours"

"Oh come on Yuri, Yossef sakay na.  We will drop you at your village"

Wala na kaming nagawa ni bunso kundi ang sumakay sa kotse niya. Sa tingin ko magiging awkward ang byaheng to.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon