TCPMTG// 67

218 5 0
                                    

Kristof Kai POV

Hindi agad ako nakareact matapos akong suntukin ng babaeng iyon sa aking kanang pisngi. For the first time in my life siya lang ang naglakas loob na sapakin ako sa mukha.

''Kristof how's your face masakit ba?" Tanong ni Mark saka ito ngumisi. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

''Naku Kai mukang nahanap mo na ang katapat mo. Amazing! Hindi umubra ang nakakamatay mong tingin sa babaeng iyon haha" natatawang komento naman ni Shon na inirapan ko lang. Tumayo ako sa aking upuan habang nakakuyom ang aking dalawang kamay.

Asar! Talagang ginagalit ako ng lintek na babaeng iyon! Makikita niya na nagkamali siya ng taong sinapak.

''Don't tell me papatayin mo si Miss Flying Shoes?" Pahabol na tanong ni Shon ng malapit na ako sa pintuan. Lumingon naman ako sa kanya bago ngumisi.
''Of course I won't. Paglalaruan ko muna siya bago ko gawin iyon"sagot ko sa kanya kaya itinaas nila ni Mark ang kani-kanilang hawak na bote ng alak sa ere.

''Well we hope na magtagumpay ka" sabay pa nilang sabi na inilingan ko lang. Lumabas na ako ng pintuan at agad hinanap ang babae. Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.

Walang sino man ang pwedeng manakit sa akin. Shit! Humanda talaga siya!

Nasa labas na ako ng club pero wala siya kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa aking nakaparadang motor at tinawagan ang alam kong makakatulong sa akin. Ang walang hiyang Tylere na kinaiinisan ko.

''Oh bakit ka napatawag? Nandito ako sa broadcasting room dali sabihin mo na ang sasabihin mo" anya kaya napairap ako. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas. Ngayon lang ako manghihingi ng tulong sa kanya. Ngayon lang..

''Kailangan ko ang address ni miss flying shoes a.k.a the Sadista Princess" narinig ko ang pagtipa niya sa kanyang keyboard sa kabilang linya.

Nang malaman ko ang kanyang address ay agad kong pinatay ang tawag bago pinaandar ang aking motor  Ihanda mo ang sarili mo. Dahil sisiguraduhin kong magiging impiyerno ang buhay mo.

Maga-alas singko na ng hapon ng makarating ako sa condo building na sinabi sa akin ni Tylere. Agad akong lumapit sa receptionist na nasa front desk.

''Hi Sir Good afternoon, how may I help you" ngiting anya sabay ayos ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga. Tsk! Halatang nagpapansin ito sa akin.

''I'm looking for Miss Shannia Mei Khortiz. Saan ang room number niya?"

''Kaano-ano niyo po siya Sir?"

''She's my fiancee na-mimiss ko na kasi siya kaya andito ako para bisitahin siya" Pagsisinungaling ko saka pilit ang ngiting binitawan ko sa babae. Mukang hindi kumbinsido ang babae kaya nag-isip ako ng idadahilan. ''I heard lumipat siya dito. So please let me know her room" dagdag ko na sinabayan ko ng tingin na parang nagmamakaawa.

''Hmm room number 107 po, Sir. Nasa eight floor po"

''Okay thanks Miss"

Ngiting paalam ko sa babae saka dumiretso sa elevator. Nang muling magbukas ang elevator ay agad akong lumabas at hinanap ang kanyang condo unit. Tsk! Hindi na ako makapaghintay na parusahan ka.

Kumatok ako sa kanyang pintuan at ilang sandali pa ay bumukas iyon. Nagulat naman siya ng makita ako pero hindi ko iyon pinansin at pumasok agad ako dahilan para mapaatras siya.

''Anong?! Anong ginagawa mo dito?" Anya na may halong pagtataka. Ngumisi naman ako sa kanya saka ko siya hinila at isinandal sa likod ng pintuan. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at nakipagtitigan ako sa kanya. ''Anong gagawin mo ha?!" Sigaw niya sa aking harapan kaya napangisi ako.

Asan ang tapang mo ngayon? Ikinulong ko naman siya sa aking bisig.

''Total sinapak mo ako sa mukha andito ako para parusahan ka"

''What? Anong parusa naman iyon aber?!"

Aba! Matapang talaga ang babaeng to. Hinawakan ko siya sa kanyang baba bago sumeryoso.

''Sa ayaw o sa gusto mo, dito ako titira kasama mo"

O___O

''WHAT?!! NO WAY!!"

Sigaw niya sa aking harapan napaiwas naman ako ng aking mukha. Nakakainis naman iyong laway niya tumalsik sa mukha ko. Kadiri naman ng babaeng ito.

Naglakad naman ako papunta sa kanyang sofa at sumandal doon. Napatingin naman ako sa kanyang mga litrato na nakasabit sa wall.

''Sinong nagsabi sayong welcome ka dito sa bahay ko? Labas!" Anya sa aking harapan bago nakaturo sa pintuan ang kanyang hintuturo. Ngumisi naman ako sa kanya bago nahiga sa sofa na parang balewala lang sa akin ang mga sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ayon umuusok na sa galit yung tainga at ilong niya.

''Like what I had said. Dito ako titira kaya maghanda kana ng makakain natin dahil malapit ng mag alas sais." Sabi ko saka ipinikit ang aking mga mata.

''Aarghh! Buwisit ka talaga Kristof!" Gigil na anya sa aking tabi bago ako iniwan. Pasimple ko naman siyang pinanuod habang naglalakad ito pabalik sa kusina. Napangisi ako ng makitang padabog niyang isinara ang pintuan ng maliit niyang ref.

Dito muna ako titira pansamantala. Gusto ko kasi siyang asarin araw-araw. Nage-enjoy kasi ako kapag nakikita ko siyang inis na inis sa akin. Ewan ko ba kung bakit? At yung sinabi ko kanina na dito ako titira wala naman talaga sa plano ko iyon eh. Kusa na lang iyon lumabas sa aking bibig. Muli akong napangisi ng maalala ang naging reaksyon niya kanina.

Gumaganda pala siya lalo kapag galit habang namumula ang mukha.






AUTHOR'S NOTE

Hi guys!! Another update is done! I hope you like it guys. Enjoy reading po and please don't forget to vote and comment po. Thank you!!
Eto na po pala yung mg FB link.

Please pa-follow naman po ako dito sa wattpad at sa Facebook thank you po! ^__^

Story written by:
rachel_han

WattpadAccount: @rachel_han

Facebook Group: Rachel_han Wattpad Stories nasa baba po ang link. Pamember na lang po kayo :)

https://www.facebook.com/groups/572462056562154

Tapos pa-like na rin po iyong wattpad  facebook page po na nasa baba.

Facebook Page: Rachel_han Wattpad Stories

https://www.facebook.com/rachbav/

Thank you...thank you po!!
See u in next update! ^_^

Pasensya na po sa mga errors and wrong grammars.
Love you all! :)

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon